11 gawain ng mga toxic parent na dapat iwasan ng mga magulang

Maraming magulang ang nagiging masyadong negatibo sa mga anak nila nang hindi nila nalalaman. Hindi nila napapansin na malaki ang nagiging epekto sa kanilang mga anak ng pagiging isang toxic parent. Karamihan sa mga ganitong magulang ay hindi alam na ang kanilang pagpapalaki sa mga bata ay nasa negatibong pamamaraan na. Ito ang mga gawain ng mga negatibong magulang upang malaman at maiwasan.

Mga ugali ng toxic parent na dapat iwasan

1. Pinagsasalitaan ang mga bata imbes na kausapin

Importante ang komunikasyon sa lahat ng relasyon. Ngunit nagiging mas mahirap ito sa paglaki ng mga bata at pagkakaroon nila ng sariling opinyon. Ang mga toxic parent ay hindi nakikinig sa mga anak nila. Kaysa makinig sa opinyon ng bata at kausapin sila ng maayos upang ipaliwanag ang panig nila, pinagsasalitaan lang sila.

2. Masyadong nag-iisip nang negatibo

Sa masyadong pagiisip ng mga problema ng matatanda, nagiging negatibo rin ang ugali ng mga magulang sa mga anak nila. Kapag puro negatibo ang iniisip ng magulang, nagiging negatibo narin ang tingin nila sa kanilang mga anak.

3. Hindi na papangiwasaan nang maayos ang sariling pagkabigo

Ang pagiging magulang ay puno ng mga kabiguan. Maaari itong mag-ugat sa hindi pagplano ng mga kailangang ihanda o kahit sa pagka-inis na hindi kumpleto sa tulog. Kapag naiayos ang pangangasiwa sa ng sariling pagkabigo ang mga magulang, mapapansin nila na agad din magbabago ang mga problema nila sa ugali ng mga bata.

4. Minamaliit ang mga kaibigan ng mga bata

Hindi maiiwasan na hindi gusto ng mga magulang lahat ng mga kaibigan ng anak nila. Maaaring may hindi sila gusto sa mga ito ngunit dapat iwasan ang maliitin ang mga ito. Para sa mga bata, ang pamamaliit sa mga kaibigan nila ay pamamaliit din sa kanila.

5. Nilalagyan ng label ang mga anak

Para sa mga toxic parent, maling nagawa ng bata ay naka-akibat sa ugali ng bata. Sa kanilang pag-iisip, pareho lang ang masamang ugali at masamang anak. Bilang resulta, itinuturing ng mga toxic parent o negative parent na ang anak nila ay tamad o makasarili. Naiimpluwensyahan dito ang mga bata na umasal sa ganitong mga paratang. Nawawalan ang mga bata ng sariling sikap upang ayusin ang mali sa ugali nila dahil naaakibat nila ang masamang ugali bilang pagkatao nila.

6. Ikinukumpara ang anak sa iba

Isa sa madalas at pinaka-malalang gawain ng mga toxic parent ay ang pagsabi ng mga salitang “Buti pa si…” o “Bakit di mo gayahin si…” Hindi nila alam na napapababa nito ang kumpyansa sa sarili ng mga bata.

7. Sinasabihan ang mga anak ng “Lagi ka nalang ganyan”

Ang mga salitang “Lagi ka nalang ganyan” o “Hindi ka na nagbago” ay hindi nagbibigay ng pagkakataon sa bata para magbago. Kung ano ang tingin ng mga magulang sa bata, iyon ang nagiging tingin ng mga bata sa sarili nila.

8. Kapag minamaliit ng mga magulang ang sarili nila

Mataas ang tingin ng mga bata sa kanilang mga magulang. Para sa mga bata, ang kanilang mga magulang ang ehemplo sa lahat ng bagay, pati kumpyansa sa sarili. Kapag minamaliit ang sarili sa harap ng mga anak tungkol sa mga mababaw na bagay tulad ng talino, timbang o iba pa. Ang pagbaba sa sarili ay magiging tingin din ng bata sa mga magulang nila.

9. Pinipilit maging matalik na kaibigan ng mga anak nila

Ang pag-pilit na maging matalik na kaibigan sa mga anak ng mga magulang, ay isang paraan ng pag-iwas sa responsibilidad ng magulang. Kasama dito ang pagbibihis tulad ng mga anak nila, pakikipag-kaibigan sa mga kaibigan ng mga anak, pati na ang pagbigay ng hindi naaangkop na impormasyon sa mga bata. Kailangan ng mga anak na ang kanilang mga magulang ay maging magulang sakanila.

10. Ayaw payagan ang mga bata magawa ang mga bagay mag-isa

Ang mga toxic parent o negative parent ay puno ng takot ang papalaki sa kanilang mga anak. Dahil dito, pinipigilan nila ang mga anak nila maging malakas ang loob.  Bumababa ang kumpiyansa ng mga bata sa kanilang mga sarili dahil ang tingin nila ay hindi sila maaasahan at wala silang tamang kakayahan.

11. Pine-personal ang ugali ng mga anak

Masakit sa mga magulang ang marinig sa anak nila na hindi sila gusto nito. Pagkatapos silang alagaan buong buhay nila, masakit makarinig ng mga ganitong salita mula sa mga anak. Kahit masakit, hindi kakaiba ang makarinig ng mga ganito mula sa mga bata. Gawain ng mga toxic parent ang personalin ang mga ganitong komento. Nagagawa nilang magtanim ng sama ng loob sa mga anak nila.

 

Hindi madali maging magulang ngunit kailanganin alalahanin ang mga responsibilidad na kaakibat nito. Sa kabutihang palad, kaya pang baguhin ang ugali ng negatibong magulang kung mapansin na nagagawa ang mga ito.

 

Source: Reader’s Digest

Basahin: 7 characteristics of toxic parents you should avoid at all costs

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!