X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Angeline Quinto proud ng ipinakita sa publiko ang itsura ng ama ng kaniyang magiging anak

4 min read

Angeline Quinto tuluyang ng ipinakita ang mukha ng boyfriend at ama ng magiging anak niya.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Angeline Quinto ipinakita na ang mukha ng boyfriend at ama ng ipinagbubuntis niya.
  • Reaksyon ng mga netizens.

Angeline Quinto tuluyan ng ipinakita ang mukha ng boyfriend

angeline qunto jowa reveal

Image from Angeline Quinto’s Instagram account

Noong nakaraang Biyernes ay may biglang pasabog si Angeline Quinto sa kaniyang vlog. Dahil ang inakalang “Who Knows Me Better” lang na game ni Angeline para sa kaniyang team ay may pa-surprise pala sa dulo.

Si Angeline nag-share ng ilang behind the scenes sa kaniyang naging maternity photoshoot na kung saan kasama niya ang ama ng kaniyang magiging anak.

Marami ang natuwa sa jowa reveal na ginawa ni Angeline noong Biyernes. Bagama’t ang ilang larawang ibinahagi niya na kasama ang boyfriend ay naka-side view at hindi kita ang buo nitong mukha.

Pero nitong Martes wala ng patumpik-tumpik pang ipinakita in Angeline ang mukha ng ama ng magiging anak niya. Ito ay sa pamamagitan ng isang Instagram post niya na kung saan makikitang kasama niya si Vice Ganda at ang ina nitong si Rosario Viceral.

Ang caption ng post ni Angeline kung saan makikita na ang buong itsura ng kaniyang boyfriend na nasa kaniyang tabi noon ay..

“2.22.22 with my 2nd Family.”

angeline quinto wit boyfriend

Image from Angeline Quinto’s Instagram account

2nd family ni Angeline

Sa isinagawang gender reveal party ng magiging anak ni Angeline na inorganize ni Vice para sa kaniya ay sinabi niyang itinuturing niyang pangalawang ina si Nanay Rosario.

Maayos niya ngang ipinaalam dito na siya ay nagdadalang-tao at magkakaroon na ng apo sa kaniya. Hindi man makapaniwala noong una ay very happy si Nanay Rosario na magkakaroon na siya ng apo kay Angeline lalo na ng malaman ang magiging gender ng kaniyang baby.

“Hanggang ngayon di ako makapaniwala. Pero happy na happy ako kay Angge kasi para kong anak ito and I wish she’ll give me chance na samahan ko siya sa kaniyang journey.

At sana maging malusog ang baby maging masaya siya. I hope the baby will be happy because he’ll be surrounded with love.”

Ito ang nasabi ng ina ni Vice kay Angeline sa gender reveal party ng kaniyang ipinagbubuntis.

BASAHIN:

Angeline Quinto may naisip ng pangalan kung magiging baby girl ang anak niya

Angeline Quinto sa ama ng ipinagbubuntis: “Ayaw niya po talaga ng showbiz”

Vic Sotto sa kahilingan ni Tali na magkaroon ng kapatid: “Ang problema parati namin siyang katabi matulog”

Reaksyon ng mga netizens sa tuluyang pagpapakita ni Angeline ng mukha ng kaniyang boyfriend

Samantala, walang ibang naging reaksyon kung hindi pagmamahal ang mga netizens sa tuluyang pagpapakita ng mukha ng boyfriend ni Angeline.

Dahilan nila ay kitang-kitang masaya si Angeline sa takbo ng buhay niya ngayon. Patunay dito ang matatamis niyang ngiti kasama ang ama ng magiging anak niya.

“May mukha n ang bf ni angeline, congrats.”

“Omg sabi ko na talaga happy for you, Ate I love you.”

“I’m happy to see you happy angge”

“Nice to see your bf in picture. Sana siya na ang forever mo. Take care of ur baby. Stay safe.”

Ito ang reaksyon ng mga netizens ng tuluyang ng ipakita ni Angeline ang mukha ng kaniyang boyfriend.

angeline quinto

Image from Angeline Quinto’s Instagram account

Matatandaang noong una ay naging malaking tanong kung sino ang ama ng ipinagbubuntis ni Angeline. Lalo pa’t sa mga naunang post nito ay hindi siya nagbabanggit ng impormasyong tungkol rito.

Sa isang interview ay sinabi ni Angeline na mismong ang kaniyang boyfriend ang ayaw na ma-involve siya sa showbiz. Hiniling rin ni Angeline sa mga curious niyang fans noon na respetuhin lang muna ang desisyon niya.

Ganoon din ang hayaan muna siyang i-enjoy ang moment ng kaniyang pagdadalang-tao ng pribado kasama ang ama ng kaniyang magiging anak.

“Yong tatay naman din talaga ng magiging baby ko, siya din talaga mismo, kumbaga ayaw niya po talaga ng showbiz.Mas gusto lang talaga namin sana na mai-treasure itong moment na ito nang sa amin lang.

Kasi iba rin ‘yong pakiramdam at mayroon talagang parte ng buhay natin na nagiging pribado na kasama lang yung mga taong mahal na mahal natin at importante sa atin.”

Ito ang sabi noon ni Angeline.

Sa ngayon, si Angeline ay nasa ika-pitong buwan na ng kaniyang pagbubuntis. Siya ay nakatakdang manganak sa buwan ng Abril ng isang baby boy.

 

Instagram 

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Angeline Quinto proud ng ipinakita sa publiko ang itsura ng ama ng kaniyang magiging anak
Share:
  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.