LOOK: Andi Manzano blooming na buntis sa kaniyang baby #3!

Andi at mister niyang si GP Reyes excited at happy sa dagdag na miyembro sa kanilang family.

Andi Manzano pregnant sa baby #3 nila ng mister na si GP Reyes.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Andi Manzano pregnant sa baby #3 nila ng businessman husband na si GP Reyes.
  • GP Reyes and Andi Manzano love story

Andi Manzano pregnant with her baby #3

andi manzano pregnant

Larawan mula sa Facebook account ni Andi Manzano

Naging very emotional ang VJ at vlogger na si Andi Manzano ng i-anunsyo ang kaniyang pagbubuntis sa 3rd baby nila ng businessman husband niyang si GP Reyes. Ang announcement ginawa ni Andi sa kaniyang Instagram account kalakip ang maikling video nila ng kaniyang pamilya. Sa video ay makikitang naiyak si Andi at panganay niyang si Olivia ng malaman nito ang magandang balita.

Si Andi sinabi sa caption ng kaniyang post na ito ang biggest blessing na natanggap ng kanilang pamilya ngayong taon. At hindi siya makapaniwala na magiging mom of 3 na siya. Nagpaabot rin ng pagbati si Andi ng “Happy thanksgiving” sa kaniyang mga followers.

“Someone says hi!  There are so many things to be thankful for this year, but the biggest blessing (or tiniest might I add!) is this little growing bun inside of me.”

“I can’t believe I get to say this but.. I’m going to be a mama of 3. ❤”

“Happy thanksgiving. ”

Ito ang sabi pa ni Andi.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 

Reaksyon ng mga celebrity friends ni Andi at GP

Ang mga malalapit na kaibigan ni Andi agad na nagpaabot ng pagbati sa celebrity mom. Ito ang ilan sa kanilang sinabi.

andi manzano family

Larawan mula sa Facebook account ni Andi Manzano


kryzzzie
Waaaah andiiiii naiyak ako, congratulations!!!

d_laurel CONGRATULATIONS MORE BEAUTIFUL BABIES YAYYYY

iamsuperbianca Aaaaw, congratulations Andi and GP! What a blessing 

iamkarelmarquez Awwwww you too!!!  ❤❤❤ so happy for you baby #3! Congrats guys! 

joycepring SOOOO HAPPY FOR YOU GUYS!!! Ahhhh ♥♥️♥️♥️

Samantala, ang mister ni Andi na si GP Reyes ay may post din sa kaniyang Instagram account tungkol sa bagong baby nila sa family. Ibinahagi niya ang video ng i-reveal nila sa mga anak na si Olivia at Amelia na sila ay may bagong kapatid.

“We just want to tell you Oli and Amelia that your mom is 12 weeks pregnant, inside her tummy is a baby. Amelia will be an ate. We don’t know yet if it’s a girl or a boy. But let’s pray that it’s gonna be healthy. Congratulations guys. We are gonna be family of 5.”

Ito ang maririnig na sinasabi ni GP sa mga anak na sina Olivia at Amelia. Habang si Andi makikitang hindi napigilan na tumulo ang luha ng makita ang reaksyon ng mga anak.

Sa caption ng IG post na ito ni GP ay ibinahagi niya rin na four months pregnant na si Andi at ang 3rd baby ini-expect nilang makasama sa buwan ng Mayo sa susunod na taon.

“LittleGPandi number three is Coming in May 2023. My beautiful wife is four months pregnant! And soon we will be FIVE! ❤”

Ito ang sabi ni GP. Pagpapatuloy niya pa sa ngayon ay hindi pa nila alam ang gender ng kanilang baby. Pero ang panganay niyang si Olivia hiling ay sana baby boy ito, habang si Amelia ang gusto naman ay baby girl. Pero anuman ang gender ng kanilang baby, ang number one nilang hiling ay maging healthy ito at ang misis niyang si Andi.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 

“Amelia has been so excited to become an ate! She wants a baby sister. Oli wants a baby brother. We don’t know for sure quite yet. Next month daw. Basta healthy. What a blessing. We are overjoyed. please pray for healthy mommy and baby! #thereyeses #littlegpandi3

Ito ang sabi pa ni GP sa kaniyang IG post.

GP Reyes and Andi Manzano love story

andi manzano and gp reyes

Larawan mula sa Facebook account ni Andi Manzano

Ang mister ni Andi Manzano na si GP Reyes ay kilala bilang isang club owner, at restaurateur dito sa Pilipinas. Si Andi bilang isang kilalang VJ noon at isa ring in demand host sa mga big events dito sa bansa ay pumukaw ng pansin ng young businessman.

Sila ay unang nagkausap sa Facebook na kung saan agad na inamin ni GP na siya ay may crush kay Andi. Makalipas ang isang buwan ng pag-uusap sa Facebook ay nagkita sina Andi at GP. Mula noon ay lagi na silang magkasama at nagkaroon na ng relasyon.

Taong 2013 ng sila ay umuwi galing sa isang trip abroad ay nag-propose ng kasal si GP kay Andi. Ito ay ginawa niya sa airport, sa NAIA 3.

Sa arrival area habang sila ay papalabas, ay unti-unting nagsimula ang isang flash mob na kung saan kumakanta ng “Marry Me” ng Train. Doon biglang lumuhod si GP, inilabas ang singsing at hiningi ang kamay ni Andi sa pagpapakasal.

Tatlong buwan matapos ma-engage ay kinasal sina Andi at GP noong November 2013 sa Baguio City. Ito umano ang lugar na kung saan unang nagbakasyon ang dalawa noong sila ay mag-boyfriend at girlfriend palang.

Makalipas ang dalawang taon ng magpakasal ay isinilang ni Andi ang panganay nila ni GP na si Olivia noong 2015. Taong 2019 naman ng isilang ni Andi ang pangalawa nilang anak na si Amelia.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!