Anak ni Isabelle Daza na si Baltie, bininyagan sa France

Anak ni Isabelle Daza na si Baltie, bininyagan sa France

Ibinahagi ng aktres at kaniyang asawa ang mga larawan ng binyag ni Baby Baltie na ginanap sa France upang makasama ang kanilang mga kamag-anak.

Ang anak ng mag-asawang si Isabelle Daza at Adrien Semblat na si Baby Baltie ay nabinyagan na. Nangyari ang binyagan sa France, kung saan nakatira ang mga kamag-anak ni Adrien.

Dagdag pa ni Isabelle, gusto raw niyang sa France binyagan si Baby Baltie "to share milestones with his French family."

At kitang-kita naman sa mga larawan na inupload nila sa social media, mukhang tuwang tuwa ang pamilya ni Adrien kay Baltie!

Baby Baltie, bininyagan sa France

Isa nang Kristiyano si Baltie matapos siyang binyagan noong December 23. Ito ay halos 8 buwan matapos siyang ipanganak noong April 1. Naganap ang binyagan sa isang simbahan sa Alsace, France.

At siyempre, nagkaroon ng salo-salo ang kanilang pamilya, kung saan kitang-kitang busy sa pagkain si Baltie.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Adrien Semblat (@adriensemblat) on

 

Siyempre, nagbahagi rin ng mga larawan sa social media ang mga tito at tita ni Baltie.

Heto ang kaniyang tita:

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Marine Sbt (@marine_semblat) on

 

At ito naman ang tito ni Baltie:

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Semblat Hugo (@hugosemblat) on

 

Kasama rin daw ni Isabelle ang ina niyang si Gloria Diaz, partner nitong si Mike de Jesus, at mga kapatid na si Ava at Raphael. 

Sama-sama silang nagdiwang ng Pasko sa France.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by isabelledaza (@isabelledaza) on

 

 

Source: ABS-CBN News

Basahin: Isabelle Daza shares a photo of her newborn baby boy!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner