Andi Eigenmann sinagot komento ng netizen tungkol sa pagsu-surf ni Lilo
May isang netizen na nagkomento na dapat daw na pag-aralin ni Andi Eigenmann ang anak na si Lilo imbes na hayaang mag surfing. Narito ang sagot ng aktres!
Hindi pinalampas ng celebrity mom na si Andi Eigenmann ang komento ng isang netizen tungkol sa kaniyang anak na si Lilo. Ang netizen kasi, pinangaralan si Andi na papasukin daw sa school ang anak imbes na hayaan ito na mag surfing.
Mababasa sa artikulong ito:
- Andi Eigenmann may sagot sa netizen na nagkomento tungkol kay Lilo
- Paano ba suportahan ang anak sa extracurricular activities nang di napababayaan ang pag-aaral?
Andi Eigenmann may sagot sa netizen na nag-comment sa pagsu-surfing ni Lilo
Nagbahagi si Andi Eigenmann ng isang Instagram story kung saan ay makikita ang video ni Lilo habang nage-enjoy sa pagsu-surfing.
Nakwento ni Andi sa kaniyang caption na may isang netizen daw na nagsabi sa kaniya na dalahin sa school ang anak imbes na hayaan ito na nagsu-surfing.
Aniya, “Someone somewhere on the internet told us to put her in school instead of letting her surf…she’s doin both, and excelling in both, thanks very much.”
Tips paano suportahan ang anak sa mga gusto nitong aktibidad nang di napababayaan ang pag-aaral
Suportahan ang anak sa extracurricular activities nang hindi napapabayaan ang pag-aaral sa pamamagitan ng mga sumusunod:
- Tamang pagbalanse ng oras: Mag-set ng schedule na may malinaw na oras para sa pag-aaral at oras para sa activities. Tiyakin na tapos na ang mga assignments bago sumabak sa extracurriculars.
- Huwag kalimutan ang open communication: Tanungin ang anak tungkol sa workload sa school at alamin kung kailangan niya ng tulong.
- Ipaliwanag ang kahalagahan ng prioritization: Mahalaga ang extracurriculars para sa development ng skills at self-confidence, pero hindi dapat maging dahilan ng pagkababa ng grades.
- Iwasan ang overcommitment: Pumili lang ng activities na talagang gusto niya. Kung kinakailangan, pag-usapan ang mga maaaring adjustments sa schedule para maging manageable ang lahat. Sa ganitong paraan, masusuportahan mo ang kanyang passion habang tinitiyak na maayos pa rin ang pag-aaral niya.