Sa panahon ngayon, kung may prublema sa sex life ang mga mag-asawa o kaya naman kahit mga walang asawa, maaaring komunsulta sa mga sex therapist. Ngunit marami ang hindi lumalapit sa mga sex therapist dahil sa mga maling akala. Ito ang mga nais ipabatid ng mga sex therapist para sa mga nais komunsulta sa kanila.
Hindi kailangan magtalik sa harap ng sex therapist
Isa sa mga pinakamaling pagaakala ng karamihan ay kailangan magtalik sa harap ng sex therapist upang makatulong ito. Ang mga sex therapist ay nandyan lamang upang kausapin, hindi sila manonood sa pagtatalik o kaya naman ay sasali. Ang propesyonal na sex therapy ay walang kasamang pagtatalik, paghawak o kaya naman pagtanggal ng kahit anong pananamit.
Maaaring medikal ang pinagdadaanan na prublema
Matutulungan ng sex therapy ang mga prublemang sexual ngunit minsan, may mga prublema na kakailanganin ng tulong ng mga gamot tulad ng para sa erectile dysfunction o female sexual dysfunction. Ang mga sex therapist ay nandyan para suriing mabuti kung ano ang sanhi ng nararanasang prublema. Maaaring mangailangan ito ng ilang sesyon upang malaman ang tunay na pinanggagalingan at malaman ang mga tamang gawain para maiayos ito.
Ang komunikasyon ang pinakamahalaga para sa masiglang sex life
Hindi lahat ng nagsasama, may masigla man na sex life o hindi, ay kumportable na mag-usap tungkol sa sex. Ngunit kailangan maintindihan na ang paguusap tungkol dito ay halos kasing importante ng mismong pagtatalik. Nakatutulong ito upang malaman ang gusto ng isa’t isa. Kung nahihiya makipag-usap sa partner, mahihirapan iparating ang gusto o magsabi kung may nakikitang prublema.
Normal na ma-akit sa ibang tao
Maaaring parin maakit sa ibang tao kahit pa masaya sa pagsasama ang mag-partner. Ang pagkakaroon ng relasyon ay hindi nagpapabago sa pisyolohiya ng isang tao upang hindi na makaramdam ng pagnanais o makapansin ng kagandahan ng iba. Hindi ibig sabihin nito na nais gumawa ng paraang sexual, pisikal o emosyonal sa ibang tao. Iba ang nararamdaman lamang at iba ang paggawa ng paraan tungo dito.
Kailangan kumportable sa sex therapist
Tulad ng tradisyonal na therapy, iba-iba ang mga istilo ng mga sex therapist. Ang importante ay kumportable ang pasyente sa pakikipag-usap sa sex therapist nila. Hindi kailangan pilitin ang sarili kung hindi kumportable sa unang malalapitan. Nawa’y sa unang sesyon, ugaliing magtanong ng mga nais malaman tungkol sa sex therapist. Alamin ang training nila, paano ang istilo nila, ano ang aasahan mo sa kurso ng inyong mga sesyon, at iba pa. Dito pa lamang, maaari nang malaman kung mapapalagay ang loob sa therapist o hindi.
Hindi dapat husgahan ang hilig ng partner
Hindi laging nagkakasundo ang mga nagsasama ngunit ang pag-husga sa partner depende sa hilig nila ay hindi makakatulong sa isang relasyon. Kung ang isa sa nagsasama ay may hilig na hindi gusto ng kinakasama nila, hindi dapat ito ipahiya. Tulad ng iba’t ibang relasyon, importante ang maramdaman ng mag partner na kumportable sila sabihin ang mga hilig nila gaano man ito naiiba sa hilig ng kinakasama nila. Maging mabait at tapat kung hindi gusto ang hilig ng partner. O kaya naman ay subukan ito at mag-eksperimento.
Huwag patagalin ang mga prublema
Kung may mapansin na prublema, huwag ito patagalin at komunsulta agad sa mga sex therapist. May mga pagkakataon na taon ang inaaabot bago komunsulta ang nagsasama at nagtitiis na lamang. Mahirap ayusin ang tumagal na prublema kaya lutasin ito agad bago pa tumagal.
Huwag matakot gumawa ng bago
Ang pagtatalik ay hindi kailangan mgaing seryoso. Ang mabuting sex life ay masaya at mapaglaro. Kung makaranas ng prublema, mag-isip ng kakaiba. Ang paggawa ng ibasa nakasanayan ay maaaaring makapagpabago ng pakiramdam kahit pa gaano na katagal ang isang relasyon. Maaari itong maging bagong posisyon, nakaka-akit na tugtugin, ilaw, pabango, o kahit ano pa man.
Hindi kailangan pilitin ang sarili
Ang sex therapy ay hindi sapilitan na paggawa ng mga bagay na hindi kumportable ang pasyente. Ito ay ang paggawa ng ligtas at kumportableng lugar para matuto sa sex. Hindi dapat makaramdam ng kahihiyan o pagpilit ang pasyente. Ang sex therapy ay nandyan para magbigay ng iba’t ibang mapagkukunan ng kaalaman, kagamitan at pagpipilian upang sumaya ang sex life.
Ang pag-schedule ng pagtatalik ay hindi pangit na ideya
Maaaring nakakatawa ang ideya ng pag-schedule ng pagtatalik sa karamihan ngunit maganda ito para sa mga matatagal na relasyon at marami nang responsibilidad. Kung nakakalimutan ang pagtatalik dahil sa stress na nararanasan, ang pag-schedule nito ang maaaring magbalik ng kislap sa sex life.
Hindi kailangan na nasa isang relasyon
Kahit pa kadalasan sa mga nagiging pasyente ng mga sex therapist ay mag-asawa, hindi ibig sabihin nito ay ang mga may partner lang ang maaaring lumapit sakanila.
Ang mga nagkakaproblema na buksan ang sarili nila sa ibang tao ay maaari rin magpakonsulta sa mgaa sex therapist. Importante ang sexuality bahagi ito ng buhay ng tao, malaking bagay ang pagtuunan ito ng pansin at ang mga apekto nito sa ibang aspeto ng buhay.
Ang therapy ay hindi nangangahulugan na delikado ang relasyon
Ang maling tingin ng karamihan ay ang pag-konsulta ng nagsasama sa isang sex therapist ay nangangahulugan na malapit nang matapos ang isang relasyon. Sa katotohanan, karamihan sa mga kumukonsulta sa mga sex therapist ay mas tumatagal at tumitibay pa ang relasyon. Ang paglapit sa mga eksperto ay isang senyales na nais ng nagsasama ayusin ang kanilang prublema. Ang tamang sex therapist ay makatutulong upang patibayin pa ang mga ganitong relasyon.
Source: Reader’s Digest
Basahin: Kissing therapy: Ang epekto kapag parating hinahalikan ang asawa
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!