My life changed noong napanganak ko ang aming baby boy noong November 2020, yes pandemic.
That time ayoko lumabas kasi natatakot ako pero kailangan kasi meron akong monthly check-up. Noong ipinanganak ko siya, doon na nagbabo ang lahat.
Bago ako nanganak, ready na ako sa puyatan pero iba pala talaga pag may anak ka na. From Caesarian section to breastfeeding and puyat, tapos kami lang ng husband ko ang nag-aalaga kay baby.
Iba ‘yong pagod na naramdaman ko dahil nga nagpapagaling pa ako ng sugat tapos nagpapa-breastfeed pa ako. Dumating din sa time na may ilang weeks pagkatapos ko manganak, may naramdaman akong masakit sa katawan ko kaya pina-check ko agad sa OB ko at kalaunan nawala din.
Bilang isang ina, dumadating talaga sa point na iiyak ka na lang ng hindi mo alam ang rason. Yes, dumaan ako sa stage na iiyak ng walang dahilan.
That time, hindi ko alam kong ba’t nagkakaganun ako, ‘yong iiyak tapos magiging okay na naman. Tapos next day ganun ulit ang nararamdaman ko.
Happy naman ako sa baby namin pero parang may iba. Nagiging mainitin ang ulo ko na minsan inaaway ko na ang husband ko. Nabahala ako kaya nagtanong-tanong ako kung normal lang ang nararamdaman ko.
Postpartum depression nga daw siya. Hanggang ngayon na 21 months na ang baby ko, may time pa rin na umiiyak ako ng walang dahilan.
Naiinis ako ng walang dahilan, ‘yong feeling na parang mag-isa ka kahit na sobra-sobra ang saya ko kasi napapasaya ako lagi ng anak ko.
Ngayon nilalayo ko nalang ‘yong sarili ko sa mga negative na tao. Kasi pag nagpadala ka sa mga sasabihin nila, mas lalo ka lang masasaktan. Nag-eenjoy nalang ako pag kasama ko ang anak ko.
Kapag kasama ko kasi siya at nakikita ko siyang masaya, lahat ng pagod, puyat, sakit ng katawan ko ay nawawala. Iba talaga ‘yong dulot niyang saya sa akin.
At ngayon I am fighting because my baby needs his Mama always. Kaya mga mommies, kaya natin to. Laban lang!