X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Angeline Quinto ayaw ma-spoil si Sylvio: "Hindi rin maganda kapag naiibibigay mo lahat... baka masanay."

4 min read

Angeline Quinto nagbahagi ng mga pagbabago sa buhay niya bilang ina at umamin ring mukhang mai-spoil niya ang anak na si Sylvio.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Mga pagbabago sa buhay ni Angeline Quinto ng siya ay maging isang ina na.
  • Angeline Quinto bilang ina kay baby Sylvio.

Mga pagbabago sa buhay ni Angeline Quinto ng siya ay maging isang ina na

angeline quinto as a mom

Larawan mula sa Instagram account ni Angeline Quinto

Halos magtatatlong buwan na ang panganay at baby ni Angeline Quinto na si Sylvio. Sa pagdaan nga daw ng buwan matapos makapanganak ay aminado si Angeline na mahirap at nakakapagod pala talaga ang maging isang ina.

Sa kaniya ngang pinakabagong vlog ay ibinahagi ng singer na naging malaki ang pagbabago sa buhay niya ng dumating si Sylvio. Partikular na sa kaniyang routine sa araw-araw kung saan tinututukan niya ang pag-aalaga sa anak.

“Ngayon na nanay na ako sobrang nag-iba ‘yong routine ko everyday. Kung noon, nagigising siguro ako ng mga 9 am to 10 am ng umaga. Ngayon wala pang araw mga ka-twinkle nagigising na ako for Baby Sylvio. Kasi nga bigla siyang iiyak so kailangan i-check ko kung papalitan ba ng diapers o nagugutom na siya.”

Ito ang pagbabahagi Angeline.

Sa ngayon daw ay nag-aadjust parin si Angeline sa mga pagbabago sa buhay niya bilang isang ina. Partikular na ang paggising ng maaga. Mabuti na nga lang daw at nandiyan ang boyfriend niyang si Nonrev na nagiging kapalitan niya sa pag-aalaga sa anak.

“Kami ni Nonrev nagpapalitan kami. Kung halimbawa ako ‘yong antok na antok, siya ‘yong nagbabantay kay Sylvio hanggang madaling-araw. Para kapag umaga ako naman yung gising o minsan baligtad,” kuwento pa ni Angeline.

Nakakapagod man daw at mahirap, sabi ni Angeline masaya siya sa pagiging isang ina. Ngayon daw ay naiintindihan niya na at napatunayan niyang totoo na kahit ano mang pagod maaring mawala kapag nakikita ng ina ang kaniyang anak.

“’Yong feeling ko ngayon nanay na nanay na. ‘Yong ikaw lahat ng kikilos pero nakakapagod din. Pero alam mo ‘yan sa araw-araw na nangyayari ngayon, nakakapagod pero kapag nakikita ko si Sylvio nawawala.”

“Ganoon pala talaga. Naiintindihan ko na ‘yong mga nanay na kapag nakikita na yung anak lahat ng hirap sa panganganak nakakalimutan. Totoo pala ‘yon mga mommies naranasan ko na yun.”

Ayon pa rin kay Angeline dahil sa pagbabagong binigay sa buhay niya ni Sylvio ay aminado siyang baka ma-spoil niya ito. Lalo pa’t sa kanilang dalawa ni Nonrev siya ang mas hindi strikto. Ngayon palang daw pinag-uusapan na nila ito ni Nonrev partikular na sa kung paano sasabihin kay Sylvio ang mga bagay o gusto niya na hindi puwede.

baby sylvio

Larawan mula sa Instagram account ni Angeline Quinto

“Pinag-uusapan namin ‘yan ngayon na baby pa Sylvio. kung paano yung mga gagawin naming pagbabawal sa mga gusto ni Syvio na hindi puwede. Si Non cool din naman siyang tatay talaga kaso parang siya ‘yong magiging strikto kasi ako feeling ko baka ma-spoil ko ‘yong bata.”

“Pero sabi din ng ibang mga nanay ‘yong pagiging spoiled ng bata hindi rin maganda kapag naiibibigay mo lahat kasi baka masanay sila.”

Excited na nga rin daw si Angeline na magsimulang kumain ng solid foods si Sylvio. Gusto niya ng malaman ang favorite food nito para daw mapag-aralan niya ito at siya mismo ang magluto.

Relasyon ni Nonrev Daquina at Angeline Quinto

angeline quinto with nonrev

Larawan mula sa Instagram account ni Angeline Quinto

Mula ng mabuntis sa anak na si Baby Sylvio ay nagsama na sa iisang bubong si Angeline at boyfriend niyang si Nonrev. Minsan niya naring nilinaw sa pamamagitan parin ng kaniyang vlog ang sabi-sabing pineperahan lang siya ng kasintahan.

Sabi pa nga ni Angeline siya pa minsan ang nangungutang kay Nonrev at napaka-laki ang tulong na nagagawa nito sa pag-aalaga sa kanilang anak. Maliban nga daw sa kapalitan niya ito sa pag-aalaga kay Baby Sylvio, maasahan rin daw ito sa mga gawaing-bahay.

“Mga damit ko siya nagtutupi, mga damit ni Sylvio after labhan siya nagtutupi. Minsan ako nalang naghuhugas ng bote ng anak namin.”

Ito ang sabi pa ni Angeline.

Pagdating din daw sa kanilang relasyon, ito ang mas nagdadala. Si Nonrev umano ang una at agad na umaayos sa gusot o tampuhan sa pagitan nilang dalawa.

“Ako kapag nagtatampuhan kami parang mataas talaga yung pride ko. Pero minsan may time naman na kapag alam ko ako yung may mali, magso-sorry rin ako. Pero siya mas madalas siya talaga nauunang magso-sorry sa amin dalawa.”

Ito ang pagbabahagi pa ni Angeline Quinto sa buhay niya ngayon bilang ina. Pati narin sa relasyon nila ng boyfriend na si Nonrev Daquina.

Angeline Quinto Vlog

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Angeline Quinto ayaw ma-spoil si Sylvio: "Hindi rin maganda kapag naiibibigay mo lahat... baka masanay."
Share:
  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.