X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Mommy inakalang isang baby lang ang kaniyang pinagbubuntis, pero biglang kambal pala!

4 min read
Mommy inakalang isang baby lang ang kaniyang pinagbubuntis, pero biglang kambal pala!

Mabigat ang risks para sa mga nagbubuntis sa tinatawag na 'mono mono twins'.

Ano kaya ang iyong gagawin kung ang unang ultrasound mo ay nag-expect kang isa lang ang iyong anak at pagbalik mo ay nalaman mong magkakaroon ka ng kambal? Alamin kung ano ang mono mono twins at ang experience ng isang mommy tungkol dito.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Mom experience with her mono mono twins
  • Gustong tumaas ang chance na magkaroon ng twins? Alamin ang iba’t ibang factors para magkakambal

Mom experience with her mono mono twins

Kakaibang saya naman talaga ang magkaroon ng twins sa pamilya lalo na kung identical pa ang mga ito. Lubos na pinaghahandaan ng parents ang kanilang matchy-matchy clothes at kung ano pang gamit nila. Para sa isang mommy, kakaiba ang naging experience niya kung paano siya nagkaroon ng twins.

Sa isang viral na video ng sa Tiktok na mayroong 21.9 million views, sinubukan ni Lex Ginger ang challenge na “put a finger down.” Dito niya ibinahagi ang rare experience ng isang pregnant mommy tungkol sa pagkakaroon ng kambal. Agad naman pinag-usapan ito ng netizens dahil sa kakaibang kuwento na bihirang naririnig sa mga nagbubuntis. Ang ganitong kundisyon daw ayon sa doktor niya ay “mono mono twins.”

Ano ang mono mono twins?

Sa pagbibigay ng depinisyon ng Twins Research Australia, ang mono mono twins o ‘MoMo twins’ ay isang sitwasyon kung saan ang embryo ay nahahati para sa dalawang identical twins matapos mabuo ng amniotic sac kaya nai-enclose ang kambal sa iisang sac.

“‘Monochorionic/monoamniotic’ literally means one chorion (the outer membrane) and one amniotic sac (the fluid surrounding the foetus). MoMo twins are identical and occur in approximately 1 percent of pregnancies about day nine after fertilisation.”

ano ang mono mono twins

Dagdag pa nila, nadi-detect lang daw ito sa pamamagitan ng ultrasound. At kinakailangan ng maingat na pagmomonitor dahil ito ay delikadong kundisyon.

“The only way to detect MoMo pregnancies is via ultrasound.”

“Early diagnosis is important as complications can arise which warrant careful, regular monitoring. The most significant dangers relate to cord entanglement and/or compression and twin-to-twin transfusion.”

Ganitong-ganito ang naranasan ni Lex, kung saan base sa kanyang kuwento kasagsagan daw na 6 weeks pregnancy nang magpunta siya sa kanyang Ob-Gyn. Dito raw ay nakitang mayroong siyang one egg at one yolk sac. Makalipas daw ang isang linggo ay bumalik siya dahil sa malalang morning sickness.

“And then you go to the doctor and the doctor goes, ‘Oh let’s do a scan, we might as well because you’re here’. And then they do the scan and they keep looking and they keep looking and they keep looking and they keep looking…”

getting pregnant with twins

Image from Pexels

Matapos daw ang paghahanap ay nakitang magkakaroon siya ng kambal na labis niya raw ikinagulat dahil doon sa kaniya ipinaalam na siya ay nagdadala sa kaniyang sinapupunan ng kambal.

“And then they look at you and say, ‘You’re having twins’, but they don’t say it in a happy way, and you immediately tell them that you aren’t having twins because last week you weren’t and then this week you can’t… they just don’t multiply like that.”

Kasabay raw nito ang isang malungkot na balitang malabo raw na makaligtas ang kambal. 50% lang daw ang chance ng mga kambal na mabuhay.

“And it’s a really terrible pregnancy and at 24 weeks you’ll be hospitalised for two months…. most people don’t make it to 24 weeks, I’ll be honest with you, you’re probably not going to make it anyway.”

Sa kabila ng opinyon na ito ng doktor, tagumpay na naisilang ang kambal ni Lex. Marami naman ang natuwa dahil sa healthy at masasayang picture na shinare ni Lex sa social media.

ano ang mono mono twins | pregnant

Gustong tumaas ang chance na magkaroon ng twins? Alamin ang iba’t ibang factors para magkakambal

Maraming parents ang gustong magkaroon ng twins. Walang tiyak na dapat gawin upang masigurong magkakaroon ng kambal. Samantalang, narito naman ang ilang tips at factors para tumaas ang chance na magkaroon ng ganito:

  1. Pagkakaroon ng history ng twins sa pamilya – Ito ang madalas na dahilan kung bakit nagkakaroon ng kambal.
  2. Pagiging matanda ng edad – Mas mataas ang chance na magkaroon ng kambal kung magbubuntis sa edad na 30 years old.
  3. Pagiging matangkad at pagkakaroon ng mataas na timbang – Mas malaki at much better ang resources para sa mga babaeng malalaki ang body size upang makapagdevelop ng fetus na kambal.
  4. Base sa lahi – Minsan ay nakadepende din ito sa race ng isang tao. Katulad na lang sa report ng American Society for Reproductive Medicine. Kung saan nakita na ang mga Hispanic women ay mas may malaking tsansa na magkaroon ng twins.
  5. Pagsubok ng fertility treatment – Mas mataas din ang chance kung susubok sa iba’t ibang fertility treatments tulad ng In Vitro Fertilization (IVF).

Kids Spot, Medical News Today

Partner Stories
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Uni-Love New Endorser: Toni Gonzaga-Soriano
Uni-Love New Endorser: Toni Gonzaga-Soriano
Celebrating Your Child’s Growth Milestones
Celebrating Your Child’s Growth Milestones
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Para Sa Magulang
  • /
  • Mommy inakalang isang baby lang ang kaniyang pinagbubuntis, pero biglang kambal pala!
Share:
  • How Often to Change Diapers? A Parent’s Guide by Age, Poop Frequency & More

    How Often to Change Diapers? A Parent’s Guide by Age, Poop Frequency & More

  • Ang Ultimate Guide sa Calcium sa Pagbubuntis: Lahat ng Dapat Malaman ng Bawat Buntis

    Ang Ultimate Guide sa Calcium sa Pagbubuntis: Lahat ng Dapat Malaman ng Bawat Buntis

  • Paano Nakakatulong ang Pregnancy Milk sa Morning Sickness (At Ano ang Gagawin Kung Hindi Mo Kaya Inumin Ito)

    Paano Nakakatulong ang Pregnancy Milk sa Morning Sickness (At Ano ang Gagawin Kung Hindi Mo Kaya Inumin Ito)

  • How Often to Change Diapers? A Parent’s Guide by Age, Poop Frequency & More

    How Often to Change Diapers? A Parent’s Guide by Age, Poop Frequency & More

  • Ang Ultimate Guide sa Calcium sa Pagbubuntis: Lahat ng Dapat Malaman ng Bawat Buntis

    Ang Ultimate Guide sa Calcium sa Pagbubuntis: Lahat ng Dapat Malaman ng Bawat Buntis

  • Paano Nakakatulong ang Pregnancy Milk sa Morning Sickness (At Ano ang Gagawin Kung Hindi Mo Kaya Inumin Ito)

    Paano Nakakatulong ang Pregnancy Milk sa Morning Sickness (At Ano ang Gagawin Kung Hindi Mo Kaya Inumin Ito)

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko