Ano nga ba ang tinatawag na kulani?

lead image

Ang pamamaga ng mga lymph nodes, o mas kilala sa tawag na kulani, ay nangyayari dahil sa nalagyan ito ng bacteria o virus. Kapag ang namamagang lymph node ay nagka-impeksiyon, ito ay tinatawag na lymphadenitis. Bihira na ang kulani ay dahil sa cancer.

Ang lymph nodes at lymph glands ay importante sa paglaban ng katawan sa impeksiyon. Ito ay nagiging salaan ng mga virus at bacteria bago pa maka-impeksiyon sa ibang bahagi ng katawan. Kadalasanng makikita ang mga kulani sa bandang leeg, ilalim ng baba, sa kili-kili at bandang ari.

Sa iba, ang pagdiin ng mainit-init na tuwalya ay sapat na upang mapagaling ang kulani. May mga panahon din na kusang nawawala ang kulani. Ang paggamot naman ng lymphadenitis ay depende sa sanhi nito.

Sintomas

Ang pagkakaroon ng kulani ay isang senyales na may prublema ang isang bahagi ng katawan. Sa pagmaga ng lymph nodes, mapapansin ang:

  • Pagsakit sa lymph nodes
  • Pamamaga na kasing laki ng munggo o mas malaki pa

Maaaring may iba pang sintomas depende sa nilalabanan na impeksiyon ng katawan tulad ng:

  • Sipon, masakit na lalamunan, lagnat, o iba pang senyales ng prublema sa baga
  • Pagmaga ng lymph nodes sa maraming parte ng katawan na maaaring senyales ng impeksiyon tulad ng HIV o mononucleosis, o immune disorder tulad ng lupus o rheumatoid arthreitis.
  • Matigas na kulani na maaaring tumor
  • Lagnat
  • Pagpapawis

Kailan magpapa-konsulta sa duktor

Ang kulani ay kusang gumagaling kapag ang nilalabanan na impeksiyon nito ay gumaling na. Magpa-konsulta sa duktor kung ang kulani ay:

  • Namaga ng walang kadahilanan
  • Tuloy-tuloy ang paglaki at tumagal na nang dalawa hanggang apat na linggo
  • Matigas at hindi gumagalaw paghinahawakan
  • May kasamang lagnat, pagpapawis at pamamayat
  • May kasamang hirap sa paglunok o paghinga

Mga sanhi ng pagkakaroon ng kulani

Ang mga lymph nodes ay hiwa-hiwalay na grupo na may kanya-kanyang sinasala na parte ng katawan. Ang lokasyon ng kulani ay makakatulong upang ituro ang impeksiyon na nagiging dahilan nito. Ang pinakamadalas na sanhi ng kulani ay impeksiyon, lalo na viral infection, tulad ng sipon.

Madadalas na mga impeksiyon

  • Strep throat
  • Tigdas
  • Impeksiyon sa tenga
  • Impeksiyon sa ngipin
  • Mononucleosis
  • Impeksiyon sa balat at sugat, tulad ng cellulitis
  • Human immunodeficiency virus (HIV) - ang virus na nagiging sanhi ng AIDS

Bihirang mga impeksiyon

  • Tuberculosis
  • Ibang sexually transmitted na impeksiyon, tulad ng syphilis
  • Toxoplasmosis - Parasitic na impeksiyon na nakukuha sa pagdikit sa dumi ng pusang may impeksiyon o pagkain ng hilaw na karne.
  • Cat scratch fever - Bacterial na impeksiyon mula sa kalmot o kagat ng pusa

Sakit sa immune system

  • Lupus - Sakit na tumitira sa mga kasukasuhan, balat, bato, blood cells, puso at baga.
  • Rheumatoid arthritis - Sakit na tumitira sa tissue at pagitan ng mga buto.

Cancer

  • Lymphoma - Cancer na nagsisimula sa lymphatic system.
  • Leukemia - Cancer sa blood-forming tissue ng katawan tulad ng bone marrow at lymphatic system.
  • Iba pang cancer na kumalat na papuntang lymphatic system.
  • Maaari, ngunit bihira, maging sanhi ang pag-inom ibang gamot tulad ng anti-seizure medication phenytoin at gamot panlaban sa malaria.

 

Mga posibleng komplikasyon

Kung ang impeksiyon na sanhi ng kulani ay hindi nagamot, maaaring mangyari ang mga komplikasyon na:

  • Pagkakaroon ng nana - Ang mga nana na ito ay may laman na likido, white blood cells, patay na tissue, at bacteria. Maaaring kailanganin itong alisan ng laman at inuman ng antibiotic.
  • Bloodstream infection (bacteremia) - Ang impeksiyon dahil sa bacteria kahit saan sa katawan ay maaaring maging sepsis, isang malalang impeksiyon sa daluyan ng dugo. Kakailanganin ang pasyente nito ma-hospital at maturukan ng antibiotics.

 

Source: Mayo Clinic

Basahin: Bawal halikan si baby: Mga sakit na puwede niyang makuha

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!