VIRAL! Babaeng CENOMAR Ang Request, Marriage Certificate Ang Nakuha!
Usap-usapan sa social media ang balita kung saan kumuha ng CENOMAR ang isang Pinay pero marriage certificate ang natanggap niya. Nagulat ang babae na ikinasal na raw pala siya sa isang Indian national na hindi naman niya kilala! Alamin ang kwento rito pati na rin ang paraan kung paano kumuha ng CENOMAR. / Lead Image mula sa PSAHelpline.ph
Isang nakakagulat na insidente ang nangyari kay Evelyn Ruelan, isang babaeng nag-apply para sa CENOMAR (Certificate of No Marriage). Sa halip na ang hinihinging dokumento, isang Certificate of Marriage ang kanyang natanggap—isang kasal na hindi niya alam at sa taong hindi niya kilala.
Mababasa sa artikulong ito:
- Babaeng kukuha sana ng CENOMAR nagulat na kasal na pala siya sa estranghero!
- Ano ang CENOMAR at bakit ito mahalaga?
Babae nakatanggap ng marriage certificate, nagulat na kasal na pala siya sa di niya kakilala
“Paano ako ikakasal sa taong hindi ko kakilala?” ganito ang nasambit ni Evelyn sa inilabas na report ng Saksi.
Base umano sa record, siya’y ikinasal sa isang Indian national noong 2023 sa Valenzuela, isang lugar na hindi pa niya napupuntahan. Ang CENOMAR ay mahalaga sa mga ikakasal bilang patunay na wala silang naunang kasal.
“Nang nalaman ko na kasal na ako, nagulat ako. Sabi ko, ‘Bakit? Ano ba ang nangyari, hindi naman ako ikinasal?” kwento pa ni Evelyn.
Ano ang CENOMAR at Paano Kumuha nito?
Ang CENOMAR ay isang dokumentong inisyu ng Philippine Statistics Authority (PSA) bilang ebidensya na ang isang tao ay walang rekord ng kasal. Kadalasang kinakailangan ito para sa pagpapakasal, aplikasyon ng visa, o iba pang legal na layunin.
Narito ang mga hakbang upang makakuha nito:
- Pumunta sa PSA o mag-apply online. Bisitahin ang opisyal na website ng PSA o pumunta sa pinakamalapit na tanggapan.
- Mag-fill out ng application form. Ilagay ang tamang impormasyon gaya ng buong pangalan, petsa ng kapanganakan, at iba pa.
- Bayaran ang processing fee. Ang karaniwang bayad ay nasa ₱210 (sa opisina) o higit pa para sa online requests.
- Hintayin ang dokumento. Maaaring i-deliver ito sa iyong address o kunin sa tanggapan ng PSA.
Bakit Mahalaga ang CENOMAR?
Ang CENOMAR ay mahalaga lalo na para sa mga ikakasal, dahil nagsisilbi itong patunay ng kalayaan sa anumang naunang kasal. Tinatanggal nito ang mga legal na komplikasyon sa hinaharap. Sa kaso ni Evelyn, ipinakita kung paano maaaring maging komplikado ang proseso kung may maling rekord.
Kung makakaranas ng ganitong sitwasyon, agad na makipag-ugnayan sa PSA para maitama ang dokumento at maiwasan ang aberya.
Arceo, T. (2024, November 21). Babaeng kukuha ng CENOMAR, marriage certificate ang natanggap. Bandera. Retrieved from https://bandera.inquirer.net