White mens: Bakit nagkakaroon ng ganitong discharge ang babae?

White mens: Bakit nagkakaroon ng ganitong discharge ang babae?

Alamin kung ano ang white mens, mga dahilan ng pagkakaroon nito, at ang iba't ibang senyales na sinasabi sa pagkakaroon ng discharge.

Karamihan sa mga kababaihan ay nagkakaroon ng iba’t ibang discharge sa isang menstrual cycle. Ang mga iba’t ibang kulay at katangian ay nakaayon sa hormones at kung anong nangyayari sa katawan ng isang babae. Alamin kung ano ang white mens at iba pang discharge na nakukuha bago magka-period.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Sanhi ng pagkakaroon ng white mens
  • Discharge sa menstrual cycle ng babae
  • Ano ang white mens at bakit nagkakaroon nito

Ano ang white mens?

Ang white mens na nakukuha bago ang period ay kilala bilang leukorrhea. Ito ay gawa sa mga likido at cells galing sa ari ng babae. Maaari itong maging bahagyang kulay dilaw.

Ang bahagi ng menstrual cycle na lumalabas ang white mens ay ang luteal phase. Kung saan ang hormone na progesterone ay tumataas ang bilang sa katawan ng babae. Sa pagtaas ng progesterone, ang discharge ay nagiging tila sipon na malabo ang kulay.

Maaari itong gamitin bilang natural family planning strategy. Ang manipis at stretchy na discharge ay nangangahulugan na maaaring magbuntis ang babae. Sa kabila nito, ang makapal na discharge ay senyales ng infertile cervical mucus.

Ngunit dapat na tandaan na hindi 100% safe ang natural family planning. May chance pa rin mabuntis dahil matagal nabubuhay ang sperm sa loob ng katawan ng babae.

Ayon kay Dr. Gergen ng Makati Medical Center sa isang ekskusibong panayam namin sa kaniya, normal lamang ang pagkakaroon ng white mens ng isang babae. Maaari rin itong gamitin upang malaman kung fertile ka. May isang pamamaraan kung saan titignan kung gaano ka slimy ang white mens ng isang babae upang malaman kung fertile siya.

Makakatulong ito sa mga babae at na gusto nang magbuntis at magkaanak.

“Titingnan mo ‘yun eh. Kapag naging slimy, kapag nagiging parang watery ‘yun very fertile ‘yun.  ‘Yung iba nag-aano nagbebase sa basal body temperature.  Pagkagising ng umaga kukunin mo yung basal body temperature mo.” “Titingnan mo at ipa-plot mo ‘yun sa graphing paper. Kapag nagkaroon ng rise sabihin mo point 3 ibig sabihin nun mag-oovulate na”

ano ang white mens

Mga maaaring sanhi ng white mens

Ang mga iba’t ibang sanhi ng pagkakaroon ng white mens ay:

Natural na parte ng menstrual cycle

Ang pagkakaroon ng white mens bago ang period ay normal na bahagi ng menstrual cycle. Ang discharge na ito ay tinatawag din na “egg white mucus” dahil sa pagkakahawig nito sa hindi pa nalulutong puti ng itlog. Walang amoy ang discharge na ito.

Pag-inom ng birth control pills

Ang pag-inom ng birth control pills ay nakakapagpabago sa hormonal levels ng isang tao. Dahil sa mga pagbabagong ito, nagiging side-effect ang pagkakaroon ng white mens.

Pagkabuntis

Senyales ng buntis ang white mens na nailalabas bago ang period. Kahit nasasabing mas malapot ang white discharge sa buntis, mahirap suriin ang pagkakaiba ng white discharge sa buntis at discharge na natural na bahagi ng menstrual period.

Pagkakaroon ng sexually transmitted infection/disease (STI o STD)

Ang mga STI na gonorrhea at chlamydia ay kilala bilang hindi nagbibigay ng sintomas ngunit maaaring maging sanhi ng madilaw na discharge. Ang trichomonas naman ay nagiging dahilan ng pagkakaroon ng maberde o madilaw na discharge na may malansang amoy at kaakibat na pangangati.

Pagkakaroon ng yeast infection (candidiasis)

Ang pagkakaroon ng yeast infection ay maaaring mangyari nang biglaan nang walang kinikilalang sanhi. Malapot na puting discharge na nailalabas kapag mayroong yeast infection ang isang babae. Nagdadala rin ito ng pangangati at mainit na pakiramdam sa vulva.

Bacterial vaginosis

Ito ay isang impeksiyon na nakukuha kapag nagbago ang natural na balanse ng bacteria sa ari ng babae. Hindi pa malinaw ang sanhi ngunit naiuugnay sa paninigarilyo, douching, at pakikipagtalik sa iba’t ibang lalaki. May malansang amoy at grayish white ang kulay ang discharge kapag may bacterial vaginosis.

BASAHIN:

10 rasong kung bakit biglang humina ang menstruation

Discharge ng buntis: Dapat nga bang ikabahala ito?

Iba’t ibang uri ng discharge sa ari ng babae

white-mens

Ang discharge sa menstrual cycle

Ang pagkatuyo ay natural na nararamdaman 3 hanggang 4 na araw matapos ang period. Susundan ito ng 3 hanggang 5 araw na pagkakaroon ng puti, malabo, o malagkit na discharge. Ito ang tinatawag na follicular phase.

Sa ovulation, malinaw na discharge ang karaniwan maging malapot man o malabnaw. Maaaring makakita ng hanggang 30 na beses na dami ng discharge kumpara sa normal na dami na nailalabas sa araw-araw.

Ang white mens ay babalik matapos ang ovulation. Maaaring mas marami ang discharge na unti-unting kokonti hanggang sa maging malapot at madikit. Kadalasan itong tumatagal nang 11 hanggang 14 na araw.

Ang discharge bago ang period ay maaaring magkulay dilaw habang brown naman matapos ang period. Ang pagkakaroon ng spotting o brown na discharge sa panahon ng inaasahang mens ay maaaring senyales ng pagbubuntis ang white mens.

Kailan kailangan magpasuri?

white-mens

Image from Freepik

Ano pa man ang kulay o katangian ng discharge ng isang babae, ito ay nailalabas upang panatilihin ang kalusugan ng ari. Hanggang walang nararamdaman na sakit, pangangati, o pamumula, ang discharge ay masasabing normal.

Magpasuri sa doktor kapag nakakaramdam ng:

  • Sakit o pagkabalisa sa bandang ari
  • Pagpapantal o pagsusugat na walang kasamang discharge
  • Makapal at tila may buo-buo na discharge
  • Malakas o hindi maganang amoy sa ari
  • Pamumula
  • Pamamaga

Ang pagkakaroon ng pagbabago sa discharge habang sexually active ay maaaring sintomas ng sexually transmitted infection. Kapag hindi ito nagamot agad, maaaring maging sanhi ng iba pang problema sa kalusugan tulad ng pagka-baog.

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Source: Healthline

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!