X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Angelica Panganiban reveals gender of her first baby: "I have my mini me!"

5 min read

Angelica Panganiban naiyak nang malaman ang gender ng baby niya. Ito daw ang pa-sikretong ipinagdadasal ng aktres.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Angelica Panganiban baby gender reveal
  • Ang aktres na si Angelica Panganiban bilang first time mom

Angelica Panganiban baby gender reveal

angelica panganiban baby gender reveal

Larawan mula sa YouTube vlog ni Angelica Panganiban

Para sa aktres na si Angelica Panganiban, isang dream come true ang pagbubuntis niya sa ngayon. Matagal niya daw itong hinintay at ipinagdasal na sa wakas ay dumating sa taong panahon at tamang tao na kasama niya.

Sa nakaraan niyang vlog ay ibinahagi ni Angelica kung paano sila naiyak ng boyfriend niyang si Gregg Homan ng makita sa unang pagkakataon sa ultrasound ng kanilang baby. Nitong Sabado, ay ibinahagi naman ni Angelica at Gregg ang moment ng malaman na nila ang gender nito.

Sa pagsisimula ng kanilang baby gender reveal vlog, ay may mga pabirong hirit na si Angelica sa mga ituturo niya sa anak niya sa oras na makapanganak na ito.

“Una kong gagawin, tuturuan kong kumanta ‘yong anak ko. I’ll make you guys proud kasi ‘yong lyrics niya, gay lingo. Tuturuan ko rin siya kung paano maglambing sa tatay.”

Ito ang natatawang sabi ni Angelica na kahit si Gregg ay hindi ring napigilang bungisngis sa sinasabi ng aktres.

Nag-iisip na rin ito ng pangalan ng kaniyang magiging baby. Bagamat sabi niya ay wala namang siyang hinihiling na kahit anong gender basta ito ay healthy.

Sa mismong ultrasound room ay sinamahan ni Gregg si Angelica. Doon ay sinabi niyang girl talaga ang gusto niya pero kung sakaling maging boy ito ay happy parin siya.

“I want it to be a girl but it’s a boy I’ll just that happy.”

Ito ang sabi ni Gregg.

Ilang sandali lang, matapos ang pagpapaikot-ikot ng baby sa tiyan ni Angelica ay na-reveal rin ang gender nito. Ang nais ni Gregg na baby girl ay siya ngang gender ng baby nila.

Si Angelica at Gregg parehong naiyak ng marinig ang sabi ng doktor na “It’s a girl”.

“I have my mini me! Oh my god. I am so happy.”

Ito ang naiiyak at tumatawang sabi ni Angelica.

Kinongratulate niya rin ang boyfriend na si Gregg dahil sa natupad ang hiling nito na sana baby girl ang ipinagbubuntis niya. Pag-amin pa ng aktres, pa-sikreto ito rin ang gusto niya talagang maging gender ng kanilang baby.

“I am so happy for you. You are having a baby girl. Hindi ka na makaka-work.”

“It’s an answered prayer. Secretly yun ang pinag-prepray ko. Ang saya! Hindi ako makapaniwala.”

Dagdag pa ng aktres, kakaiba pala talaga ang feeling kapag narinig mo na ang gender ng iyong baby. At ang makita ang development nito sa loob ng iyong tiyan.

“Ang saya pala kapag narinig mo na. Sisigaw ka pala talaga. May aayusan tayo guys.”

BASAHIN:

Boyfriend ni Angelica Panganiban, naiyak nang makita ang first ultrasound ng kanilang baby

Angeline Quinto sa pagiging first time mom: “May mga pagkakataon na bigla akong iiyak, ‘di ko alam anong dahilan.”

Anne Clutz nakaranas ng depression habang buntis: “Nag-shut down ako. Talagang hindi ako lumalabas ng kwarto.”

Angelica Panganiban as a first time mom

angelica panganiban baby gender reveal

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Sa mga naunang statement na inilabas ng aktres tungkol sa kaniyang pagbubuntis ay sinabi niyang nagbabalak siyang tumigil saglit sa showbiz para mag-focus sa kaniyang baby.

“I-enjoy ko ba muna. Thirty years naman na ako sa industriya, marami naman na akong naiambag. Siguro ngayon na hinihingi na ng life ko eh mag-focus naman na ako sa aking family.”

“Dahil sobrang blessed ko na magkaroon ako ng tinatawag kong family ngayon. Gusto ko dun ako mag-focus. Gusto ko ibigay lahat ng oras ko dun.”

Ito ang sabi ni Angelica na hindi pa naman daw sinasara ang pinto niya sa pag-aartista.

“Kasi si Gregg din babalik ng work so tutukan ko na muna ‘yong baby. Kapag kaya ko ng iwan siya ‘yong bata siguro babalik ako ng work.”

Dahil sabi pa ng aktres matagal niyang hinintay ang moment na ito sa buhay niya kaya naman i-enjoy niya ang bawat minuto bilang isang ina.

“Napakatagal kong hinintay ito. At wala naman akong pinangarap kung hindi maging isang ina. So ngayong dumating na siya, ito na ang role na gusto kong gampanan. ‘Yon naman muna siguro ang gagawin ko.”

angelica panganiban baby bump

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Si Angelica umamin rin na ang boyfriend na si Gregg ang pinaglilihian niya. Sa oras nga daw na mawala si Gregg sa paningin niya o malayo ito sa kaniya ay naiiyak na siya.

“Si Gregg ang pinaglilihian ko. Sobrang arte ko ngayon. Aalis lang siya papunta sa work which is 7 minutes lang dito kung saan kami nakatira umiiyak ako palagi.”

“As in ang sakit, sakit sakin kapag hindi ko siya nakikita. Nagdidilig lang siya ng halaman sa labas, nasa-sad ako na parang bakit ang layo mo.”

Ito ang natatawang kuwento pa ni Angelica.

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Angelica Panganiban reveals gender of her first baby: "I have my mini me!"
Share:
  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.