Mommies, alam niyo ba kung ano ang tinatawag na "halak"?

Ano ang halak, at ano ang mga uri ng gamot na pwedeng ibigay ng mga magulang kapag ang kanilang anak ay may ganitong kondisyon?

Mga mommies, alam niyo ba kung ano ang halak? Siguro narinig niyo na ang salitang ito, o kaya may ideya kayo kung ano ito.

Pero paano mo malalaman kung may halak si baby, at ano ang pwedeng solusyon dito?

Ano ang halak?

Ang halak ay isang uri ng ubo na maraming plema na nararanasan ng mga bata at ng mga sanggol. Kadalasan itong kasama ng matinding ubo at sipon, at paminsan pati na rin lagnat.

Hindi laging madaling mahanap ang sanhi ng halak, dahil minsan parehas ang sintomas ng ubo, sipon, at iba pang upper respiratory infection sa halak.

Minsan ito ay dahil sa viralbacterial infection sa bandang lalamunan, bibig, o ilong.

Ano ang pwedeng gawin sa halak?

Minsan, hindi na kinakailangang bigyan ng gamot si baby kapag mayroong halak. Posibleng mawala ng kusa ang halak kapag gumaling na ang ubo ni baby.

Ngunit may mga sitwasyon na hindi agad-agad nawawala ang halak, kaya kinakailangan ng karagdagang gamutan upang gumaling si baby.

Sa mga ganitong sitwasyon, mas mabuting kumonsulta muna sa doktor bago magbigay ng gamot sa inyong anak. Ito ay dahil ang halak ay maraming sanhi, at mas maganda kung matukoy ng doktor ang mismong dahilan ng halak ni baby bago ito bigyan ng gamot.

Nakakatulong din ang pagpapainom ng tubig kay baby. Nakakatulong din ang pagkakaroon ng humidifier upang makatulong na lumuwag ang paghinga ng iyong anak.

Importante ring siguraduhing dalhin ang iyong anak sa doktor kapag mayroong ganitong sintomas ang iyong anak:

  • Ubo, halak, o sipon na hindi pa nawawala makalipas ang isang linggo
  • Ubo, halak, o sipon sa mga batang 0-3 na buwan
  • Mataas na lagnat
  • Nahihirapan huminga
  • Parang hinihika o may paghuni sa paghinga
  • May dugo sa plema o sipon
  • Namumutla at ayaw dumede o kumain
  • Mga iba pang sintomas

 

 

Source: kalusugan.ph

Photo from: dreamstime.com

READ: Mga home remedies para sa ubo na hindi kailangan ng gamot