LOOK: 7th birthday ng anak ni John Estrada at Priscilla Meirelles

lead image

Nag-celebrate ng kaniyang 7th birthday ang anak ni John Estrada at misis na si Priscilla Meirelles na si Anechka Estrada. Silipin ang kaniyang party!

Kamakailan ay nagdiwang ng kaniyang 7th birthday ang anak ni John Estrada at Priscilla Meirelles na si Anechka Estrada.Nang tanungin siya ni Daddy John kung ano ang kaniyang wish sa kaniyang kaarawan, sinabi nito na mayroon siyang dalawang hiling.

Anechka Estrada, dalawa ang birthday wish

Ang unang wish ni Anechka Estrada ay para sa lahat ng tao:

"I wish we could have the best 2019. Everybody has the greatest 2019—thinking this will be the best year of our lives, hoping we could experience wonderful stuff, and have great friends."

Ang kaniyang wish para sa kaniyang sarili ay simple lang, "I want a puppy!"

Nagparating naman ng kaniya-kaniyang messages ng pagmamahal ang kaniyang mga magulang. Sinabi ni John sa kaniyang post na hindi siya makapaniwala sa bilis ng panahon. Si Priscilla naman ay nagpapasalamat sa Diyos na ibinigay sa kanila si Anechka.

Anechka Estrada, 7th birthday party

Para i-celebrate ang kaniyang 7th birthday, binigyan si Anechka ng kaniyang mga magulang ng My Little Pony themed party.

Dumalo sa  party ni Anechka ang kaniyang mga half-siblings na sina Ina, Moira, Kyla, and Yuan (mga anak ni John sa ex-wife na si Janice de Belen).

Para relaxed ang kiddie guests, ginawang picnic-style ang area for them.

May craft area for kids.

May performers din to entertain the guests.

Mukhang masayang-masaya ang birthday girl sa kaniyang kaarawan. 

Happy birthday, Anechka!

 

Photos: Nice Print Photography Facebook Page

Basahin: LOOK: John Estrada and Priscilla Meirelles' daughter is a beauty queen in the making

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!