Andi Eigenmann at Philmar Alipayo cheating and break-up issue, ano nga ba ang tunay na nangyari?

Bagamat wala pang opisyal na pahayag ang dalawa sa relasyon nila, Andi at Philmar iunfollow ang isa’t-isa sa Instagram.
Andi Eigenmann and Philmar Alipayo cheating at breakup issue, alamin dito ang timeline of events at update sa pagsasama nila ngayon.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Andi Eigenmann and Philmar Alipayo cheating issue.
- Update sa pagsasama ni Andi Eigenmann and Philmar Alipayo.
Andi Eigenmann and Philmar Alipayo cheating issue

Larawan mula sa Instagram ni Andi Eigenmann
Nitong mga nagdaang araw ay mainit na usapin sa social media ang Andi Eigenmann and Philmar Alipayo cheating issue diumano. Ito ay matapos kumalat sa social media ang mga larawan ng professional surfer at isang foreigner na may matching tattoos. Ang naka-tattoo sa kanilang braso ay ang mga numerong “224” na ang maaaring ibig sabihin ay today, tomorrow and forever.
Ang netizens, hindi nagustuhan ang nakitang larawan ni Philmar at kasama nito na bestfriend niya umano. Hirit nila ito’y pagpapakita ng kawalan ng respeto kay Andi na partner ni Philmar. Ito umano ay maituturing na cheating sa relasyon ni Andi at Philmar na dapat ay engaged to be married na.
Mas uminit ang usapin sa cheating issue sa pagitan ng dalawa ng mag-post si Andi sa kaniyang Instagram stories. Isa sa mga post ni Andi ay ang patungkol sa year of the snakes ngayon o taon ng mga ahas. Ang post na ito ni Andi ay may laman na agad na i-connect ng mga netizens sa couple tattoo ni Philmar at kaibigan nito diumano.
Bagamat deretsong pagpapaliwanag ni Andi ay walang nagaganap na cheating sa relasyon nila ni Philmar.

Larawan mula sa Instagram account ni Andi Eigenmann
Sa sumunod na mga post ay deretsong nagpaliwanag si Andi tungkol sa viral tattoo ni Philmar at kaibigan umano nito. Si Andi nilinaw na walang cheating na nagaganap sa relasyon nila ni Philmar.
Bagamat pagbabahagi niya ay nasaktan siya sa ginawa nito. Lalo pa’t ang kaibigan na kasama nito ay laging ini-encourage ang professional surfer na makipaghiwalay kay Andi sa oras na may hindi sila pagkakaintindihan.
“I am fully aware that my husband never cheated on me with this girl. I am always around when they are together. And I posted because this person betrayed me, encourages my husband to break up with me during every fight even when I also tell my side of the story to her.”
Ito ang sabi ni Andi na sinundan pa niya na idea ng kaibigan ni Philmar na magkaroon sila ng matching tattoos. At ang masakit ay itinaon pa daw ito na kung kalian vulnerable si Philmar at may hindi sila pagkakaunawaan ni Andi. Dito raw mas nasaktan si Andi.
“Yes, I am hurt that my husband didn’t think this would bother me, I’m not being dumb and ignoring that, but post was to just show that no normal person with good intentions would think it’s okay for a ‘friend’ to encourage someone else’s husband to do this without considering the partner’s feelings.”
Ito ang sabi pa ni Andi sa kaniyang IG story.
Update sa pagsasama ni Andi Eigenmann and Philmar Alipayo
Si Philmar may sagot din sa mga kumakalat na isyu tungkol sa relasyon nila ni Andi. Hindi na nagpaliwanag ang surfer at sinabing paniwalaan na lang ang nakikita at nababasa ng lahat tungkol sa kanila ni Andi.

Larawan mula sa Instagram account ni Philmar Alipayo
Habang ang kaibigan niya na kasama sa larawan na nagngangalang si Pernilla Sjoö, isang Swedish ay naglabas din ng pahayag ukol sa isyu. Hindi man niya deretsahang inaddress ang isyu ay sinabin niyang nasasaktan siya sa mga nangyayari. Lalong-lalo na sa bad comments na ibinabato sa kaniya ngayon.

Larawan mula sa Instagram account ni Pernilla Sjoö
Sa bagong video post ni Philmar sa kaniyang Facebook account, sinabi niyang maayos na sila ng kaniyang partner na si Andi Eigenmann. Ayon sa caption ni Philmar,
“It all went way to far and should have been handled in private. Ok na kami sanan ok ra kami <3.”
Habang makikita sa video ang kanilang anak na si Lilo at Koa, gayundin si Andi at Philmar na all smile na. Panoorin ang reels sa dito!