APAS: Sanhi, sintomas, at lunas

lead image

Alamin kung ano ang antiphospholipid antibody syndrome o APAS, isang autoimmune disorder na nagdudulot ng pamumuo ng dugo.

Ang antiphospholipid antibody syndrome (APS o APAS) ay isang uri ng autoimmune disorder kung saan ang immune system ng katawan ay gumagawa ng antibodies na umaatake sa phospholipids, isang uri ng taba. Kung nangyayari ito, nada-damage ang cells na nagdudulot ng pamumuo ng dugo o blood clots sa ating ugat.

Karaniwan ang magkaroon ng blood clot, dahil tumutulong ito upang magsara ang maliliit na sugat o hiwa sa blood vessel walls. Ito ay paraang ng katawan upang maiwasang mawalan ng maraming dugo.

Ngunit sa APAS, maraming blood clots ang maaaring mabuo at mahaharang nito ang pagdaloy ng dugo sa importanteng parte ng ating katawan.

Ang APAS ay maaaring mauwi sa delikadong blood clots sa puso, kidneys, baga, at utak, na nakamamatay.

Sa mga buntis na may APAS, nanganganib silang makunan o mauwi sa stillbirth. Maaari ring mapaaga ang panganganak dahil sa eclampsia.

Sintomas ng APAS

Kabilang sa sintomas ng antiphospholipid syndrome ay:

  • Blood clots sa legs (deep vein thrombosis o DVT). Ang mga tanda ng DVT ay pananakit, pamamaga, at pamumula. Ang clots na ito ay maaaring umakyat sa iyong baga (pulmonary embolism).
  • Paulit-ulit na pagkalaglag o stillbirth. Ang iba pang komplikasyon sa nagbubuntis ay delikadong high blood pressure (preeclampsia) at premature delivery.
  • Stroke. Maaaring magkaroon ng stroke kahit ang bata na mayroong APAS kahit walang risk factors para sa cardiovascular diseases.
  • Transient ischemic attack (TIA). Para itong stroke. Ang TIA ay kadalasang tumatagal lamang ng ilang minuto at walang permanent damage.
  • Rash. May mga taong nagkakaroon ng mapulang rash na ang itsura ay parang lace o net.

Mayroong ding mga sintomas na hindi kasindalas makita sa pasyenteng may APAS tulad ng:

  • Neurological symptoms tulad ng palaging pagsakit ng ulo kabilang na ang migraine; ang dementia at seizures ay posible rin kung nababarahan ng blood clot ang pagdaloy ng dugo sa ibang parte ng utak
  • Cardiovascular disease. Maaaring masira ng antiphospholipid syndrome ang mga valve sa puso.
  • Pagdurugo. May ilan na bumababa ang blood cells na kailangan upang magclot ang dugo. Nagreresulta ito sa pagdurugo, partikular na sa ilong at gilagid. Maaari ring magbleed sa balat, na ang itusra ay patches o maliliit na red spots.

Kailan pupunta sa doktor?

Makipagkita sa doktor kung may:

  • Hindi maipaliwanag na pagdurugo ng ilong o gilagid
  • Hindi maipaliwanag na malakas na buwanang dalaw
  • Suka na matingkad na pula o parang coffee grounds
  • Nangingitim o matingkad na pulang dumi
  • Hindi maipaliwanag na sakit ng tiyan

Humanap ng agarang lunas kung may sintomas ng

  • Stroke. Ang clot sa utak ay maaaring magdulot ng pamamanhid, panghihina o pagka-paralisa ng mukha, braso, o binti. Maaaring mahirapan sa pagsasalita o pag-intindi dito, diperensya sa paningin, o matinding sakit ng ulo.
  • Pulmonary embolism. Kung mamuo ang dugo sa baga, maaaring mahirapan sa paghinga, sumakit ang dibdib, at sumuka ng may halong dugo.
  • Deep vein thrombosis (DVT). Pamamaga, pamumula, at pananakit ng braso o binti.

Sanhi ng APAS

Ang antibodies ay kadalasang pinoprotektahan ang ating katawan laban sa virus at bacteria. Ngunit ang APAS ay nangyayari kung ang immune system ay nagkakamali ng paggawa ng antibodies na siyang nagdaragdag ng tiyansang magkaroon ng blood clot sa katawan.

Minsan, ang sanhi ng APAS ay maaaring iba pang underlying condition tulad ng ibang autoimmune disorder, impeksyon, o partikular na gamot.  

Maaari ring magkaroon ng APAS ng walang underlying cause.

Risk Factors

  • Kasarian. Mas madalas magkaroong ng APAS ang mga babae kaysa lalake.
  • Immune system disorders. Ang pagkakaroon ng iba pang autoimmune condition tulad ng lupus o Sjogren’s syndrome, ay nakakadagdag sa tiyansa ng pagkakaroon ng APAS.
  • Impeksyon. Mas madalas ang kondisyon na ito sa may mga impeksyon tulad ng syphilis, HIV/AIDS, hepatitis C, o Lyme disease.
  • Medications. May mga gamot na nali-link sa APAS, tulad ng hydralazine para sa high blood pressure, quinidine para sa pag-regulate ng tibok ng puso, phenytoin na anti-seizure, at antibiotic na amoxicillin.
  • Family history. Mas mataas ang tiyansang magkaroon nito kung meron sa pamilya ang nagkaroon na.

Posibleng magkaroon ng antibodies na may kaugnayan sa antiphospholipid antibody syndrome ngunit hindi magkaroon ng sintomas.

Subalit, ang pagkakaroon ng antibodies na ito ay nakakataas ng tiyansang magkaroon ng blood clot lalo na kung ikaw ay:

  • Buntis
  • Naging immobile nang matagal gaya ng bed rest o pag-upo sa mahabang flight
  • Naoperahan
  • Naninigarilyo
  • Umiinom ng oral contraceptives o nag-e-estrogen therapy kung menopause
  • May mataas na levels ng cholesterol at triglycerides

Komplikasyon

Depende sa kung anong organ sa katawan ang apektao ng blood clot at gaano kalala ang bara ng dugo, maaaring mauwi sa pagkasira ng katawan o kamatayan ang antiphospholipid syndrome. Kabilang sa mga komplikasyon ay:

  • Kidney failure
  • Stroke
  • Cardiovascular problems
  • Lung problems
  • Pregnancy complications

Bagaman madalang mangyari, posibleng mauwi sa pagkasira ng multiple organs ang paulit-ulit na pamumuo ng dugo sa maikling panahon.

Lunas

Kung mayroon kang blood clots, karaniwang reresetahan ka ng blood-thinning medications, katulad ng heparin at warfarin.

Kung umiinom ng pampalabnaw ng dugo, mas mataas ang tiyansang ikaw ay duguin. Kailangang i-monitor ang dosage ng gamot batay sa blood tests upang masigurong hindi sobrang labnaw ng dugo at maaari pa itong mamuo upang mahinto ang pagdurugo ng sugat.

Lifestyle at home remedies

Maaaring baguhin ang iyong lifestyle upang maalagaan ang iyong kalusugan. Kung umiinom ng blood-thinning medications, mas lalong maging maingat upang hindi masugatan ang iyong sarili.

Bantayan din ang iyong pagkain dahil nakakaapekto ito sa bisa ng blood-thinning medications. Baka kailanganing umiwas sa mga pagkaing rich in Vitamin K.

 

Sources: Mayo Clinic, NHLBI

Basahin: Sitti recounts difficult pregnancy and birth story of first born

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!