Hirap bang maghanap ng baby milk bottle na hiyang sa inyong little? Tingnan at sagutin ang quiz na ito para tukuyin ang tamang baby bottle para sa iyong chikiting!
Lahat naman ng parents gustong-gusto nakikita na healthy and happy ang mga anak. Of course, unang paraan para ma-achieve ito ng mommies and daddies ay mabigyan si baby ng tamang feeding techniques. Sa ganitong paraan ay tuloy-tuloy ang absorption ng nutrients.
Unang maiisip mo diyan for sure, ay ang baby milk bottle na dapat ginagamit. Kung ikaw man ay nagpapabreastfeed o hindi, ito ang dapat pangunahing inuuna sa shopping list. Hindi naman kasi talagang madaling makahanap ng best baby feeding bottle brands in the Philippines.
Para hindi na mastress ang mga magulang, we listed down the best of the best baby feeding bottle brands na mabibili mo online!
TANDAAN: BREASTFEEDING is still best for babies up to 2-3 years old. Ayon sa rekomendasyon ng mga eksperto, pagsapit ng dalawa hanggang apat na linggo ng isang sanggol, maaari nang ipakilala sa kaniya ang baby bottle. Ngunit kung may pagdududa, agad na komunsulta sa iyong pediatrician para sa tamang feeding session kay baby.
Baby feeding bottle brands sa Philippines you can easily buy online! | Image grabbed from Unsplash
Bakit may babies na nagbobottle feed?
Malamang you heard it once: breast milk ang pinakamainam na source of nutrition para kay baby. Nakalulungkot nga lang, maraming pagkakataon na hindi maaaring gawin ito dahil sa iba’t ibang rason.
Mayroon kasing mommies na may mababang supply ng milk sa kanilang katawan kaya nauuwi na lamang sa bottle feeding. Kadalasang nangyayari ito sa mga working mom. Isa pang halimbawa ay ang mga working moms. Isang alternative ang bottle feeding para sa mga breastfeeding infants sapagka’t kailangan nila kumain evert 2-3 hours. Ang mga formula-fed babies ay mas madalang na kumain kumpara sa breastfed babies dahil mas matagal i-digest ang baby formula kumpara sa mother’s milk.
Sa kabilang dako, ang bottle feeding ay isa ring pagkakataon para sa iyong family na pakainin ang inyong anak. Nabibigyan nito ng chance ang iba pang family member na ma-experience ang pagpapakain sa iyong baby.
Hindi lahat ng baby milk bottles ay pare-pareho kaya nga gaya ng nabanggit, napakahirap mamili nito. At the same time, bawa’t bata ay may kanya-kanyang paraan ng pag-adapt at pagtanggap sa pagbabagong ito mula sa breastfeeding. Kaya ganun na lang kahalaga ang pagpili ng tamang baby bottle.
Para matulungan kayo sa inyong research sa pinakamagandang baby milk bottle, tiningnan namin ang iba’t ibang baby feeding bottles brands in the Philippines.
Hinanap na rin namain ang best bottle for breastfed baby who refuses bottle para less hassle sa iyo. Sinuri rin namin ang mga katangian na dapat mong tingnan sa pagpili.
Baby feeding bottle advice for parents
Bottle feeding, gaya ng breastfeeding ay way para maging stronger ang bond ng parent sa kanyang supling. Mas nararamdaman kasi ng bata ang security kung ito ay binibigay ng mga taong kinasanayan na niya.
Kung ikaw ay first time mom or dad, siguro sa ngayon busy ka kakahanap ng tips and advice para sa pagpapabottle feed ng bata. Ito ang ilan sa mga bagay na maaari mong subukan:
- Pumwesto sa pinaka comfortable na lugar at paraan upang pareho kayong hindi mahirapan ni baby.
- Maaaring tignan sa mata ang bata habang kinakausap din sa pagpapadede.
- Suportahan ang kanilang ulo para makahinga at makalunok sa wastong paraan.
- I-brush ang teat sa kanilang bibig, kung bubuka ito siya ay nagugutom o gusto anng dumede.
- Bigyan ng mahaba at tamang time ang baby sa pagdedede.
- Huwag na huwag iiwanan ang bata na umiinom mag-isa dahil maaaring maging sanhi ito ng disgrasya tulad ng choking.
- Panatalihing horizontal lamang ang feeding bottle para dahan-dahan lamang ang pasok ng gatas sa kanyang lalamunan.
- Sundin ang lead ng baby kung gaano karami o kaunti lamang ang gusto niyan inumin, huwag din siyan pilitin.
- Dahan-dahang i-rub ang likod ng bata para makadighay at mabawasan ang hangin sa kanyang tiyan.
- Itapon kaagad ang mga gamit o napagpanisan nang gatas para hindi aksidenteng mapainom sa iyong baby.
Paano dapat ang tamang pagpili ng milk bottle for your baby?
Maraming bagay ang kailangang matandaan para sa pagpili ng best baby feeding bottle brands. Bawat brand kasi ay may kanya-kanyang style kung paano nila ihahighlight ang kanilang products. Bawat isa rin ay may taglay na unique quality para lang mapili mo ang kanilang tinitinda.
Huwag kayong ma-overwhelm dito mommies and daddies. Dapat maalam ka kung paano at ano-ano ang mga bagay na magandang tandaan kung bumibili na ng baby bottle. Inilista namin ang ilan sa characteristics na dapat hinahanap mo sa pagpurchase ng feeding bottle for your baby. Ika nga: knowledge is power!
How can you know if the baby milk bottle you bought is good for your kid? Check it out here! | Image grabbed from Unsplash
Alamin kung saan gawa ang feeding bottle
Safety ang number one priority ng parents when it comes to their kids, kaya importante talaga malaman ang material ng bottle. Unang siguraduhin na safe para kay baby ang materyales na ginamit sa paggawa nito. Dapat ay walang nakalagya dito na hindi angkop para sa mga bata na maaaring maglagay sa kanila sa kapahamakan. Kinakailangan na BPA-free ang mga bote ng bata.
Marami na rin ang nagsulputang uri ng baby bottles. Mayroong gawa sa glass, plastic, stainless steel, o kaya naman silicone. Mainam na alamin kung ano ang most suitable para sa iyong little one.
Pumili ng simple at useful na design
Syempre, mainam din i-consider kung paano ba ito magagamit ni baby. Maaaring pumili ng magagandang design pero dapat ay hindi ito nakakaabala sa kanyang feeding time.
Hanapin ang milk bottles na madaling mahawakan gamit ang little hands ni baby. Tignan din din ang flow ng gatas mula sa nipple kung madali lang ba itong masisipsip ng bata. Iwasang bumili ng maraming masyadong nakalagay dahil maaari pa itong pagmulan ng ilang aksidente.
Dahil nga inuuna natin ang safety for baby, kapag nakabili na ng feeding bottle niya for sure lilinisin itp from time to time. Mahalagang sterilized at nahugasang mabuti ang dede ng bata. Kaya nga dapat ay mamili ka ng bote na easy to wash dahil makaksave ito ng time and effort sa iyo.
Tignan din kung maaari ba itong ilagay sa UV sterilizer.
Magkano ang inaabot na presyo
Maraming parents ang tight sa budget, kaya unang kinokonsidera ito kung minsan. Humanap ng affordable at budget-friendly na bottles out there. Maraming milk bottle diyan na mababa ang presyo pero for sure hindi naman tinipid sa quality.
Bagamat naghahanap ng mababang price, iwasan din namang maisaalang-alang ang safety ng bata.
Nipple Size ng Milk Bottle
Kapag pipili ka ng milk bottle para sa iyong anak, importante na malaman mo ang iba’t ibang nipple sizes dahil may iba’t ibang rate ng milk flow ang mga ito. Dito mo rin malalaman kung ano ang pinaka-fit for your kid.
Ang flow ay kung gaano kabilis o gaano kabagal lumabas ang gatas at nakadepende ito sa laki ng butas ng nipple. Mayroong classification ang nipples para sa baby bottles base sa stages ng flow.
Ang mga bagong silang pa lang na sanggol ay dapat gumamit ng newborn at slow flow nipples. Sa mga panahong ito hindi pa gaanong marunong uminom ng gatas ang bata at napakaliit pa ng kanyang bibig. Importanteng hindi masyadong mabilis ang flow ng gatas sa kanyang lalamunan para hindi siya mabilaukan o mapuno ng gatas sa bibig.
Para sa mga older babies naman, dapat silang gumamit ng faster flow nipples dahil kaya na nila i-kontrol ang daloy ng milk flow.
Narito ang iba’t ibang stages ng mga nipples:
- Stage 1 nipples – Ang mga bagong panganak na sanggol ay gumagamit ng Stage 1 slow flow nipples na naka-disenyo upang may gentle distribution ng milk habang umiinom ang bata.
- Stage 2 nipples – Maari nang gumamit ng Stage 2 nipples ang sanggol pagkaraan ng ilang buwan dahil kaya na nila ang mas mabilis at mas mabigat na daloy ng gatas. May mga baby na pwedeng gumamit ng Stage 2 nipples hanggang sa lumaki sila.
- Stage 3 nipples – Kapag ang 6-month-old baby ninyo ay masyadong madiin gumamit ng Stage 2 nipples, mas mainam na lumipat na siya sa Stage 3.
Types of Nipples
May iba’t ibang uri ng nipples batay sa hugis, laki, at uses. May mga kondisyon ang inyong anak na maaaring mapabuti dahil sa disenyo ng mga nipples kaya mainam na pag-isipang mabuti ang pagpili ng nipples na gagamitin para sa milk bottles nila.
Mommies and daddies, alam niyo ba na mayroong iba’t ibang uri ng nipples na dapat chinecheck para sa best feeding time ni baby? | Image grabbed from iStock
Narito ang mga posibleng disenyo ng mga nipples na maaaring pagpilian:
- Traditional nipples – Gaya sa tawag dito, ito ang mga nakasanayan na mga latex nipples na bell-shaped. Siguro ay minsan mo na rin itong nagamit noon.
- Orthodontic nipples – May bulbous top ito na parang itsurang hourglass at flat base. Nabibigyang suporta ng disenyong ito ang developing palate at jaw ni baby.
- Flat topped nipples – May malawak itong base at mas flat na anyo kaya malapit ang itsura niya sa breast ng isang ina.
- Anti-vacuum nipples – May espesyal na disenyo ito para mabawasan ang chance na magkaroon ng gassiness o colic symptoms ang inyong baby. Mayroon itong venting system para ilayo ang air bubbles at hindi magkaroon ng vacuum o bubble buildup sa milk bottle.
- Multi-flow nipples – Adjustable ang disenyo nito kaya pwede mong baguhin ang positioning ng nipple para i-kontrol ang daloy ng gatas.
- Disposable nipples – Ito ay individually wrapped nipples na madaling linisin at hindi na dapat gamitin muli.
Best baby feeding bottle brands in the Philippines
8 best baby feeding bottles
| Mamas Choice Anti-Colic Bottle | | View Details | Buy from Shopee |
| Philips Avent Natural Feeding Bottle Best easy-to-hold baby bottle | | View Details | Buy from Shopee |
| Comotomo Silicone_Baby Bottle Best baby bottle for mimicking natural breastfeeding | | View Details | Buy from Shopee |
| Dr. Brown's Options Wide Neck Bottle Best baby bottle for long-term use | | View Details | Buy from Shopee |
| Tommee Tippee Advanced Anti-Colic Blue Bottle Best baby bottle to monitor temperature | | View Details | Buy from Shopee |
| Medela Breast Milk_Bottle Best baby bottle for multipurpose use | | View Details | Buy from Shopee |
| Pigeon Anti-Colic Feeding Bottle Most Budget-Friendly | | View Details | Buy Now |
| Hegen Feeding Bottle Baby Best easy-to-use baby bottle | | View Details | Buy from Shopee |
Best overall choice
Bakit maganda ito?
Ang Mama’s Choice Anti-Colic Bottle ay swak sa mga mamas na nangangailangan ng bottles na makakatulong sa pag-iwas ng colic. Bukod sa malambot nitong body na madaling hawakan at makakatulong sa pag-develop ng motor skills, meron din itong removable handles. Kapag malaki na ang baby mo, maaari mo lamang ito ikabit para ma-train siyang humawak ng sarili niyang bote.
Available ito sa dalawang kulay – cyan at yelllow.
Features na gusto namin dito
- Materials used
- Ang Mama’s Choice Anti-Colic Bottle ay gawa sa 100% food grade silicone. Ang material na ito ay safe up to temperatures na umaabot ng 200C.
- Design
- Mayroon itong off-centered teat na nakakatulong maiwasan ang pag-choke ni baby. Hindi na kailangan i-tilt masyado ang bote para makadede si baby. Ang nipple ay mayron ding spiral design na nakakatulong sa maayos na pag-latch.
- Gaano kadaling linisin
- Hindi problema ang paglinis o di kaya pagsalin ng gatas sa boteng ito dahil mayron itong wide neck. Kahit ang detachable handle ay stress-free linisin.
Best easy-to-hold baby bottle
Bakit maganda ito?
Pasok ito sa criteria para sa simple design at madaling magamit ni baby. Kung nais mong maturuan siya kung paano hawakan ang baby bottle habang maaga pa, mukhang ito na nga ang para sa iyo.
Ang pinakagusto namin sa Philips Avent Natural Feeding Bottle ay ang wide selection nito ng mga nipples o teats kaya pwede ang baby bottle for newborn. Idinisenyo ito para makapagbigay ng tamang halaga ng gatas para dumaloy sa nipple na tama para sa developmental age ni baby. Mae-enjoy mo ang pagpili base sa kung ano ang pinaka-fit at swak sa kailangan ni baby.
Features na gusto namin dito
- Materials used
- Ang Philips Avent Natural bottle ay gawa sa BPA-free material (polypropylene). Isa itong plastic bottle. Kaya talaga namang safe para sa mga bata.
- Design
- Mayroon itong tinatawag nilang comfort petals at natural nipple shape na siyang nagpapadali ng pag-latch ni baby sa bottle kaya pwedeng pagsabayin ang breast- at bottle-feeding. Ergonomic din ang shape nito kaya madaling hawakan kahit ng mga maliit na kamay ni baby. Talaga namang enjoy na enjoy ang feeding time.
- Gaano kadaling linisin
- Dahil wide neck ito, madali itong lagyan ng gatas at ganun din kadaling linisin. Kaunti rin lang ang parts nito kaya mabilis itong i-assemble. Hindi ka na madadagdagan pa ng stress sa paglilinis sa labas at loob ng bottle.
Best baby bottle for mimicking natural breastfeeding
Bakit maganda ito?
Madalas bang umiyak si baby sa tuwing nararamdaman niyang hindi siya direktang dumeded sa iyo? I-add to cart na ang Comotomo Silicone Baby Bottle (Set of 2) sa iyong shopping cart.
Idinisenyo ito para gayahing mabuti ang natural breastfeeding. Kumbaga hindi na mahahalata ng baby kung sa iyo ba siya dumedede. Mainam ito para sa working moms o busy para 24 hours na matutukan ang anak na mapakain.
Ayon sa mga members ng theAsianparent community na gumagamit nito, gustong-gusto ng mga babies nilang hawakan ang skin-like, malambot, at squeezable na bottle na ito.
Magugustuhan din ng mga magulang na wide-neck ang design nito kaya madaling linisin. Mayroon din itong dual vents na nagpe-prevent ng colic at nakakaiwas sa leaks.
Features na gusto namin dito
- Materials used
- Gawa ito sa hygienic silicone material kaya hindi mo kailangan mag-alala sa toxic chemicals. Ito rin ang pinakamalaking advantage nito sapagkat tila skin ito kaya madaling mag-adapt si baby. Kaya naman panatag ka na when it comes to safety.
- Design
- Sinasabing ito umano ay y “breastfeeding in a bottle". Idinisenyo ito na may wide mound at naturally shaped nipple para tulungan ang iyong little one makadede nang maigi.
- Gaano kadaling linisin
- Ang Comotomo ay nagpi-feature ng wide opening na madaling linisin ito gamit ang kamay. Bukod pa riyan, heat-resistant ito kaya pwedeng ilagay sa dishwasher, kumukulong tubig, sterilizer, at microwave. Talaga namang sigurado ang safety ni baby.
Best baby bottle for long-term use
Bakit maganda ito?
Malamang naghahanap ka ng pangmatagalang gamitan na baby bottle! Hindi nga lang sa nakakatipid ka kundi less hassle rin sa pamimili pa ng bago. Kaya nga ang recommended naming product for you ay ang Dr. Brown’s options+ Wide Neck Baby Bottle.
Ang maganda pa dito madali rin itong lagyan ng gatas kaya mabilis ihanda ang sunod na feeding ni baby. Bukod pa riyan, gumagamit ang Dr. Brown’s ng patented 2-piece internal vent system kaya pwedeng hindi na palitan ang bote at ang nipple lang ang baguhin habang nagde-develop ang feeding ni baby.
Features na gusto namin dito
- Materials used
- Hindi ka mag-aalala kapag gamit ito ni baby dahil ito ay BPA-fee. Less toxic na materials.
- Design
- Dahil sa Advanced Comfort nipple at wide neck design nito, madali itong hawakan ni baby habang siya ay dumedede. Designed din ang wide nipple nito gaya ng hugis ng breast ng nanay para siguradong natural latch ang gagawin ni baby.
- Gaano kadaling linisin
- Wide neck ito so madali at mabilis lang itong linisin. Compatible din para sa sterilizer. So check na kaagad when it comes to cleanliness.
Presyo: P799 para sa Dr. Brown’s Options+ Wide-Neck Feeding Bottle 150ml
Best baby bottle to monitor temperature
Bakit maganda ito?
Hanap mo naman ay iyong best for monitoring temperature? Nariyan ang Tommee Tippee Advanced Anti-Colic Blue Bottle
Kabilang ang boteng ito sa aming listahan ng best baby feeding bottles brands in the Philippines dahil ito ay anti-colic. Mayroon itong 100% vacuum-free vents kaya ito anti-colic.
Features na gusto namin dito
- Materials used
- BPA-free din ito para sa iyong peace of mind.
- Design
- Ang strength ng brand na ito ay ang kanilang anti-colic features. Mayroon itong 100% vacuum-free vents na clinically proven na nakakabawas ng colic, spit-up, at burping dahil sa excessive gas.
- Ang nipple din nito ay engineered para hindi pabago-bago ang nipple flow sa mga same-level nipples. Makakasigurado kang consistent at natural ito para kay baby.
- Gaano kadaling linisin
- Dishwasher-safe ito para madaling i-sterilize.
Best baby bottle for multipurpose use
Bakit maganda ito?
Not just one, but Medela Breast Milk Bottle has many purposes. Saan ka pa? Talagang deserved na maipasok sa ating list.
Kilala ang brand na Medela para sa kanilang breast pumps at mga produktong may kinalaman sa breastfeeding. Para sa breastfeeding nanay na nais din mag-feed kay baby gamit ang bottle, makakatulong ito.
Compatible ito bilang isang baby milk bottle. Hindi na kailangan ng iba pang bottle from pumping at feeding kay baby.
Features na gusto namin dito
- Materials used
- Gawa ito sa plastic na walang BPA.
- Design
- Ang bottle na ito ay may kasamang nipple at cap kapag binili mo. Kaya madaling lumipat mula sa pag-pump at pag-bottle feed ni baby.
- Gaano kadaling linisin
Best anti-colic baby bottle
Bakit magugustuhan mo ito?
Nagkakaroon ng colic ang sanggol dahil sa iba’t ibang dahilan na karaniwang nanggaling sa digestive system nito. Para maiwasan an ito sa tulong ng dede, subukan ang Pigeon Wide-Neck PPSU Feeding Bottle.
Inirerekomenda din ito para sa mga babies na lumilipat sa bote mula sa breastfeeding dahil may kasama itong SoftTouch Peristaltic Plus Nipple na sinasabing tila nipple ng ina. Nakakatulong ito sa boob-to-bottle transition.
Features na gusto namin dito
- Materials used
- Gawa ito sa Polyphenylsulfone (PPSU) material na matibay at may high-heat resistance. BPA-free din ito.
- Design
- Ang curved bottle nito ay madaling hawakan. Ang AVS ay nakakatulong din para makaiwas si baby sa colic.
- Gaano kadaling linisin
- Wide neck din ito kaya madaling linisin.
Best easy-to-use baby bottle
Bakit maganda ito?
Kung hindi na talaga gusto ng hassle pa, dito ka na sa Hegen PCTO Feeding Bottle PPSU.
Ang bottle na ito ang siyang nag-iisang brand na walang screw threads kaya madali itong buksan at isara kaya mas konting effort ang kailangan sa paghahanda ng bote.
Magugustuhan mo rin ito para sa kaniyang all-in-one bottle na may interchangeable parts gaya ng pumps, storage lids at kung anu-ano pa. Dahil sa mga ito, kabilang ang Hegen sa mga best baby feeding bottles brands in the Philippines.
Features na gusto namin dito
- Materials used
- Ito ay gawa sa PSU range na mula sa materyales na FDA compliant food-contact grade at NSF certified medical grade. BPA-free din ito.
- Design
- Wala itong screw threads kaya kayang buksan ng isang kamay lang. Mayroon itong Press-to-Close at Twist-to-Open o PCTO innovation kaya hassle-free ito. Maiiwasan din ang pagkatapon ng gatas. Ang nipple din nito ay off-centered kaya si baby ay makakadede sa natural na upright na posisyon. Ginagaya rin nito ang natural tilt kaya madaling lumipat mula breastfeeding papuntang bottle feeding.
- Gaano kadaling linisin
- Madali itong linisin dahil sa kanyang smooth interior surface at wide bottle opening
Milk Bottles Price Comparison
Alam namin na ready ka nang bumili ng feeding bottle for your baby. Malamang din kino-consider mo ang price para sa tamang pagpili, narito ang price ng bawat isa sa kanila:
|
Brand |
Volume |
Price |
Price/Volume |
Mama’s Choice Anti-Colic Bottle |
150ml / 250ml |
₱499 – ₱599 |
3.3o per ml / 2.40 per ml |
Philips Avent Natural Bottle |
11 oz (330 ml) |
₱859.75 |
2.60 per ml |
Comotomo Silicone Baby Bottle (Set of 2) |
8 oz (250 ml) |
₱2,199.75 |
8.79 per ml |
Dr. Brown’s Options Wide Neck Bottle |
5 oz (150 ml) |
₱799.75 |
5.33 per ml |
Tommee Tippee Advanced Anti Colic Blue Bottle |
9 oz (260ml) |
₱530 |
2.04 per ml |
Medela Breast Milk Bottle |
8 oz (250 ml) |
₱940 |
3.76 per ml |
Pigeon PP Wideneck Bottle |
7 oz (240 ml) |
₱1,199.75 |
5 per ml |
Hegen Feeding Bottle |
11 oz (330 ml) |
₱ 1,399 |
4.24 per m |
TANDAAN: BREASTFEEDING is still best for babies up to 2-3 years old. Ayon sa rekomendasyon ng mga eksperto, pagsapit ng dalawa hanggang apat na linggo ng isang sanggol, maaari nang ipakilala sa kaniya ang baby bottle. Ngunit kung may pagdududa, agad na komunsulta sa iyong pediatrician para sa tamang feeding session kay baby.