#GlowingSkin: 6 Best Whitening Lotion For Moms In The Philippines

#GlowingSkin: 6 Best Whitening Lotion For Moms In The Philippines

Mommy, hirap ka na bang mahanap ang best whitening products for you? Check our list for the best whitening lotion for moms here!

Marami-rami ka na ring bang lotion na nasubukan para pumuti? Napapansin mo rin bang parang wala namang epekto ito sa iyong skin? Kung ganito na ang iyong nararanasan, makakatulong ang binabasa mo ngayon. Sa article na ito, makikita mo ang aming top picks ng whitening lotion for moms na talaga namang effective para magkaroon ng glowing skin!

Iba talaga ang epekto ng pagkakaroon ng glowing skin sa self-confidence ng isang ina. Kaya't tama lang din na mag-invest sa iba't ibang high quality products for your skin. Dito ibibigay namin ang reviews ng pinaka-effective na lotion na maaari mong gamitin.

Benepisyo ng lotion sa balat

Ang paglalagay ng lotion sa balat ay mayroong mga benepisyo tulad ng:

  • Pagpapabuti ng kalagayan ng balat.

Ang lotion ay mayroong mga sangkap na nagbibigay ng moisture sa balat, kaya nakakatulong ito upang mapanatili ang balat na malambot at hydrated.

  • Pagprotekta sa balat.

Nakakapagbigay ng proteksyon sa balat ang lotion mula sa mga epekto ng araw, polusyon, at iba pang mga nakakasamang elemento. Mayroong mga lotion na mayroong SPF na nagpoprotekta sa balat mula sa damaging na epekto ng ultraviolet rays ng araw.

  • Nakakapagpabawas ng pangangati.

Kung ikaw ay mayroong pangangati sa balat, ang lotion ay maaaring makatulong upang magbigay ng komportableng pakiramdam. Mayroong mga brands na may cooling at soothing na sangkap na nakakabawas ng pangangati ng balat.

  • Nakakatulong sa pag iwas sa pagkakaroon ng wrinkles.

Ang paglalagay ng lotion ay nakakapag moisturize ng balat, na makakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng wrinkles at iba pang mga senyales ng pagtanda.

  • Nagpapanatili ng malinis na balat.

Ang lotion ay maaaring magbigay ng karagdagang proteksyon sa balat mula sa mga mikrobyo at iba pang mga nakakapagdulot ng impeksyon.

Best Whitening Lotion for Moms

This time, kailangan mo nang isuko ang ibang brands na sa tingin mo hindi naman hiyang sa iyo. Pinili namin ang lima sa mga best brands ng whitening lotion for moms na talaga namang kakikitaan mo ng resulta sa ilang araw na paggamit. What are you waiting for? Piliin na ang swak na swak para sa iyo:

[product-comparison-table title="Best Whitening Lotion Brands"]

NIVEA Body Whitening Lotion and Firming

Best firming lotion

[caption id="attachment_478814" align="aligncenter" width="1200"]Nivea Whitening Lotion - Best firming lotion Whitening Lotion for Moms: Best Brands To Achieve Glowing Skin | Nivea[/caption]

Gusto mo ba i-achieve ang firm skin habang pumuputi? Magandang subukan na ang NIVEA Body Whitening Lotion and Firming.

Ang Deep White Essence ng lotion na ito nagwowork kasama ang Super Fruit Extracts (Camu Camu at Acerola Cherry) para lalong magkaroon ang isang tao ng brigth skin. Mayroon pa itong 50x na Vitamin C kaya sure na healthy ito para sa skin. Malaki rin ang gagampanang role nito sa pagrerestore ng natural elasticity ng iyong balat dahil mayroon itong Q10.

Bukod sa pagpapaputi, maganda rin ito dahil narerepair niya ang 10 signs ng damaged skin gaya ng dark spots, dullness, pati na rin ang pagkakaroon ng uneven skin tone. Talagang perfect ang whitening lotion na ito para sa iba't ibang skin types ng mga mommies.

Bakit namin nagustuhan ang product na ito:

  • With Super Fruits Extracts combined from Camu Camu and Acerola Cherry
  • Repairs 10 signs of damaged skin
  • Extensive skincare for different skin types
  • High-quality product

Myra Classic Whitening Vitamin Lotion

Best for beauty vitamins components

[caption id="attachment_478813" align="aligncenter" width="1200"]Myra Whitening Lotion - Best for beauty vitamins components Whitening Lotion for Moms: Best Brands To Achieve Glowing Skin | Myra[/caption]

Balat ang unang poprotekta sa iyo laban sa anumang components, kaya dapat lang na nabibigyan rin siya ng vitamins. Mayroon ang lahat ng iyan sa Myra Classic Whitening Vitamin Lotion.

Sa bottle na ito ay makukuha mo ang power ng beauty vitamins. Kabilang sa nutrients na iyan ang Vitamin E, Vitamin C, Vitamin B3, Vitamin B5, at Vitamin B6. Ang mga ito ay may malaking benepisyo sa balat dahil kaya nilang mamoisturize, maiwasan ang pagtanda, at maalagaan ang natural na ganda ng skin.

Gamit ang 24-hr Moisture Lock na mayroon ang lotion, maaari nitong marehydrate ang iyong balat sa mahabang oras bawat araw. Mayroon din itong grape seed oil para matiyak na soft at moisturized palagi ang iyong skin.

Talaga namang brand na subok na at pinipili ng karamihan ang Myra!

Bakit namin nagustuhan ang product na ito:

  • With a 24-hr Moisture Lock
  • Rehydrates skin
  • Has grape seed oil to soften and moisturize skin
  • Packed with vitamins good for the skin

SkinWhite Whitening Gluta Plus Vitamin C Lotion

Best glutathione lotion

[caption id="attachment_478812" align="aligncenter" width="1200"]SkinWhite Whitening Lotion - Best glutathione lotion Whitening Lotion for Moms: Best Brands To Achieve Glowing Skin | SkinWhite[/caption]

Kung usaping lotion na pampaputi, ano pa nga ba ang dapat hanapin? Glutathione, of course! Inihanda na iyan ng SkinWhite Whitening Gluta Plus Vitamin C Lotion para sa iyo.

Gumagamit ang lotion na ito ng antioxidant powers ng Glutathione at Vitamin C para mabigyan ka ng bright, smooth, at radiant skin. Formulated pa ang whitening lotion for moms na ito ng Advanced Tripower Technology na safe at effective for whitening. Nagiging involved kasi ito sa 3 stages ng melanin production kaya talagang makikita mo ang pagputi ng iyong balat.

Sa loob lamang ng limang araw na paggamit ay makikita mo agad ang pagbabago sa iyong skin.

Bakit namin nagustuhan ang product na ito:

  • Formulated with Advanced Tripower Technology
  • With Vitamin C
  • Involves 3 stages of melanin production
  • Whitens in 5 days only

BELO Essentials Whitening Lotion

Best hypoallergenic

[caption id="attachment_478811" align="aligncenter" width="1200"]Belo Whitening Lotion - Best micro-encapsulated technology Whitening Lotion for Moms: Best Brands To Achieve Glowing Skin | Belo[/caption]

Kung gusto mo naman makakita ng maximum whitening power, ang BELO Essentials Whitening Lotion ang dapat sa iyo. Dahil kasi sa Micro-encapsulated Technology nito ay naeenclose niya ang active ingredients sa microspheres kaya talagang effective na pampaputi.

Malaking tulong din na mayroon itong pinaghalong Glutathione at Kojic Acid na kilala naman na bilang nakakapagpaputi ng balata. Bukod diyan, naglalaman din ang lotion ng essential nutrients for skin tulad ng Vitamins D at E. Ang mga vitamins na ito ay nakakapagmoisturize at nourish ng balat ng tao.

Higit pa rito, matutulungan ka nitong maprotektahan ang sarili laban sa harmful UVA at UVB rays dahil mayroon itong SPF30.

Bakit namin nagustuhan ang product na ito:

  • With Kojic Acid and Glutathione
  • Ensures maximum whitening power
  • Has essential vitamins for skin nourishments
  • With SPF30

Vaseline Healthy Bright UV Extra Brightening Lotion

Most trusted

[caption id="attachment_478810" align="aligncenter" width="1200"]Vaseline Whitening Lotion - Most Trusted Whitening Lotion for Moms: Best Brands To Achieve Glowing Skin | Vaseline[/caption]

Di maitatanggi na ang Vaseline mula sa Unilever ay isa sa mga most trusted whitening lotion brands sa bansa at sa iba pang panig ng mundo. Isa sa mga produkto nito ay ang Vaseline Healthy Bright UV Extra Brightening Lotion na talaga namang proven effective na nakakapagpaputi ng balat sa loob ng 2 weeks.

Naglalaman ito ng 10x Niacinamide na nakakatulong sa pagpuksa ng melanin build up sa balat at nakakatulong upang maboost ang natural radiance nito. Naglalaman din ito ng Vaseline petroleum jelly to keep your skin moisturized all day. Dinagdagan na rin nila ito ng triple sunscreen para mabigyan ka ng proteksyon against sun damage.

Bakit namin nagustuhan ang product na ito:

  • With triple sunscreen to prevent harmful effects from the sun
  • Lightens dark spots
  • Has intense moisturizing power
  • Nakakapagpaputi sa loob ng 14 days

Cetaphil Brightening Body Lotion

Best for sensitive skin

[caption id="attachment_478809" align="aligncenter" width="1200"]Cetaphil Whitening Lotion - Best for sensitive skin Whitening Lotion for Moms: Best Brands To Achieve Glowing Skin | Cetaphil[/caption]

Hindi namin makakalimutang ilagay ang Cetaphil Brightening Body Lotion sa aming listahan ng best whitening lotion for moms. Kung ang problema mo ay uneven skin tone, napaka effective ng produktong ito. Kaya nitong i-reduce ang dark spots sa balat sa loob lamang ng 4 weeks na pag gamit.

Karagdagan, ang produktong ito ay hypoallergenic at fragrance-free kaya naman perfect para sa mga mommies na may sensitive skin. Gawa ito sa skin-loving ingredients na tiyak hindi makakairita ng balat. Mayroon itong niacinamide na safe at effective sa pagpapaputi ng balat. Hinaluan pa ito ng sea daffodil na nakakapag hydrate ng balat at nakakapagpagaling ng burns, acne at iba pang skin condition.

Bakit namin nagustuhan ang product na ito:

  • Hypoallergenic at fragrance-free
  • Reduces dark spots
  • Hydrates and moisturizes skin for 24 hours

Price Comparison Table

Dahil nandito ka na sa part na ito, alam namin kung gaano ka kaexcited na pumili na ng whitening lotion for moms. Ngayong nabasa mo na ang iba't ibang benefits na kayang ibigay ng bawat produkto sa aming listahan, magkano naman kaya ang kanilang presyo? Inihanda namin ang isang price comparison table para sa iyo:

Whitening lotion for moms

Price

NIVEA Body Whitening Lotion and Firming Php 295.00
Myra Classic Whitening Vitamin Lotion Php 336.00
SkinWhite Whitening Gluta Plus Vitamin C Lotion Php 375.00 - Php 750.00
BELO Essentials Whitening Lotion Php 265.00
Vaseline Healthy Bright UV Extra Brightening Lotion  Php 690.00 - Php 890.00
Cetaphil Brightening Body Lotion Php 1,135.00

Paano dapat pumili ng tamang lotion na pampaputi?

[caption id="attachment_474434" align="aligncenter" width="1200"]whitening lotion for moms Whitening Lotion for Moms: Best Brands To Achieve Glowing Skin | Larawan mula sa Pexels[/caption]

Choosing can be overwhelming naman talaga. Lalo pa nga siguro kung ikaw ay nasa mall at sangkaterbang whitening lotion ang iyong makikita. Kung minsan naman sa online markets, malulunod ka rin sa dami ng lotion na mayroon dito. 

Kaya naman we can help you with that. Para makapili ng best whitening lotion for moms, siguraduhing i-check ang mga sumusunod:

Moisturizing properties

Mahalagang mayroong moisturizing properties ang isang lotion dahil ito naman ang main goal kaya ito ginagamit. Kung ikaw ay mayroong dry skin, dapat lang na maghanap ka ng product na magbibigay moisture sa iyong balat using different hydrating ingredients. 

Kinakailangan kasing laging hydrated din ang balat para mapanatiling healthy ito in the long run.

Sun Protection Factor (SPF)

Isa rin ito sa dapat na kino-consider dahil marami ang benefits na maaari nitong mabigay. Ito kasi ang magbibigay ng protection sa iyong balat laban sa direct exposure sa sunlight. Kadalasan kasi itong nagiging dahilan ng skin discoloration.

Tandaan na delikado sa balat ang labis na exposure sa araw kaya naman mahalagang gumagamit ng lotion na may SPF. Maaari ring magtanong sa iyong dermatologist o doktor kung ano ang nararapat na SPF para sa iyo.

Ingredients

Ang kahit anong nilalagay sa balat ay dapat lang na i-check kung tama ba itong gamitin. Alamin kung mayroon bang mercury na maaaring makalason at makasira ng iyong balat. Siguraduhing ang mga nilalaman nito ay ligtas na gamitin for your skin. 

Mainam din na alamin kung anong vitamins at essential nutrients ang mayroon ang lotion para malaman mo kung ano ang iyong inaapply sa iyong skin.

Brands

Mahalaga ring bumili ng whitening lotion doon sa subok nang brands. Ibig sabihin iyong marami na ang nakagamit at masasabing effective talaga. Ang mga big brands kasing ito ay dumaan sa iba’t ibang test para lamang masabing safe at mabisang gamitin. 

Price

Syempre doon tayo sa pasok sa iyong budget. Tignan sa mga pinagpilian mo kung ano ang best fit for your wallet.

 

Mommy, ano pa ang hinihintay mo? Simulan na ang pag-achieve ng iyong skin goals sa tulong ng brand na napupusuan mo mula sa aming listahan! Happy shopping!