Angelica Panganiban sa kaniyang breastfeeding experience: “Tanggapin mo na, na naka-bra ka na lang hanggat manawa siyang dumede sayo.”

Aktres nagigising na ngayon ng as early as 4am at may routine ng dapat na ginagawa bago pa humarap sa kaniyang baby.

Angelica Panganiban nag-share ng experience niya sa breastfeeding. Aktres ito rin ang mga natutunan sa first two months ng pag-aalaga sa kaniyang newborn baby.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Angelica Panganiban breastfeeding experience.
  • Mensahe ni Angelica para sa anak na si Amila.

Angelica Panganiban breastfeeding experience

Angelica Panganiban sa kaniyang breastfeeding experience: Tanggapin mo na, na naka-bra ka na lang hanggat manawa siyang dumede sayo.

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Certified padede mom na talaga ang aktres na si Angelica Panganiban na nag-share ng kaniyang breastfeeding experience sa Instagram. Ayon sa aktres, sa dalawang buwan niyang pag-aalaga sa baby niyang si Amila Sabine ay marami na siyang natutunan partikular na nga sa pagpapasuso.

Kuwento ng aktres, as early as 4am ay gising na siya. Pero bago simulan ang pagpapadede niya sa anak ay may routine na siyang dapat na ginagawa.

“Bago ka mag padede kapag 4am na, mag sipilyo, hilamos at umihi ka na. You’ll never know kung papayag pa ba siyang magpababa sayo ( ibulong mo na din kay Lord na sana makaligo ka sa araw na ito ).”

Ito ang number 1 sa natutunan ng aktres sa unang dalawang buwan niya ng pagiging isang certified padede mom.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 

Dagdag pa niya, dapat daw ay ready narin ang lahat ng kailangan mo sa iyong tabi. Tulad ng pagkain, tubig, phone charger at remote ng aircon at TV.

May isang bagay na rin umano na tinanggap ang aktres na dapat niya ng makasanayan. Ito ang pangatlo sa kaniyang natutunan.

“Pangatlo, bindi ka na makakapag damit. Tanggapin mo na, na naka-bra ka na lang hanggat manawa siyang dumede sa ‘yo. Kasama na rin dito ang pag suklay ng buhok. What is hair brush na po tayo. Opo.”

Pagdating naman sa pagkain, malamang maraming mommies ang makaka-relate kay Angelica.

“Pang apat, kumain ng marami at mabilis. Pero bawal ang kalansing ng kubyertos at baka magising mo ang nabudol mong baby.”

Pinakahuli, isa ito sa laging ipinapayo sa mga new mommies. Ito ang pagpapahinga at pagtulog sa mga oras na natutulog si baby.

“At, matulog kapag tulog si baby. Subukang pakalmahin ang isip. I know madami tayong gustong gawin at ma accomplish. Pero, tanggapin mo nang, hindi ka naman talaga makakatayo sa kinauupuan mo. Kaya matuto kang matulog ng nakaupo.”

Ito ang sabi pa ng aktres na sinaladuhan rin ang mga inang tulad niya.

“Saludo ako sa lahat ng ina. Mabuhay tayong lahat”

angelica panganiban with gregg homan , baby amila

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Reaksyon ng mga netizens

Ang mga netizens naka-relate naman sa post na ito ni Angelica Panganiban. Ilan nga sa unang nag-react sa mga post niya ay ang mga celebrities na may anak at pamilya narin na tulad niya.

annecurtissmith Love this! Mabuhay kambal!!!! ❤❤

dionne Yes! Apir sa naka-Bra lang all day every day 

mysheenahalili MABUHAY!❤

 Habang ilang mommy netizens may dagdag pa sa mga breastfeeding experience na ibinahagi ni Angelica.

“I think, ang nabigay na master skill sakin ng pagiging nanay e mag-abot ng mga bagay gamit ang paa!”

“At higit sa lahat bff natin ang pag add to cart habang nagpapadede.”

“Correct!! Lahat po yan nararanasan nating bilang isang magulang o ina..naku mahirap sa una pero habang tumatagal natututunan din natin ang daily routine para sa ating supling.”

“Yung mga ninja moves magagawa mo like pag ipit ng remote sa mga toes mo para makuha mo lng hahaha.. yung ihing ihin kana kaso naka dede pa sya..hays na joy and sacrifices of a padede mom.❤”

Ito ang ilan sa pahayag nila.

Mensahe ni Angelica para sa anak na si Amila

baby amila sabile

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Nito nga lang November 20 ay nag-2 months na ang baby ni Angelica na si Amila Sabine. Noong una ay hindi niya muna ibinahagi ang mukha ng kaniyang baby.

Dahilan ng aktres ay maraming scammers ang nagkalat at natatakot silang pati ang anak nilang walang kamalay-malay pa ay gamitin ng mga ito. Pero sa unang buwan nito ng maipanganak ay hindi na napigilan ng aktres ang ipakita ang mukha nito sa publiko.

Dahil giit ng aktres ay super happy and proud siya na maging mommy ng kaniyang magandang baby. Sa Instagram ay may iniwang mensahe rin ang aktres sa kaniyang anak.

“Pangakong ibibigay ko sayo lahat ng mga hindi ko naramdaman at naipagdamot sakin sa mundong ito at hihigitan ko pa sa kung saang mga bagay na pinalad ako.”

“Pangakong hahawakan ko ang kamay mo at hahagurin ko ang likod mo sa tuwing hindi magiging patas ang tadhana sayo.”

“Hindi mo lang ako nanay, ako ang magiging pinaka matalik mong kaibigan na handang mapuyat sa mga kwento mo, na susuporta at tutulak sayo patungo sa pagbuo ng mga pangarap mo.”

Ito ang bahagi ng mensahe ni Angelica para sa kaniyang anak. Dahil sabi pa ng aktres sa pagdating nito sa buhay niya ay mas nakumpleto siya.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 

“Hindi ko kakalimutan ang tunog at pakiramdam ng tibok ng puso mo nang sa ganon, matulungan kitang buuin ito kapag pakiramdam mo binigo ka nito.”

“Handa akong ibigay ang lahat ng lakas ko, dahil napakaliit na bagay nito para sa pag buo at pag kumpleto mo sakin. Maraming salamat at ginawa mo kong isang ina, anak.”

Ito ang sabi pa ni Angelica Panganiban na na-enjoy ang journey niya bilang first time mom.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!