6-buwang gulang na baby, namatay matapos pakainin ng honey

Maraming pagkain o inumin ang bawal sa sanggol na dapat nating iwasan tulad ng honey na nagdudulot ng botulism. Kaya dapat panatilihin nating malinis ang ating kapaligiran dahil ito ang unang hakbang upang makaiwas tayo sa kahit anong karamdaman. | Photo: Shutterstock

Isang anim na buwang gulang na sanggol ang namatay matapos painumin ng honey. Isang halimbawa ito sa panganib na maidudulot ng honey at botulism sa mga baby.

Ang honey ay kilala bilang isang natural anti-oxidant na nagtataglay ng natural anti-bacterial properties. Kaya naman isa ito sa mga ginagamit bilang natural na paraan upang magamot ang iba’t ibang uri ng sakit. Ngunit, lingid sa kaalaman ng nakararami ang pagpapainom ng honey ay bawal sa sanggol lalo na isang taong gulang pababa dahil sa peligrong maaring maidulot nito.

Baby namatay dahil sa botulism

Ayon sa interview ng Japan Times sa pamilya ng sanggol mula sa Adachi Ward sa Tokyo, Japan, inihahalo daw nila ang honey sa juice na iniinom ng baby dalawang beses sa isang araw dahil sa pagaakalang nakakabuti ito para sa kaniya.

Ngunit hindi inaasahan na isang buwan matapos paulit-ulit na painumin ng honey ang sanggol araw-araw, kinumbulsyon at isinugod ang bata sa ospital. Ayon sa mga pagsusuri ng mga doktor, ang baby raw ay naka-inom ng honey na nagtataglay ng toxin-producing bacteria mula sa Clostridium botulinum (C. botulinum) spores. Ito ang naging sanhi ng kaniyang pagkamatay na tinawag nilang infant botulism poisoning.

Ano nga ba ang infant botulism?

Ang botulism ay isang uri ng sakit na idinudulot ng botulinum toxin na nagiging sanhi ng paralysis o hindi pag-function ng mga muscles ng ating katawan. Ang botulinum ay ang toxin na nagmumula sa Clostridium botulinum, isang uri ng bacteria na makikita sa honey.

Samantalang ang infant botulism ay sakit na maaring sapitin ng mga sanggol kapag sila ay nakakain o nakainom ng pagkain o inuming nagtataglay ng bacteria na ito na nag-iiwan ng toxins sa kanilang katawan. Dumadami at lumalaki ang botilum bacteria sa tiyan ng mga baby na sadyang mapanganib lalo na sa mga isang taong gulang pababa na mahina pa ang digestive system.

Sintomas ng infant botulism

Ang mga sintomas ng botulism ay lumalabas tatlo hanggang tatlumpung araw matapos makakain o makainom ang sanggol ng pagkain o inuming nagtataglagay ng Clostridium botulinum bacteria.

Isa sa mga sintomas ng botulism sa mga baby ay ang constipation o ang hirap ng pagdumi sa mga sanggol. Sinasabayan ito ng pagtamlay ng sanggol at hirap sa pagkain o pagdede.

Ilan pa sa mga sintomas ng infant botulism ay ang mga sumusunod:

  • Matamlay na itsura ng sanggol
  • Walang ganang kumain o mahinang pagdede
  • Mahinang pag-iyak
  • Mahinang pag-galaw
  • Hirap sa paglunok
  • Paglalaway
  • Paghina ng muscles sa katawan
  • Hirap sa paghinga

Bagamat nagagamot ang infant botulism, ipinapayong dapat mabigyan ito agad ng kaukulang atensiyong medical lalo ng kung nakakita ng mga naturang sintomas o palantandaan sa inyong sanggol.

Paano naman maiiwasan ang botulism?

Isang paraan para maiwasan ang botulism sa mga babies, ay ang hindi pagpapakain o pagpapainom ng mga bawal sa sanggol tulad ng honey at corn syrup na nagtataglay din ng bacteria na nagdudulot nito. Dapat ding iwasang pakainin ng mga processed at canned foods ang mga sanggol hanggat hindi pa sila nakakatungtong ng isang taong gulang na kung saan ang digestive system nila ay may kalakasan na.

Ang honey ay napatunayang nagtataglay ng Clostridium botulinum bacteria na hindi mapanganib sa mga bata at matatanda na may mas mature at malakas ng digestive system.

Marapat ding initin muna sa loob ng sampung minuto ang kahit anong canned foods o pagkaing nasa lata bago ito kainin upang masigurong hindi ito nagtataglay ng mapanganib na botulism bacteria. Siguraduhin ding naluluto ng maayos ang mga pagkaing ating inihahanda at kinakain sa araw-araw upang mapatay ang mga bacteriang maaring tinataglay ng mga ito na mapanganib sa ating katawan. Ugaliing ihiwalay ang mga hilaw na pagkain sa mga luto na upang pamahayan ng kahit ano mang mikrobyo. Hugasan din ng mabuti ang mga hilaw na pagkaing ating kinakain upang mawala ang mga mikrobyo nito bago natin kainin.

Ngunit maliban sa pagkain, kailangan din nating panatilihing malinis ang ating kapaligiran na maari ring pamahayan ng naturang bacteria. Ang Clostridium botulinum ay hindi lamang nabubuhay sa honey o sa kahit ano mang canned goods. Maari din itong mabuhay sa alikabok, hangin o sa lupa. Kaya dapat ding ingatang ma-expose ang mga sanggol sa mga construction o agricultural sites na may mataas na tyansang ma-contaminate o magtaglay ng lupa at hanging may botilum bacteria.

Marami pang klaseng bacteria o mikrobyo ang mapanganib hindi lamang sa ating baby ngunit pati narin sa atin. Kaya mas mabuting panatilihing malinis ang ating kapaligiran at iwasang pakainin o painumin ang mga bawal sa sanggol tulad ng honey.

Kung hindi nakakasigurado, maaring magtanong sa mga eksperto lalo na sa mga doktor kung ano ba ang puwede at bawal sa sanggol upang makaiwas sa sakit ano mang panganib sa buhay ng ating baby. Tandaan, ika nga, prevention is better that cure. Iwasan ang dapat iwasan bago pa ito lumala at hindi na masolusyonan.

 

Source: The Japan Times, Mayo Clinic, KidsHealth, Medical News Today

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Irish Manlapaz

Basahin: Death of a newborn shows why infants should never be fed solids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!