Sa 5,223 na positibo sa COVID-19 sa Pilipinas, 11 ang sanggol at 1 na ang patay
Pinakabatang biktima ng COVID-19, isang 10-day old na sanggol sa Batangas.
Babies COVID 19 positive in the Philippines: Sanggol na positibo sa COVID-19 umabot na sa 11. Isa sa mga nag-positibong sanggol nasawi na ng dahil sa sakit.
Babies COVID 19 positive in the Philippines
Sa kasalukuyan, base sa datos mula sa Department of Health mayroon ng naitalang 5,223 positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. Limampu sa bilang na ito ay mga batang edad sampung taong gulang pababa. Habang 11 sa mga ito ay sanggol o wala pang isang taong gulang. At ang nakakalungkot na balita, isa sa 11 na sanggol ang nasawi na dahil sa sakit nito lamang April 5.
Ang sanggol na nasawi ay isang lalaki mula sa Brgy. Lodlod, Lipa Batangas. Base sa pahayag ni Lipa City Mayor Eric Africa 23 days old ng namatay ang sanggol. Nalamang siya ay nagpositibo sa sakit ilang araw matapos siyang masawi.
Age | Confirmed Cases | Death | Recovered | Currently Admitted/For Validation |
0 | 11 | 1 | 1 | 9 |
1-2 | 8 | 0 | 1 | 7 |
3-5 | 13 | 0 | 2 | 11 |
6-10 | 18 | 1 | 1 | 16 |
Total |
50 |
Data from DOH
Ayon naman kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang sanggol ay ang pinakabatang naitalang nasawi dahil sa sakit dito sa Pilipinas. Dinala umano ito sa ospital matapos makaranas ng hirap sa paghinga at na-diagnosed na may pneumonia.
Namatay ang sanggol dahil sa sepsis na dulot ng severe respiratory infection.
Samantala, base naman sa pinaka-latest na Facebook post ni Lipa Mayor Eric Africa nitong Lunes, isang sanggol na naman ang nag-positibo sa sakit mula sa kanilang lungsod. Ngayon ito ay isang, 10-day old na sanggol na babae mula sa Brgy. Tipakan. Dumaan narin sa COVID-testing ang ina ng sanggol na lumabas na negatibo sa sakit.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na dagdag na detalye tungkol sa kondisyon ng nasabing sanggol.
COVID-19 sa baby
Nauna ng sinabi ng WHO at CDC na mababa ang tiyansa na maipasa ng isang babaeng buntis ang sakit sa kaniyang sanggol habang ito ay kaniyang ipinagbubuntis o ipinapanganak. Dahil base sa mga pag-aaral na isinagawa sa mga babaeng buntis na nag-positibo sa sakit ay hindi makikita sa kanilang amniotic fluid o breastmilk ang COVID-19 virus. Habang mataas naman ang tiyansang mahawa sila sa virus sa kanilang pagkapaanak sa pamamagitan ng pagkakaroon ng contact ng taong infected ng sakit.
Sinuportahan nga ito ng resulta ng isang pag-aaral na ginawa ng mga doktor sa China. Ayon sa pag-aaral na inilathala sa Journal of the American Medical Association o JAMA, lahat ng siyam na sanggol na sumailalim sa kanilang pag-aaral ay na positibbo sa sakit ang nahawa mula sa isang kaanak na na-infect ng virus.
Paano sila mapoproteksyonan mula sa COVID-19
Kaya naman ayon kay Dr. Aaron Milstone, pediatrician sa Johns Hopkins Children’s Medical Center, dahil sa ang sakit ay naihahawa sa pamamagitan ng air droplets, ang unang paraan upang ma-proteksyonan sila mula rito ay ang iiwas muna sila sa matataong lugar at sa mga taong may sakit.
Samantala ayon naman sa pediatrician na si Dr. Gel Suderio-Maala upang maiwasan ang COVID-19 sa mga sanggol, dapat lahat ng tao sa paligid niya ay nag-papractice ng proper hygiene at nagpapalakas ng immune system.
“I highly advice everyone to practice proper hand hygiene and cough etiquette, avoid close contact with people who has respiratory symptoms and boost the immune system.”
Ito ang pahayag ni Dr. Gel. Dagdag pa niya, dapat na munang iwasan na halikan si baby. Dahil maraming germs at viruses na kumakapit sa katawan nating mga adult na para sa atin ay harmless. Pero para kay baby ay delikado at hindi na kayang labanan ng mahina pa niyang katawan.
Hinihikayat niya rin ang lahat na bago hawakan ang mga sanggol ay siguraduhing maghuhugas muna ng kamay. O kaya naman ay gagamit ng 70% alcohol sa oras na hindi available ang tubig at sabon.
Sintomas ng COVID-19 sa baby at sa mga bata
Ayon parin kay Dr. Gel ang sintomas ng COVID-19 sa baby at sintomas ng COVID-19 sa bata ay tulad lang din sa mga matatanda. Ilan nga sa palatandaan nito ay ang pagkakaroon ng ubo, sipon, lagnat at hirap sa paghinga. Kaya naman sa oras na mapansin na ang iyong baby ay nagpapakita ng nasabing sintomas, mabuting dalhin na agad siya sa doktor. Upang siya ay matingnan at malaman kung positibo ba siya sa sakit. Dahil kung mapabayaan ang sakit ay maaring magpahirap sa mahina pang katawan ng iyong anak.
Sa ngayon, April 15, 2020 as of 3:17 pm may 5,223 positibong kaso na ng sakit sa bansa. Nasa 335 sa mga ito ang nasawi na dahil sa sakit at 295 na ang naka-recover.
Source:
The Philippine Star, Rappler, Hopkins Medicine, World Meters
Basahin:
COVID-19 sa Pilipinas maaring tumagal hanggang January 2021?
- COVID-19 sa Pilipinas maaring tumagal hanggang January 2021?
- Hospital bill ng isang COVID-19 patient umabot ng 3.8M
- Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."
- Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."