Ano ang tamang posisyon sa pagtulog ng buntis? Tamang posisyon sa pagtulog bawat trimester

undefined

Bakit hindi makatulog ang buntis sa gabi? Maaaring ito ay dahil sa kanyang sleeping position o mga discomfort na nararanasan sa gabi. Alamin buong storya!

Ano ang tamang posisyon sa pagtulog ng buntis?

Ang tamang posisyon sa pagtulog ng buntis sa bawat trimester ay mahalaga para sa kalusugan ng isang buntis. Habang ang mga pregnant mom na hindi nakakatulog ng sapat o less than five hours ay mas mataas ang risk factor na magkaroon ng gestational diabetes.

Kasama na rin ang preeclampsia, ito ay ayon sa mga eksperto. Ngunit bakit nga ba hindi makatulog ang buntis sa gabi?

Makakatulong sa mabilis at healthy na paglaki ng fetus ang maayos na pagtulog ng isang ina. Pero, makabubuti sa isang buntis ang magbasa ng mga safe sleeping position habang nagbubuntis.

Dahil napag-alaman na ang ibang sleeping position lalo na kung mali ito ay maaaring magdulot ng stillbirth. O kaya naman low birth weight sa bagong silang na sanggol.

Sa paglipas ng mga araw hindi mo na namamamalayan na nasa 3rd trimester ka na pala. Sa pagkakataong ito, nararanasan mo na ang karaniwang nararanasan ng ibang pregnant mom.

Ang pagkakaroon ng hindi komportable at hindi sapat na pagtulog! Mula sa bathroom trips hanggang sa mga pressure at pain sa lumalaking tyan, tignan naman natin ang iba’t ibang discomfort sa pagtulog ng isang pregnant mom sa gabi.

Ano ang tamang posisyon sa pagtulog ng buntis? 

 tamang posisyon sa pagtulog ng buntis - buntis na natutulog

Ano ang tamang posisyon sa pagtulog ng buntis? | Image from Dreamstime

1. Bakit hindi makatulog ang buntis sa gabi?

Marami ang pagbabago kapag nabubuntis ang isang babae. Katulad na lamang ang pagtulog nito. Marami ang nagiging dahilan kung bakit hindi nagkakaroon ng maayos at komportableng pagtulog ang isang buntis. Ilan diyan ay ang:

  • Paglakaki ng tyan at uterus
  • Mild hanggang severe na pananakit ng likod
  • Heartburn
  • Morning sickness na minsan ay tumatagal ng isang araw
  • Pregnancy-related insomnia
  • Hirap sa paghinga
  • Palagiang pagpunta sa banyo
  • Symphysis pubis dysfunction (SPD), o
  • Pelvic girdle pain (PGP)

Pero kahit na ano pa nag iyong nararanasan, mas maganda pa rin kung sasanayin mo ang iyong sarili na makatulog ng sapat.

Ayon kay Dr. Grace Pien, assistant professor of medicine sa Johns Hopkins University School of Medicine, “research suggests that pregnant women who are not getting enough sleep — less than 5 or 6 hours of sleep a night — probably are at increased risk for things like gestational diabetes, and potentially for things like preeclampsia.”

Habang nakabubuti ang pagtulog sa katawan at kalusugan ng buntis, tignan rin natin ang iba’t-ibang sleeping positions na safe para sa iyong three trimesters ng pagbubuntis.

 tamang posisyon sa pagtulog ng buntis - buntis na nagpapa-check up

Ano ang tamang posisyon sa pagtulog ng buntis? | Image from Dreamstime

Ano ang tamang posisyon sa pagtulog ng buntis? First trimester

Magiging madali pa lamang sa first trimester. Bukod s mga nararanasang paunang discomfort at pananakit sa iyong katawan, ayon sa mga eksperto ay safe pa naman ang kahit na anong sleeping position sa buntis sa kanyang first trimester.

Ayon kay Dr Sara Twogood, ob-gyn sa University of Southern California, hindi mo muna kailangang baguhin ang iyong sleeping position hanggang sa ikaw ay umabot ng second trimester.

“Before 12 weeks, you can sleep any way you want. A lot of women have breast tenderness or sensitivity. So many aren’t comfortable sleeping on their stomachs early on. But it’s just discomfort—it won’t cause any harm,” 

Subalit, sa lahat nga mga kaso at ebidensya na tumataas ang risk factor sa stillbirth  ng buntis kapag mali ang kanyang sleeping position, mas maganda kung sasanayin mo na agad ang iyong sarili na matulog patagilid. Ito ay para hindi ka mabigla sa oras na kailangan mo na talagang gawin at sanayin ito gabi-gabi. Ang pagtulog patagilid ang best sleeping position ng isang buntis lalo na kung nakakaranas ka ng pananakit ng likod.

Ano ang tamang posisyon sa pagtulog ng buntis? Second and third trimesters

Pagdating sa second at third trimester, ang pinaka best na sleeping position ay ang side-sleeping position sa mga buntis.

In particular, ang pagtulog sa iyong side ay nakagpapataas ng amount ng dugo at nutrients na umaabot sa placenta at sa iyong baby. Nagbibigay rin ito ng pressure saiyong liver at kidney. At sa gayon, ang pagbalik ng kakayahan ng iyong organs ay makakaiwas sa pagkakaroon ng alleviate edema at makakapagpaalis ng toxins.

Kung ikaw ay laging natutulog ng supine position o pahiga imbes na patagilid, kailangan mo na agad itong iwasan sa ngayon pa lang. Ito ay dahil nagkakaroon ng matinding pressure  ang iyong lumalaking abdomen at uterus dahil sa mabigat na weight sa ganitong position.

Ang supine position sa pagbubuntis ay makapagdudulot sa last two trimesters ng:

  • Lalong magiging malala ang pananakit ng likod at hemorrhoids
  • Magkakaroon ng problema sa iyong respiratory system. Ito ay maaaring makapagdulot ng hypotension (low blood pressure) ay dahilan kung bakit ka nahihilo
  • Makakagambala sa iyong digestive system dahilan para mahirapan sa digestion
  • Ang pagbaba ng circulation ay dahilan ng mababang daloy ng dugo sa fetus, ito ang nagiging dahilan kung bakit kaunti atng oxygen at nutrients na nakukuha ng baby
  • Sa ibang kaso, ang supine position ay nakapagdudulot ng fatal stillbirth

Ang pagtulog ng patagilid ay isang optimal position na kailangang ugaliin ng mga buntis lalo na sa kanilang 2nd at 3rd trimester.

 tamang posisyon sa pagtulog ng buntis - buntis na natutulog

Ano ang tamang posisyon sa pagtulog ng buntis? | Image from Dreamstime

Para maging mas madali ang position na ito, maaari mong subukan ang mga tips na ito:

  • Maglagay ng unan sa ilalim ng iyong tyan para ang iyong abdomen at mananatiling nakaangat at may suporta ang likod at hips mo. Maaari kang gumamit ng extra pillow na iyong gagamitin
  • Panatilihin lamang na nakabend ang iyong legs at knee at maglagay ng unan sa gitna ng iyong legs. Makakatulong ito para maging comfortable ang side-sleeping sa pamamgitan ng pantay na level ng iyong mga binti. Marami ang mga nanay na nagkakaroon ng discomfort habang natutulog patagilid dahil ang top leg laging ay nakapatong sa bottom leg. Pero ang paggamit ng unan upang mapanatili ang kanilang level ay isa sa mga sagot dito.

Pero kung ang pagtulog patagilid ay mahirap para sa inyo, maaari kang maglagay ng unan sa upper body ng 45-degree angle. Ito ay para hindi ka nakahiga ng diretso at ang pagtulog ay inclined. Makakatulong ito sa major blood vessels at sa pagpababa ng heartburn at hirap sa paghinga sa gabi.

 

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!