Anencephaly: Sanhi, tanda, at paano ito maiwasan

lead image

Mahalaga ang malusog na pagbubuntis upang maiwasan ang neural tube defects gaya ng anencephaly, kung saan hindi nabubuo nang maayos ang utak at bungo.

Ang anencephaly ay isang birth defect kung saan ang utak at mga buto sa bungo ay hindi tuluyang nabubuo habang ang sanggol ay nasa sinapupunan.

Dahil dito, ang utak ng sanggol, partikular na ang kaniyang cerebellum, ay bahagya lamang nade-develop. Ang cerebellum ang parte ng utak na responsable sa pag-iisip, paggalaw, at senses kabilang na ang panghawak, paningin, at pandinig.

Ang kundisyon na ito ay itinuturing na neural tube defect. Ang neural tube ay isang makipot na tubong kadalasang nagsasara habang nadedevelop ang fetus. Ito ang bumubuo sa utak at spinal cord. Kadalasan ay nagsasara ito sa ika-apat na linggo ng pagbubuntis. Kapag hindi ito nagsara, maaaring magresulta sa anencephaly.

Walang gamot ang kondisyon na ito, at 75 porsiyento ng mga naipapanganak na may anencephaly sa Amerika ay nagiging stillborn. Ang nabubuhay naman ay tumatagal lamang ng ilang oras o araw.

Maraming kaso rin ang pagbubuntis na may neural tube defect ang nauuwi sa miscarriage.

anencephaly

Image: Wikipedia

Sanhi ng anencephaly

Wala pang tiyak na sanhi ng anencephaly.

Sa ilang sanggol, ang sanhi ay maaaring may kinalaman sa pagbabago sa gene o chromosome. Sa karamihan ng mga kaso, ang mga magulang ng sanggol na mayroon nito ay walang family history ng kundisyon na ito.

Ang exposure ng ina sa partikular na environmental toxins, gamot, o kahit pagkain o inumin ay maaari ring mayroong papel. Ngunit wala pang sapat na kaalaman ang mga eksperto ukol sa mga potential risk factors na ito upang sila ay makapaglabas ng babala o guidelines.

Ang exposure sa matataas na temperatura, gaya ng sa sauna, hot tub, o mula sa mataas na lagnat, ay maaaring makadagdag sa tsansya ng pagkakaroon ng neural tube defect.

Ayon sa The Cleveland Clinic sa Amerika, may ilang prescription drugs, kabilang na ang mga gamot sa diabetes, ay maaaring makadagdag sa tsansya ng pagkakaroon ng anencephaly. Ang diabetes at obesity ay risk factors sa iba’t ibang kumplikasyon sa pagbubuntis kaya’t makabubuting kumonsulta sa iyong doktor kung mayroon kang chronic condition.

Isang importanteng risk factor din na may kinalaman sa anencephaly ay ang kakulangan sa folic acid. Hindi lang ito, maaari ring tumaas ang tsyansyang magkaroon ng ibang neural tube defects gaya ng spina bifida. Maaaring mabawasan ang risk na ito sa pamamagitan ng pag-inom ng folic acid supplements at pagbabago sa iyong diet.

Kung mayroon ka nang anak na may anencephaly, ang tsansyang magkakaroon din ang susunod mong anak nito o ng ibang neural tube defect ay tumataas ng apat hanggang 10 porsiyento. At kung dalawang beses ka nang nagkaanak ng may anencephaly, tataas pa ang tyansa ng 10 hanggang 13 porsiyento.

Paano nada-diagnose ang anencephaly?

Kabilang sa prenatal tests para sa anencephaly ang:

  • Blood test
  • Amniocentesis – kukuha ng amniotic fluid at susuriin ito para sa abnormal development. Ang mataas na levels ng alpha-fetoprotein at acetylcholinesterase ay naiuugnay sa neural tube defects.
  • Ultrasound
  • Fetal MRI scan

Ayon sa Cleveland Clinic, and fetal MRI scan ay maaaring gawin sa anumang bahagi ng pagbubuntis, samantalang ang prenatal testing naman ay dapat gawin sa pagitan ng ika-14 at ika-18 linggo ng pagbubuntis.

Tanda ng anencephaly

Ang pinakahalatang tanda ng anencephaly ay ang kulang na bahagi ng bungo, kadalasan ay nasa likurang bahagi ng ulo. Ang ilang buto sa harap ng gilid ng bungo ay maaari ring kulang o hindi nabuo nang mabuti.

Ang utak ay hindi rin nabuo nang maayos. Kung walang malusog na cerebellum, hindi mabubuhay ang sanggol.

Ang iba pang tanda ay nakatuping tenga, cleft palate o bingot, at mahinang reflexes. Ang ibang sanggol na may anencephaly ay mayroon ding problema sa puso.

Lunas

Walang lunas ang anencephaly. Ang sanggol na ipinanganak na may ganitong kondisyon ay dapat manatiling mainit (warm) at kumportable. Kung parte ng bunbunan ay wala, dapat itong takpan.

Kadalasang tumatagal lamang ng ilang oras o ilang araw ang mga sanggol na naipapanganak na may anencephaly.

Maaari ba itong iwasan?

Walang kasiguraduhang tuluyang maiiwasan ang anencephaly, ngunit may mga maaaring gawin upang bumaba ang tsansya ng pagkakaroon nito.

Kung ikaw ay buntis o nais magbuntis, inirerekomendang uminom ng hindi bababa sa 400 micrograms ng folic acid. Puwedeng uminom ng supplement o kumain ng pagkaing mataas sa folic acid. Maaring irekomenda ng doktor na gawin itong pareho, depende sa iyong diet.

 

Source: Healthline, Clevand Clinic 

Basahin: 10 pagkaing mayaman sa folic acid na dapat kainin ng mga buntis

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!