6 recommended baby shampoo ng mga Pinay moms

Alamin ang best baby shampoo in the Philippines na inire-rekumenda ng mga Pinay Mommies. Alamin din ang kanilang presyo at kung saan mabibili.

Aming tinanong sa mga mommies ng theAsianparent Community ang kanilang ginagamit na baby shampoo. Alamin ang kanilang mga ibinigay na best baby shampoo in the Philippines!

Best baby shampoo in the Philippines, alin nga ba?

best baby shampoo in the philippines

Source: Mustela Philippines Facebook

“Super light for babies"
-Mommy Jennver

Ang Mustela 2 in 1 cleansing gel ay sadyang ginawa para sa mga sensitive skin ng mga newborn. Ang sangkap nito na plant-based glycerin ang naninigurado na hindi magda-dry ang balat ng baby. Tear-free din ito at walang paraben, phthalate at phenoxyethanol.

Mabibili ito sa piling department stores at sa mga kiosks ng Mustela. Nagkakahalaga ng P520 ang 200ml na bote.

 

6 recommended baby shampoo ng mga Pinay moms

Source: Aveeno Facebook

“Pricey but worth it lalo na kung sobrang sensitive ng skin ni baby."
– Mommy Belle

Ilang mga mommies ang nagsabi na magandang gumamit Aveeno Baby Gentle Wash & Shampoo lalo na kung sensitive ang skin ng baby. Oat extract ang pangunahing sangkap nito at hypoallergenic kaya hindi kailangang mag-alala. Maaari itong gamitin araw-araw dahil tear-free, paraben-free, at phthalate-free.

Mabibili ito sa mga supermarket at drugstores sa halagang P345 para sa 236ml na bote.

6 recommended baby shampoo ng mga Pinay moms

Source: Mums & Tubs Club by Lactacyd Baby Facebook

“yun ang amoy ng mga pamangkin ko nung Baby kaya yun nagpapaalala at description sakin ng amoy Baby ?"
– Mommy Kalm

Para kay Mommy Kalm, ang amoy ng Lactacyd Baby 2 in 1 moisturizing cleanser ang kilala niyang amoy ng baby. Ganunpaman, marami ring mga ina ang nagrerekumenda na gumamit nito. Hypoallergenic ito at naniniguradong hindi magda-dry ang skin ng baby sa paggamit dahil sa dual hydration system.

Mabibili ito sa mga leading drugstores ng bansa sa halagang P290 para sa 250ml na bote.

best baby shampoo in the philippines

Source: Baby Dove PH Facebook

“Its smooth on baby’s skin and has mild scent. Very effective din sya pang hand wash pang alis ng malansang amoy like when you touch sea foods ?"
– Mommy Irene

Tila naghuhugas ka sa tubig dahil sa gaan sa kamay ng Baby Dove Hair to Toe Body Wash Rich Moisture. Ganunpaman, siguradong nakakalinis ito dahil, sabi nga ni Mommy Irene, nagagawa nitong matanggal maski ang malansang amoy matapos kumain ng sea foods. Dagdag pa dito, ito ay pH neutral, tear-free at hypoallergenic.

Makakabili nito sa department stores, mga butika, at sa Facebook Page ng Baby Dove PH. Ang 400ml na produkto ay nagkakahalaga ng P259.

best baby shampoo in the philippines

Source: JOHNSON’S baby Facebook

“I recommend Johnson’s Baby mommy!? maganda sa skin ni baby hindi malagkit tsaka di nakaka dry ng skin ni baby..?Very affordable pa..???"
–  Mommy Mary Michelle

Maraming mga ina ang nag-rekumenda ng Johnson’s Baby na mga produkto para sa mga baby. Ang pH balanced at hypoallergenic wash na ito ay walang parabens, sulphates o dyes. Ito ay isang mild cleanser na sinadya para sa maselan na balat ng mga baby. Maaari itong gamitin mula day 1 ng baby hanggang sa maging toddler sila.

Makakabili nito sa department stores, mga butika, at sa Facebook Page ng JOHNSON’S baby. Ang 200ml na produkto ay nagkakahalaga ng P148.50.

best baby shampoo in the philippines

Source: Cetaphil Philippines Facebook

“Cetaphil for me kasi mas kumapal pa lalo hair ng baby ko, mabango pa ulo nia the whole day ?"
– Mummy Kae

Although walang ibang nagsabi na nakakapagpakapal ng buhok ang Cetaphil Baby Gentle Wash & Shampoo, maraming mommies ang nagrerekumenda nito. Marami ang nagsabi na mabango ito at nag-iiwan ng malambot na buhok at balat. Ito ang isa sa mga madalas ding inirerekumenda ng mga pedia.

Mabibili ito sa mga supermarket at drugstores sa halagang P110 para sa 50ml na bote.

best baby shampoo in the philippines

Sources: Watsons, Mustela, Aveeno, Lactacyd Baby, Baby Dove, Johnson’s Baby, Cetaphil

Basahin: Babala ng isang ina: Ugaliing maghugas ng kamay bago hawakan si baby

Editor's note: The product links provided here are aimed to help simplify product searches for our readers. Purchase the items at your own discretion. We do not take liability for any transaction issues and dispute. If you purchase an item from this post, theAsianparent may receive a small cut. Each item and price is up to date at the time of publication; however, an item may be sold out or the price may be different at a later date.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community saiOS oAndroid!