Lalakeng nambastos ng babae, kulong dahil sa Anti-catcalling Ordinance

Dahil sa pagkakaroon ng Anti-catcalling Ordinance sa Quezon City, isang lalake ang nakulong matapos mambastos ng 22-anyos na babae.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Malaking problema ang catcalling, o pambabastos, dito sa Pilipinas. At nakakalungkot na hanggang ngayon ay marami pa ring mga kababaihan ang nagiging biktima ng ganitong klaseng pag-uugali. Kaya’t ilang lugar na ang gumawa ng Anti-catcalling Ordinance upang pigilan ang ganitong gawain.

Epektibo ang Anti-catcalling Ordinance

Nasa kulungan ngayon ang lalakeng si Jay-ar Cabases dahil sa kaniyang ginawang pambabastos sa isang babae. Ito ay matapos siyang ireklamo ng isang babae ng catcalling sa Quezon City.

Ayon sa babae, naroon raw siya sa loob ng kanilang bahay at nakikipaglaro sa kaniyang mga alagang aso nang bigla na lang siyang tinawag ni Cabases. Paulit-ulit raw siya niyong tinatawag na “beh,” at sinabi pa raw nito na sana siya na lang raw ang alaga ng babae. Bukod dito, paulit-ulit rin daw niyang hiningi ang cellphone number ng babae.

Dahil napuno na sa ginagawang pambabastos, kinompronta ng babae si Cabases. Ngunit tinanggi nito ang ginagawang pambabastos, at sinabi pang mayroon lang raw siyang kausap sa cellphone. Pinagtawanan pa raw nito ang babae nang siya ay komprontahin. Hindi rin daw alam ng suspek na bawal ang pambabastos sa Quezon City.

Ito na ang pangalawang beses na mayroong nakulong dahil sa catcalling

Dahil sa nangyaring insidente,  nagsampa ng reklamo ang biktima laban sa suspek. Malas na lang ng suspek at mayroong ordinansa sa Quezon City kung saan puwedeng makulong ang mga catcallers.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa pulisya, humingi pa raw ng sorry ang suspek sa biktima, ngunit desididong magdemanda ang biktima. Dagdag pa ng mga pulis na nakapagpyansa na raw ang suspek.

Ito na ang pangalawang beses na nagamit ang ordinansa para maipakulong ang isang catcaller sa Quezon City.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ibinahagi naman ng babae sa Facebook ang insidente, kung saan ito ay agad na nag-viral

Aniya, “Huwag niyo naman sana sabihin na “yun lang?” “Dahil doon lang ipapakulong mo?” No. Never naging mababaw o never naging “lang” ang pambabastos sa babae nor sa lalake.”

Mahalagang turuan ang mga bata na rumespeto sa mga babae

Kahit sinong magulang siguro ay hindi papayag na bastusin ng kung sinu-sino ang kanilang anak. Kaya mahalagang turuan ng mga magulang ang kanilang mga anak na rumespeto ng kapwa, lalo na ng mga babae.

Heto ang ilang mga tips para sa mga magulang upang maturuan ng respeto ang kanilang mga anak:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Turuan sila na huwag bastusin o awayin ang ibang tao
  • Para sa mga anak na lalake, ipaalam sa kanila na mali ang catcalling at ang pangungulit o pambabastos sa mga babae
  • Kapag mayroong ginawang mali ang iyong anak, tulad ng pambabastos, huwag itong pabayaan at ituro sa kanila na mali ang ganitong klaseng pag-uugali
  • Ituro sa kanila na pantay lang ang mga lalake at babae, at lahat ng tao ay dapat nilang nirerespeto

 

Source: GMA News

Basahin: Catcalling sa Metro Manila, ipinagbabawal na ng batas

Written by

Jan Alwyn Batara