Mga mahalagang kaalaman tungkol sa 'tigdas hangin' o German measles

Ano nga ba ang Tigdas Hangin? Dapat ka ba magalala kung magkaroon nito ang iyong anak?

What is Tigdas Hangin?

German measles, o 'tigdas hangin' kung tawagin ay isang nakakahawang virus na nagdudulot ng rashes, pati na rin ng lagnat.

Kahit na magkatunog ang pangalan nito, naiiba ang German measles sa measles. 

Ang karaniwang tinatamaan ng sakit na ito ay ang mga bata edad 3 hanggang 11 na taong gulang. 

Dapat ba kong magalala if magkaroon ang anak ko ng Tigdas Hangin?

Hindi naman dapat ikabahala ang German Measles. Dahil maliban sa rashes at mababang lagnat, wala namang iba pang malubhang sintomas na naidudulot ang sakit na ito. 

Pero kapag dumapo ang sakit na ito sa isang sanggol na nasa sinapupunan pa lamang, maaring ipanganak ito na may congenital rubella syndrome (CRS). Sa katanuyan, kaya nga ginawa ang rubella vaccine ay para protektahan ang mga buntis laban sa impeksyong ito. 

Kaya napaka-importante para sa nagdadalantao, or sa mga gustong magdalantao na magpabakuna laban sa rubella upang masiguro na protektado ang magiging baby nila. 

Para sa mga sanggol na naipanganak na, wala naman dapat ikabahala kung tamaan man sila ng rubella. 

Paano ba ginagamot ang Tigdas Hangin?

Simple lamang ang paggamot dito. Ang mga sintomas ng rubella---rashes, lagnat---ay karaniwang nawawala matapos ang tatlong araw. Pero siguraduhin lamang na painumin ang bata ng maraming tubig. Labis na pagpapahinga din ang dapat pati na rin ang gamot na aprubado ng doctor para sa lagnat.

Para sigurado, dalhin sa doktor ang iyong anak para makasiguro na hindi ito measles o scarlet fever sapakat magkamukha ang mga sintomas nito. Mas mabuti na ring sabihan niyo ang doktor kasi baka meron palang kumakalat na impeksiyon sa inyong lugar, nang maagapan nila ito. 

Tandaan: Labis na nakakahawa ang rubella, so siguraduhing huwag na palabasin ng bahay o papasukin sa skwela ang iyong anak para iwasang makahawa ng ibang bata. 

Paano ba maiiwasan ang Tigdas Hangin?

Sa panahon ngayon, bihira na ang nagkakaroon ng rubella dahil nga sa meron nang bakuna laban dito. Ang bakuna ng rubella at karaniwang ibinibigay sa batang edad 12 hanggang 15 na buwan, at isa pa kapag nasa edad 4 at 6 taong gulang na ang bata. 

Kaya't siguraduhing mapabakunahan ang anak ninyo sa tamang panahon para lubusang maiwasan ang virus na ito. Kapag ikay' buntis, kumunsulta sa iyong doktor tungkol sa nararapat na bakuna laban sa rubella para makasigurong walang komplikasyon ang iyong pinagbubuntis. 

Source: healthline.com

Ang article na ito ay isinalin mula sa Ingles na isinulat ni Alwyn Batara.