Isa sa mga unang itinuturo sa mga bata ay kung paano makihalubilo sa ibang tao. Mula sa casual na pagyakap sa mga pinsan hanggang sa paghalk sa mga tita na kakakilala palamang, maraming socialization cues ang nakukuha mula sa mga magulang. Subalit, hindi laging pumapayag dito ang mga bata. Ang ilan ay magpapakita ng bahagyang pag-ayaw habang may ilan din na talagang hindi papayag.
Isang article tungkol sa kung bakit hindi dapat pilitin ang bata na yumakap ng kahit sino ang nagviral. Isinulat ni James St. James, idinetalye nito ang panganib ng pagpayakap ng bata sa mga tao kahit ayaw nila. Ang pagyakap, kadalasan, ay walang samang nadudulot. Ngunit, kung hindi kusang ibinigay, nakakasama ito sa privacy, body ownership, paggawa ng desisyon at iba pang mapanganib na balik sa bata.
Ito ang 5 rason kung bakit hindi dapat pilitin yumakap ang bata:
1. Nagiging subjective ang mga rules.
Kung tinuturo sa bata na huwag makipag-usap sa hindi kilala ngunit pinipilit yumakap ng kakakilala palamang, na kung titignan ay hindi niya kilala, ang protective measures na hinanda ay nagiging subjective. Kapag ang ilang rules ay hindi nag-aapply sa lahat, nagdudulot ito ng kalituan. Samantala, ang pag-ayaw niya ay natatalo nang paulit-ulit. Kapag walang kumikilala sa kanyang nararamdaman, hihina ang kanyang boses. Dahil dito ay kinikimkim niya nalang ang mga bagay kahit pa may mali nang nangyayari.
2. Napipigilan sila nitong magdevelop ng akma sa edad na boundaries.
Dapat turuan ang mga bata ng healthy personal boundaries na akma sa kanilang edad at development. Kapag nakundisyon sila na ayos lang yumakap sa lahat, mahihirapan i-set ang boundaries. Tignan ito sa ganitong paraan: kung ayaw niyang pumayag yumakap, kahit pa mali at hinawakan siya nang hindi tama, hindi niya alam kung dapat ba niya itong bigyang pansin o hindi. Bakit? Dahil walang nagpatibay ng boundaries na kanyang inaayos. Ang kanyang kamusmusan ay nagiging bukas sa mga nag-aabang na predators.
I-click ang “Continue Reading” para sa iba pang dahilan kung bakit hindi dapat pilitin yumakap ang bata.
3. Dahan dahan nitong pinapahina ang kanyang takot sa panganib
Ipinanganak tayo na may survival instincts na tugon sa takot kapag nakakaramdam ng panganib at kamalayan sa “stranger danger” na nagpapamatyag sa tin sa kapaligiran. Kung nagagamit ito ng matatanda, dapat din magamit ng mga bata. Kapag sabihan ang bata na yumakap ng kung sino, ano man ang kanyang nararamdaman, sinasabi nito sa kanya na huwag pansinin ang kanyang instincts na umiwas sa taong hindi sila kumportable. Sa pagtagal, masmadali siyang hindi mag-iingat na maaari niyang ikapahamak.
4. Sinasabi nito sa bata na hindi niya pagmamay-ari ang kanyang katawan
Kapag sinabihan ang bata na yumakap ng iba, kahit pa ayaw nila, ay sinasabi sa kanilang wala siyang karapatan sa sariling katawan. Isipin nalang kung ikaw ang nasa lagay niya at pinilit ka ng kung sino na yumakap sa taong ayaw mo. Hindi mo ba ipipilit ang gusto mo at tatanggi? May karapatan kang tumanggi at ang mga bata rin. Ang mga bata ay may parehong karapatan sa kanilang katawan at ang mga magulang dapat ang uanang rumespeto at dumepensa sa kanila.
5. Maaaring hindi mapansin ang mga senyales na nagsasabing may mali
Ito ang worst-case scenario. Maaaring may pagkakataon na naabuso ang iyong anak at ang pag-ayaw niyang yumakap sa isang tao ay ang kanyang paraan ng pagsabi ng nangyayari. Kapag hindi naintindihan ng magulang ang paglaban ng anak bilang “pagiging mahiyain” o “kaugalian”, maaari nilang hindi mapansin ang red flags ang iwinawagayway sa harap nila. Mga magulang, huwag ito hayaang mangyari.
Tandaan na hindi lamang pagyakap ang paraan ng bata para kumilala ng ibang tao. Maaari silang kumaway, ngumiti, o magbigay ng flying kiss. Hayaan silang makihalubilo sa paraan na ramdam nila ang seguridad at ginhawa.
Bilang magulang, nandito tayo para gabayan at protektahan sila hanggang sapat na ang tanda nila para gumawa ng sariling desisyon. Huwag natin silang ipahamak para lamang mapasaya ang ibang tao. Sa halip, unahin ang kanilang kapakanan bago ang ano man. Piliin na kumampi sa iyong anak.
Kung may insights, katanungan, o komento tungkol sa paksa, mangyaring ibahagi sa aming Comment box sa ibaba. I-like kami sa Facebook at i-follow kami sa Google+ para manatiling stay up-to-date sa pinakabago mula sa theAsianparent.com Philippines!