X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

3-buwang sanggol patay matapos maiwan sa baby bouncer

3 min read
3-buwang sanggol patay matapos maiwan sa baby bouncer3-buwang sanggol patay matapos maiwan sa baby bouncer

Nagising na lang ang isang ina na wala nang malay ang kaniyang anak, matapos niya itong maiwan na nakaupo sa baby bouncer.

Mahalaga sa mga magulang ang palaging bantayan ang kanilang sanggol, at siguraduhing ligtas ang kanilang anak. Ngunit may mga pagkakataon na dahil sa matinding pagod, o kaya panandaliang kawalan ng atensyon, ay nakakaligtaan ng mga magulang ang kanilang anak. Para sa isang ina, ito ang naging dahilan upang mamatay ang kaniyang anak nang maiwan ito sa isang baby bouncer.

Paano siya namatay sa baby bouncer?

Ayon sa inang si Danielle Jones, marami raw siyang lakad ng araw na namatay ang kaniyang anak. Kasama raw niya ang kaniyang ina at mga kapatid dahil sila ay namili ng mga pangregalo. Dahil sa tindi ng pagod, nakatulog si Danielle sa kanilang sofa.

Nagising siya ng bandang alas-4 ng umaga, at sinilip ang kaniyang anak na si Leia Mae, na nasa baby bouncer. Ngunit pagtingin niya sa bata, wala na itong malay at tila hindi humihinga.

Dali-dali niyang sinubukang i-resuscitate ang bata, at tinawagan kaagad ang mga paramedic upang masagip ang anak. Ngunit sa kasamaang palad, namatay na ang sanggol.

Namatay raw si Leia Mae sa kaniyang baby bouncer dahil sa kakulangan ng hangin. Ito ay dahil hindi maganda sa mga bata ang maiwan ng matagal na nakaupo sa ganitong klaseng upuan. Nahihirapan sila ditong huminga, at posible nilang ikamatay kapag napabayaan.

Dahil sa nangyari, matindi ang pagsisisi ni Danielle. Aniya, parang masamang panaginip raw ang nangyari, at inakala niyang magigising siya dito. Ngunit mas mapait ang katotohanan, at patay na ang kaniyang pinakamamahal na anak.

Nananawagan rin siya sa ibang mga magulang na huwag pabayaan ang kanilang mga anak.

Sa crib lamang dapat matulog ang mga sanggol

Bagama't ligtas gumamit ng mga baby bouncer o baby swing sa mga sanggol, hindi nito ibig sabihin na dapat silang matulog dito. Ginawa ang mga ito upang upuan ng mga sanggol, at hinding-hindi dapat hinahayaang umupo ng matagal ang mga bata dito. Lalo na kung hindi sila nababantayan.

Hangga't maaari, dapat ay palaging binabantayan ang mga sanggol. Ito ay upang masigurado ng mga magulang ang kaligtasan ng bata, at kung may mangyari mang masama ay masasagip nila agad ang bata.

Kung magpapatulog ng sanggol, siguraduhing sa crib natutulog ang bata, at hindi sa kama, sa upuan, sa sofa, o sa iba pang lugar. Ang mga crib ay sadyang nakadisenyo para maging ligtas sa mga bata kaya't ito ang pinakamainam na lugar na kanilang puwedeng tulugan.

Tandaan, palaging isaalang-alang ang kaligtasan ng iyong anak. Kahit pagod ka man, mahalagang isipin ang kapakanan ng iyong sanggol, lalo na at sa iyo pa sila nakasalalay habang sanggol sila.

 

Source: Mamamia

Basahin: Sanggol patay matapos mahawa sa sakit na meningitis

Partner Stories
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 3-buwang sanggol patay matapos maiwan sa baby bouncer
Share:
  • Best baby bouncer in the Philippines: sulit at matibay na brands

    Best baby bouncer in the Philippines: sulit at matibay na brands

  • What moms and dads need to know about lactose intolerance in babies

    What moms and dads need to know about lactose intolerance in babies

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

    REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

app info
get app banner
  • Best baby bouncer in the Philippines: sulit at matibay na brands

    Best baby bouncer in the Philippines: sulit at matibay na brands

  • What moms and dads need to know about lactose intolerance in babies

    What moms and dads need to know about lactose intolerance in babies

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

    REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.