5 rason kung bakit hindi ka pinapakinggan ni mister

lead image

Isang madalas na pinagsisimulan ng away mag-asawa ay ang hindi pakikinig ni mister sa kaniyang misis. Bakit nga ba nangyayari ito?

Isang madalas na pinagsisimulan ng away mag-asawa ay ang hindi pakikinig ni mister sa kaniyang misis. Bakit nga ba nangyayari ito?

Una sa lahat, kailangan mong maintindihan kung paano mag-isip ang mga lalaki…

“Darling, puwede ka bang dumaan sa supermarket para sa wholegrain bread at mga saging?” “Sige,” sagot ni mister. At sasabihan mo siya nang mga tatlong beses sa inyong pag-uusap, para lang sigurado.

Pero anong iuuwi niya? White bread at strawberries.

Hindi nakakagulat kung bakit ang “hindi ako pinakikinggan ng asawa ko” ay isa sa mga pangkalahatang reklamo ng maraming frustrated na misis sa buong mundo pagdating sa away mag-asawa.

Pero bakit ito nangyayari at paano natin magagawang makinig sila sa atin upang hindi humantong sa away mag-asawa?

5 Rason Kung Bakit Hindi Nakikinig si Mister Sa’yo

Tila ito ang defining factor ng maraming marriages: nagrereklamo ang mga misis na ang kanilang mga mister ay hindi nakikinig sa kanila. Na hindi sila nakikipag-usap nang maayos. Na tila ang gusto lamang ng lahat ng mga lalaki ay pakikipagtalik.

Subalit, ang psychologists na sina Marky Nemko at Robert Leahy ay nakatuklas ng ilang mga nakagugulat na impormasyon kung bakit ayaw ni mister makinig sa’yo:

1. Sagupaan ng kapangyarihan.

Kung ang isang lalaki ay likas na nangingibabaw o agresibo, at inaasahan ng kaniyang asawa na pakinggan siya habang siya ay naglalabas ng sama ng loob, posibleng tingnan niya itong isang win-lose situation.

Talo siya dahil hindi siya dapat magsalita at kailangan niyang makinig. Kung sabihin niyang wala sa katwiran si misis, sasabog ang away mag-asawa. Mananalo si misis dahil nasabi niya ang gusto niyang sabihin. Sa madaling salita, posibleng maramdaman ni mister na isa lamang siyang trapo, kaya mabuti pang huwag na siyang makialam.

2. Sumasagot si mister sa maling paraan kapag sinasabihan siyang makinig. Partikular, nang may halong pang-aasar.

Halimbawa, “Magkakaroon ka na ba?” Akala niya, siya ay nagmimistulang matalino at nakakatawa o kaya’y simpleng nagsasabi lang ng katotohanan; samantalang ang dating kay misis ay hindi siya sineseryoso at hindi maaasahan si mister kung kailangan niya ng kaluwagan ng loob at pakikinig. Ang resulta? Pagsabog ng mga emosyon at away mag-asawa.

3. Nag-aakala siyang ito ay pagtalak.

Tingnan ang halimbawang binanggit sa simula ng artikulo tungkol sa listahan ng bibilhin. Sinabi niya ang kanyang bilin nang paulit-ulit (ngunit nagkamali pa rin si mister). Para kay misis, naninigurado lang siyang naiintindihan ni mister ang dapat niyang gawin. Pero para kay mister, ang pag-uulit ng parehong bagay ay nagiging pagtalak, at hindi niya ito kaya. Kaya siya nagbabale-wala.

4. Sa palagay ni mister, hindi mabuting makibahagi sa ganitong klase ng mga usapan.

Sa madaling salita, maaaring sadyang namimili si mister kung kailan lang siya makikibahagi sa mga usapan dahil sa kung paano ka sumagot (‘ika nga ng mga lalaki, nag-over-react) dati.

5. Ang pangangailangang lumutas ng problema.

Hilig ng mga lalaki ang paglutas ng problema. Praktikal kasi sila. At saka, ang tingin ng ilang mga mister sa paglalabas ng sama ng loob at pagbabahagi ng mga emosyon ay hindi kailangan at aksaya sa oras.

Kaya, binibigyan nila ang kanilang mga asawa ng mga praktikal na solusyon. Pero kapag nagsabi si misis kay mister ng isang isyung mayroon siya, hindi siya laging nangangailangan ng solusyon. At kapag nagbigay si mister nito, nakikita ni misis na hindi siya inaalagaan at walang pakialam sa kaniya si mister. Kaya lalayo o magagalit/magiging emosyonal (o pareho) si misis, at sa huli ay magwawalang-kibo si mister.

 

 

 

 

 

 

 

Hiningi din namin ang opinyon ng tatlong mga mister kung bakit hindi sila nakikinig kay misis, o kung bakit pinipili nilang huwag makialam sa kanila paminsan.

David

Mahalagang sabihin kung ano ang tama. Pero may mga pagkakataong kailangan mong sabihin ang mga ito. At may mga pagkakataong kailangan lang niya ng makikinig, hindi ng payo. Kaya, sa pamamagitan ng hindi pagsabi kung ano ang dapat gawin, matino ang suportahan siya, lalo na kung galit si misis sa isang tao! Puwede naman kayong mag-usap nang rasyonal pagkatapos.

Harry

Ang ilang mga paksa ay pagmumulan lang ng away mag-asawa, lalo na kung nangyari na ito dati. Ang pagbalik sa sitwasyong ito ay walang mabuting kahahantungan, tulad ng paglalakad sa minefield, o pagsundot sa tigre ng patpat. Isama mo pa ang stereotipikal na pag-ayaw ng mga lalaki sa mga usapan tungkol sa mga nararamdaman at ang malinaw na sagot ay ang pag-iwas sa nakakainis na karanasang ito anuman ang mangyari. Maaaring plantsahin ng pag-uusap ang inyong relasyon sa isa’t isa, pero hindi nito laging nilulutas ang problema. At kung ang status quo ay maayos bago ang walang saysay na pagbabahagi ng damdamin, mas mainam kung tuluyan na itong hindi balikan.

Pete

Pagdating sa mga babae, tila dehado ka panigan mo man siya o hindi. Minsan, mas maigi nang huwag makialam kapag hindi maganda ang kanyang timpla. Sa silakbo ng pagkakataon, sila ay maaaring makapagbitaw ng masasakit na salita sa isa’t isa. Mas mabuting kumalma muna at huwag sumagupa kung galit ang isa. Pero minsan, ang hindi pakikibahagi ay maaari ring tingnan bilang senyales ng kawalan ng pakialam, o pagwawalang-bahala. Isa na naman itong kasalanang kailangang pagbayaran sa lalong madaling panahon. Sa tamang pagkakataon, pag-usapan ninyo ang mga bagay. Ang pagpapaubayang mabulok sa katahimikan ang mga bagay ay walang silbi kailanman.

Paano Mo Magagawang Makinig Sa’yo ang Asawa Mo?

 

  • Bigyan siya ng heads-up. Iwasan ang away mag-asawa sa pamamagitan ng pagpapaalam sa kaniyang may mahalaga kang sasabihin. Tingnan siya sa mata at ipahayag nang malinaw na kailangan ninyong mag-usap nang masinsinan.

 

  • Huwag makipagtagisan sa mga kaguluhan. Hirap ang mga lalaking mag-multi-task. Kaya kung mayroon kang importanteng kailangang sabihin kay mister, siguraduhing hindi siya abala sa kanyang paboritong palabas sa TV o internet. Sa halip, maglakad-lakad kayo o kumain sa labas—tsaka mo siya kausapin kapag nakuha mo na ang buo niyang atensyon.
  • Sabihin mo sa kanya kung ano talagang gusto mo. Dahil ang mga lalaki ay naka-programang lumutas ng problema, kung ayaw mo ng solusyon sa iyong problema, ipaalam mo, at sabihin sa kanyang gusto mo lang siyang makinig sa’yo. Pero kung totoong gusto mong lutasin ang problema, hingin mo ang kanyang opinyon at mga suhestiyon.
  • Huwag magsimula nang negatibo. Ang pagsasabi ng “Lagi mo na lang akong hindi pinakikinggan, at ‘yan ang pinakamalaking problema sa marriage natin!” bilang panimula ng usapan ay makapagpapawala lang ng kanyang gana. Sa halip, magsimula sa isang positibong pangungusap gaya ng, “May kailangan akong sabihin sa’yo tungkol sa relasyon natin at sa tingin ko, kaya natin siyang lutasin.”
  • Huwag kang umasang mababasa niya ang iyong body language o mahuhulaan niya ang gusto mong mangyari. Madalas gumamit ng facial expressions ang mga babae kapag sila ay nakikipag-usap at sa pangkalahatan, sila ay mas mapag-unawa sa mga pangangailangan at kagustuhan ng iba kahit hindi sinasabi. Sa kabilang banda, ang mga lalaki ay hindi masyadong magaling umintindi ng non-verbal emotional cues. Kaya, kung pagod ka na sa katapusan ng araw pero hindi ito pansin ni mister sa hitsura mo, natural na pabayaan ka lang niya. “Hindi mo ba nakikitang pagod ako? Kailangan pa ba kitang sabihang patulugin ang mga bata?” Oo, malamang ay kailangan mong sabihin para maiwasan ang masamang away mag-asawa.
  • Huwag lumihis sa usapan. Nagsimula kang kausapin siya kung gaano ka nasaktan nang sinabi niyang ang chicken curry ng nanay niya ay mas masarap sa luto mo (sa harap niya). Pero sa parehong pagkakataon, sinabi mo rin kung gaano ka nasaktan nang nahuli mo siyang nanonood ng porn. Huwag mong gawin ito—ito ay makakalito sa kanya. Manatili sa isang isyu at makikita mong mas makikinig siya sa’yo nang maayos.

 

 

Hangad naming makatutulong ang artikulong ito para pasayahin ang inyong relasyon at maiwasan ang away mag-asawa! Ibahagi ang iyong sariling mga payo kung paano mo magagawang makinig sa’yo ang iyong asawa.

 

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Diona Valdez

Basahin:

Gayuma: Naniniwala ka ba sa “love spell” na ito?

Beautiful couples are more likely to have girls reveals study