Alaska naglunsad ng kampanya para uminom ng gatas ang mga mag-aaral

lead image

Kamakailan, inilunsad ng Alaska Fortified Milk ang kanilang kampanya upang hikayatin ang mga mag-aaral na uminom ng gatas.

Noong nakaraang linggo, inilunsad ng Alaska ang kanilang kampanya na “Batang Alaska School Milk Program” para hikayatin ang mga mag-aaral sa elementarya na uminom ng gatas. Kasama ang pamunuan ng kumpanya at ilang manlalaro mula sa Alaska Aces, pumunta ang grupo sa Santolan Elementary School sa Pasig upang ipakilala ang bago nilang produkto na Alaska Fortified Milk.

Ang gatas na ito ay mataas daw sa calcium at iron na magandang source ng protein. Mayroon din itong Bitamina D na nakakapagpatibay sa buto at kailangan para sa bone growth.

alaska fortified milk

Santolan Elementary School, Pasig | Photo courtesy of Alaska

Ito ang tugon ng milk brand sa ulat ng Food and Nutrition Research Institute of the Philippines (FNRI) na isa sa bawat tatlong batang Pilipino na nasa edad na 5 hanggang 10 taong gulang ay wala sa tamang tangkad at bigat para sa edad nila. Sanhi ito ng kakulangan sa nutrisyon na nakukuha nila.

alaska fortified milk

Isa sa bawat tatlong batang Pilipino ang kulang sa tangkad at timbang | Photo courtesy of Alaska

Ayon sa World Health Organization, lubos na mahalaga na nasa tamang tangkad at timbang ang bata. Kapag bansot at payat ito, maaaring hindi nito makamit ang kaniyang full potential na nagreresulta sa kakulangan sa pagiging produktibo at pagkawala ng mga oportunidad—bukod pa sa mga problema sa kalusugan kinalaunan. Kaya naman napaka-importante na matugunan ang problema na ito habang maaga pa.

Batang Alaska

alaska fortified milk

Loren Legarda | Photo courtesy of Alaska

Sa “Batang Alaska School Milk Program,” dumalo si Senator Loren Legarda, ang nutrition advocate ng milk brand. Isa ang senadora sa mga sumusuporta sa mga programang nakatuon sa nutrisyon. Sa katunayan, isa siya sa sumusuporta sa proyekto ng Department of Education na “Gulayan sa Paaralan,” kung saan tinuturuan ang mga mag-aaral na magtanim. Ang mga eskwelahan ay may nilalaan na area para sa kanilang gulayan.

alaska fortified milk

Jolina Magdangal-Escueta | Photo courtesy of Alaska

Dumating din sa event ang TV host at artista na si Jolina Magdangal-Escueta upang magbigay ng talk tungkol sa importansya ng pag-inom ng gatas.

“I am so happy to be here with the kids,” saad niya. “Tulad ng mga mumshies, mahalaga sa aking masiguradong tama ang growth at development ng aking mga anak. Kaya naman I make sure I give them proper nutrition. At siyempre, painumin sila ng gatas every day–at di lamang po basta-bastang gatas. Ang gatas na dapat inumin ay ‘yong puno sa sustansiyang kailangan para tulungan maabot ang tamang tangkad at bigat para sa kanilang edad.”