Anak ni Ogie Alcasid na si Leila Engaged na kay Curtismith!
Isang magandang anniversary gift ang natanggap ni Leila Alcasid mula sa boyfriend na ngayon ay fiance na niya na si Curtismith.
Ikakasal na ang anak ni Ogie Alcasid na si Leila Alcasid sa boyfriend nitong si Mito Fabie na kilala rin bilang Filipino musician na si Curtismith.
Mababasa sa artikulong ito:
- Leila Alcasid ikakasal na kay Mito Fabie
- Ogie Alcasid masaya para sa anak
- Paano magpahayag ng suporta sa engagement ng anak
Leila Alcasid ikakasal na sa Pinoy musician na si Curtismith
Naglabas ng joint Instagram post ang long-time couple na si Leila Alcasid at Mito Fabie. Si Leila ay anak nina Ogie Alcasid at Michelle van Eimeren.
Nitong Linggo, ay nagpost sa social media sina Leila at Curtismith ng larawan kung saan makikita ang engagement ring na nakasuot sa daliri ni Leila.
Naganap ang proposal sa Calaca, Batangas at ayon sa caption ni Leila sa Instagram post, ito umano ang ‘most special anniversary gift’ para sa kaniya.
Binaha ng pagbati mula sa kanilang celebrity friends, family at fans ang comment section ng naturang post.
Matatandaang kinumpirma ni Leila noong 2019 ang relasyon nila ng Filipino musician.
Ogie Alcasid masaya para sa anak at fiancé nito
Hindi naman nagpahuli ang daddy ni Leila na si Ogie sa pagbati sa kaniyang anak. Nagkomento ito sa social media ni Leila at ipinahayag ang kaniyang suporta sa dalawa.
“The Lord bless you both. I am truly beyond happy for you two. Love you. Congratulations,” ani Ogie.
Nagpasalamat naman Curtismith sa komentong ito ng soon-to-be father-in-law niya.
Aniya, “Thank you so much tito. Love you!!”
Bukod dito, nagpaskil din ng sariling post si Ogie Alcasid tungkol sa engagement ng anak, kalakip ang mensahe ng pagsuporta.
Aniya, “I am beyond happy for both of you. The Lord bless you both all the days of your lives and may his love be the bond that seals your everlasting union. Congratulations love you!”
“Love you dad,” komento naman ni Leila.
Paano magpahayag ng suporta sa engagement ng anak
Ipakita ang kasiyahan at iparamdam na masaya ka para sa kanila. Makinig at maging bukas sa kanilang mga plano, nagbibigay ng payo kung kailangan ngunit hindi pinipilit. Alamin ang partner ng iyong anak at ipakita na ini-welcome mo sila sa pamilya. Suportahan din sila sa pamamagitan ng maliit na aksyon, tulad ng pag-alok ng tulong sa mga preparations. Iwasan ang negatibong komento at bigyan ng tiwala ang kanilang mga desisyon. Paalalahanan sila ng halaga ng pagmamahal, tiwala, at respeto sa kanilang relasyon.