X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Angeline Quinto may naisip ng pangalan kung magiging baby girl ang anak niya

5 min read
Angeline Quinto may naisip ng pangalan kung magiging baby girl ang anak niya

Prank yan! Ito daw agad na naisip ng mga showbiz friends ni Angeline ng malamang buntis siya.

Angeline Quinto nag-share ng pregnancy updates tungkol sa pinakabagong-vlog niya. Singer ibinahagi ang naging reaksyon ng mga showbiz friends niya ng malamang buntis siya.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Angeline Quinto pregnancy update.
  • Reaskyon ng mga showbiz friends ni Angeline ng malamang buntis siya.
  • Naisip na pangalan ni Angeline kung magiging baby girl ang anak niya.

Angeline Quinto pregnancy update

Nitong Biyernes ay ibinida ni Angeline Quinto sa Instagram ang baby bump niya. Kasabay nito ay muli rin siyang nagbigay ng update tungkol sa pagbubuntis niya sa kaniyang vlog.

Ito ay sa pamamagitan ng pagsagot ng mga tanong mula sa mga followers niya sa Instagram. Karamihan ng mga tanong ay tungkol sa karanasan ni Angeline sa una niyang pagbubuntis. Tulad na lang sa kung naging moody rin ba siya na sagot ng singer ay oo, na nawewirduhan din siya.

angeline quinto pregnancy and baby bump

Image from Instagram 

“Sobra. Sobrang sensitive ako ngayon. Ewan ko para nga akong nababaliw minsan. May time din na iyak ako ng iyak at hindi ko alam kung saan nanggagaling kalungkutan ko. Hindi ko alam kung umiiyak ba ako dahil masayang-masaya ako o umiiyak ako dahil malungkot ako.”

Ito ang natatawang kuwento ni Angeline tungkol sa sensitive mood niya sa ngayon. Kuwento pa niya naging antukin rin siya. Sa katunayan, tulog lang siya ng tulog noon matapos kumain.

Hanggang sa napansin niyang namamanas na ang kaniyang mga kamay at paa. Ito ang nagtulak sa kaniya na baguhin ang habit at mas maging active. Maliban sa pag-i-exercise, paglilinis sa loob ng bahay ay ito ang isa pang ginagawa ng singer para mawala ang antok niya.

“Wala pang 11am naliligo na ko para mabuhayan ang buong katawan ko at hindi ako antukin.”

Ito ang sabi ni Angeline.

Food cravings ni Angeline habang buntis

Pagdating naman sa pagkain, nakaranas din si umano si Angeline ng weird cravings. Ang pinaglihian niya balut, penoy at lumpiang toge na walang pinipiling oras kung hanapin niya.

“Walang oras yung bigla-bigla kong maiisip na gusto ko ng penoy at saka balut. Gusto ko sa penoy 'yong medyo basa. Ayoko kasi nung penoy na parang itlog na pag naluto.

Gusto ko 'yong parang. Alam mo 'yong penoy na parang taho 'yong laman? 'Yong malambot siya. Ganun 'yong gusto ko. Tapos maraming maraming suka at saka balut.”

“Kadalasan ng ganyan, 'di ba, kinakain natin iyan hapon o pagabi. So sa akin, walang oras. Minsan parang after ng tanghalian, gusto kong maghanap ng balut. Minsan naman, ang nangyari sa akin, ala-una ng madaling araw gusto ko kumain ng lumpiang toge. 'Di ba mahirap?”

Ito ang natatawang kuwento pa ni Angelne tungkol sa pagbubuntis niya.

Prank 'yan! Ito raw ang reaksyon ng mga showbiz friends ni Angeline ng malamang buntis siya

angeline quinto with kyla, kz tandingan and yeng constantino

Pero kung may pinakanakakatawa sa kuwento ng pagbubuntis ni Angeline, ito ay noong nalaman ng mga showbiz friends niya na buntis siya.

Sapagkat kuwento ni Angeline, inisip nila Kyla, Yeng Constantino at KZ Tandigan na nagpa-prank lang siya. Lalo pa’t nalaman ng mga ito na buntis siya habang sila ay nasa isang concert.

“Sila Ate Kyla, si KZ saka si Yeng, akala nila prank hindi sila naniniwala. Kinakausap sila noong naging writer namin sa concert ko na 10Q nasa Metropolitan Theater para sa gender reveal ng baby.

Sabi ni KZ, ‘Hala! si Ate Angge buntis. Prank 'yan!’ So walang naniniwala hanggang sa nagtake kami, kumanta kami tapos, nag-take na kami ng gender reveal parang natahimik sila. Te totoo ba te? Hindi nga prank totoo nga!”

Doon lang daw naniwala sina Kyla, KZ at Yeng na naging emosyonal sa magandang balitang ibinahagi niya. Sina Sarah Geronimo, Erik Santos at Regine Velasquez ay tuwang-tuwa nga rin umano para sa kaniya ng sabihin niya sa mga ito ang magandang balita.

BASAHIN:

Angeline Quinto sa ama ng ipinagbubuntis: “Ayaw niya po talaga ng showbiz”

Angeline Quinto: “Ngayon na magiging nanay na rin ako sana maging masaya kayo para sa akin.”

Riva Quenery’s dad sa unexpected na pagbubuntis ng anak: “I felt betrayed”

Naiisip na pangalan ni Angeline sa magiging baby niya

angeline quinto with regine velasquez

Image from Star Cinema

Kuwento pa ni Angeline sa ngayon ay may naisip na siyang pangalan kung sakaling magiging babae ang anak niya. Ito ay ang pagsamahin ang pangalan ng kaniyang Mama Bob at idol niyang si Regine Velasquez.

“Gustong-gusto ko yung name ni Ms. Reg 'yong Regina, gustong-gusto ko 'yon. Tapos noong pinagsama ko 'yong pangalan ni Ms, Reg saka ng Mama Bob ang ganda ng kinalabasan. Sylvia Regina or Regina Sylvia.”

Ito ang masayang kuwento pa ni Angeline. Pero dagdag niya, depende parin daw ang pangalan ng kaniyang anak sa magiging gender nito. At hindi lang daw siya ang nag-iisip ng ipapangalan dito. Kung hindi dalawa sila ng ama ng kaniyang anak na ayon parin kay Angeline ay hindi pa ngayon ang tamang panahon para ipakilala niya sa publiko.

Si Angeline ay nakatakdang manganak ngayong darating na Abril.

 

YouTube

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Angeline Quinto may naisip ng pangalan kung magiging baby girl ang anak niya
Share:
  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.