LOOK: Diego Loyzaga at Alexis Suapengco magkasamang ipinagdiwang ang first birthday ng anak na si Hailey

Sa unang pagkakataon ay ipinakita narin ng dalawa sa publiko ang mukha ng kanilang baby.

Anak ni Diego Loyzaga isang taong gulang na.

Mababasa dito ang sumusunod:

Anak ni Diego Loyzaga at Alexis Suapengco nagdiwang ng first birthday

first birthday ng anak ni diego loyzaga

Larawan mula sa Facebook account ni Diego Loyzaga

Isang taong gulang na ang anak ni Diego Loyzaga at yoga instructor na si Alexis Suapengco. Ang naging birthday celebration ng kanilang anak ibinahagi nila sa Instagram kung saan makikitang masayang magkasama ang dalawa.

Sa unang pagkakataon ay ibinahagi na rin ng dalawa ang mukha ni Baby Hailey sa publiko.

Sa birthday celebration ng kanilang anak ay makikita na present doon ang aktor na si Cesar Montano. Nandoon rin ang ilan pang celebrities na sina Coleen Garcia, Julia Barretto at Cristine Reyes. Makikita ngang enjoy na enjoy hindi lang si Baby Hailey kung hindi pati narin ang kaniyang mga magulang na sina Alexis at Diego.

cesar montano kasama ang apo at anak ni diego loyzaga

Larawan mula sa Facebook account ni Diego Loyzaga

Relasyon ni Alexis at Diego

Matatandaang Enero nitong taon ng unang lumantad sa publiko si Alexis Suapengco. Sa Instagram ay nagpakilala siya na ina ng anak ng aktor na si Diego Loyzaga. Kasabay ng pagpapakilala niya ay ang pasabog sa aktor na noon daw ay pinalayas siya at kaniyang anak para sa ibang babae. Sabi pa noon ni Alexis ay hindi daw totoo na nagbago na ang aktor. Ito daw ay patuloy parin sa pag-inom at paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Si Diego noon ay nanatiling tahimik lang sa mga paratang ng ina ng kaniyang anak.

Samantala, nitong nakaraang buwan ay may mensahe namang ibinagay si Diego sa anak na si Hailey. Sa pamamagitan ng isang panayam ay ibinahagi ni Diego ang nais niyang marinig o sabihin sa anak sa oras na ito ay tumungtong na sa tamang edad.

diego loyzaga with daughter

Larawan mula sa Facebook account ni Diego Loyzaga

“I guess, I’d say, ‘Anak, in life, people make mistakes. I think when you don’t make mistakes, you don’t really grow.”

“‘I hope you don’t judge me for my past. I hope you don’t look at me differently for the mistakes I’ve done and maybe, might still do in the future.”

Ito ang mensahe ni Diego sa anak na si Hailey.

 

 

 

 

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!