X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Anteverted uterus: Nakaka-apekto ba ito sa pagbubuntis?

4 min read

Ano nga ba ang ibig sabihin ng anteverted uterus?

Ang uterus ay isang reproductive organ na may kinalaman sa buwanang menstruation, at siya ring bahay ng bata sa panahon ng pagbubuntis. Iba-iba ang hugis at laki ng uterus, pero ito ay palaging hugis peras. Sa ibaba nito ay ang cervix, at sa itaas ay ang fundus kung saan lumulugar ang fertilized egg. May 2 fallopian tubes na konektado sa obaryo, at papasok sa magkabilang bahagi ng uterus.

What anteverted means in tagalog? Ikaw ay may uterus na nakapaling paharap o nakayuko papunta sa bladder at abdomen. Karaniwan ito sa mga kababaihan, at hindi dapat ipinag-aalala. Mula pagkapanganak ay ganito na ang posisyon ng uterus ng ilang kababaihan, pero walang masama o dapat ipag-alala dito. Ang kabaligtaran nito ay ang retroverted uterus, o ang uterus na nakapaling pataas, papunta sa spine.

Bihira ang labis na pagkayuko o pagkapaling sanhi scar tissues ng isang surgery o kondisyong endometriosis. Kapag kasi may endometriosis, ang tissue na nasa uterus ay tumutubo sa labas ng organ.

anteverted uterus

Ang iba’t ibang posisyon ng uterus. Photo: Shutterstock

Paano nakikita kung mayroong anteverted uterus?

Walang sintomas ang anteverted uterus kaya’t hindi naman talaga malalaman, kundi pa titingnan at susuriin sa ultrasound. Minsan may mararamdaman na pananakit sa may pelvis, lalo kapag labis ang pagkapaling nito. May mga pagkakataon na naaapektuhan ng pagbubuntis (paglaki ng tiyan) at panganganak ang hugis at laki ng uterus, kaya mas nagiging anteverted.

Maaaring makita ito ng doktor sa pamamagitan ng pelvic exam, bukod pa sa ultrasound. Kakapain ng doktor ang vagina, ovaries, cervix, uterus, at abdomen para malaman kung may  abnormalities.

Nakakaapekto ba ang anteverted uterus sa pagbubuntis?

Anteverted uterus: Nakaka-apekto ba ito sa pagbubuntis?

Image from Freepik

Ayon kay Dr. Arsenio Meru, MD, ang posisyon at hugis o laki ng uterus ng isang babae ay walang epekto sa kakayahan ng semilya na makarating sa kinalalagyan ng itlog, maliban na lang kung labis ang pagkapaling ng uterus na mahihirapan ang fertilized egg na makapasok sa uterus.

Nakaka-apekto ba ito sa pakikipagtalik?

Wala itong anumang masamang epekto sa pakikipagtalik, kaya’t hindi dapat mabahala.

Kailangan ba itong gamutin?

Ayon pa kay Dr. Meru, hindi kailangan gamutin ang anteverted uterus dahil hindi naman ito sakit o abnormal na kondisyon. Walang dapat ikabahala kung may anteverted uterus. Normal ang sex life at pagbubuntis kahit pa meron nito. Mas nakakabahala pa ang retroverted, at nangangailangan ng surgery para maayos.

Kung may suspetsa ang doktor na nagiging sanhi ito ng pisikal na problema, saka lang ito dapat na tuluyang ikunsulta. Kung nagbubuntis, magpatingin agad sa doktor kung may nararamdamang pananakit sa likuran o sa abdominal region, at alam mong ikaw ay may anteverted uterus.

Ilang ehersisyo na makakatulong sa malusog na uterus

Anteverted uterus: Nakaka-apekto ba ito sa pagbubuntis?

Image from Freepik

Bagamat walang masamang dulot ang pagkakaro’n ng anteverted uterus, mainam na rin na mapanatiling malusog ang reproductive organs, lalo na kung nagpaplanong magbuntis. Subukan ang mga simpleng paggalaw na ito para sa malusug na uterus.

  1. Pelvis relaxation: Humiga sa sahig (may carpet o yoga mat) at i-relaks ang braso at kamay sa iyong tabi. Dahan-dahan ang paghinga (inhale, exhale) habang dahan-dahan ding itinataas ang balakang. Manatili sa posisyong ito nang hanggang 5 segundo, at huminga muli ng dahan-dahan, habang ibinababa ang balakang pabalik sa sahig. Ulitin ito ng hanggang 5 beses.
  2. Tuhod sa dibdi: Humiga sa sahig nang nakabali ang tuhod. Dahan-dahang ilapit ang isang tuhod sa dibdib. Hawakan ito para mas madali ang paglapit. Manatili sa posisyong ito ng 10-15 segundo, saka bitawan at ibalik sa naunang posisyon (nakabali ang tuhod, at nakatapak ang paa sa sahig). Gawing muli sa kabilang tuhod.
  3. Masahe: Malaki ang naitutulong ng pagmamasahe sa pananatiling malusog ang uterus, pati na rin sa pagkakaron ng regular na menstrual cycle. Nakakatulong din ito sa pagkakaron ng maayos na pagbubuntis dahil nagkakaron ng maayos na pagdaloy ng dugo sa buong katawan, pati na rin sa pagkakaron ng matibay na uterus muscles.

 

Sources:
Dr. Arsenio Meru, MD
Mayo Clinic, Meidcal News Today

Basahin: Retroverted uterus: Everything a Filipino mom needs to know

Partner Stories
Grab PH, theAsianparent Philippines to enrich parents' shopping experience on everyday essentials
Grab PH, theAsianparent Philippines to enrich parents' shopping experience on everyday essentials
Immersive podcast series tackles online sexual exploitation of children
Immersive podcast series tackles online sexual exploitation of children
Your Favorite Soymilk Drink Now Comes in a New Size, Perfect for Your Little Champs
Your Favorite Soymilk Drink Now Comes in a New Size, Perfect for Your Little Champs
First-Time To Experience Fungal Infection? #iCANestenAgad! 
First-Time To Experience Fungal Infection? #iCANestenAgad! 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Anna Santos Villar

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Matanda
  • /
  • Anteverted uterus: Nakaka-apekto ba ito sa pagbubuntis?
Share:
  • Retroverted uterus: Paano ito nakaka-apekto sa pagbubuntis?

    Retroverted uterus: Paano ito nakaka-apekto sa pagbubuntis?

  • New research presents long awaited answer to what causes PCOS

    New research presents long awaited answer to what causes PCOS

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • Retroverted uterus: Paano ito nakaka-apekto sa pagbubuntis?

    Retroverted uterus: Paano ito nakaka-apekto sa pagbubuntis?

  • New research presents long awaited answer to what causes PCOS

    New research presents long awaited answer to what causes PCOS

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.