11-week old na baby ni Miriam Quiambao, nagsisimula na mag-"homeschooling"

lead image

Kuwento ni Miriam Quiambao, malaki raw ang maitutulong ng baby homeschooling para maihanda ang mga bata sa pagpasok sa paaralan.

Hindi kaila sa mga magulang na importanteng simulan ng maaga ang edukasyon ng kanilang mga anak. Ngunit para sa mommy na si Miriam Quiambao, naisipan niyang magsagawa ng baby homeschooling para sa anak na si Elijah, na 11-linggo pa lang!

Bakit kaya naisip ni Miriam na magsimula ng ganitong kaaga? At ano kaya ang benepisyo nito para sa kaniyang sanggol? Ating alamin.

Baby homeschooling, sinimulan ni Miriam Quiambao

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Miriam Quiambao-Roberto (@miriamq888) on

 

Kamakailan lang ay nag-post ng larawan sa Instagram si Miriam, kung saan naikwento niya na sinisimulan na niyang mag-"homeschool" sa 11-week-old baby niya na si Elijah.

Aniya, may nabasa raw kasi siyang article na sinabing nakakatulong raw sa mga bata ang pagkakaroon ng early education. Kaya naisipan niyang bigyan ng headstart ang kaniyang anak sa pamamagitan ng pagpapakita ng iba't-ibang mga cards sa kaniyang anak.

Dagdag pa niya, sa edad na 11 weeks ay red at black pa lamang ang nakikita ng kaniyang baby. Kaya't nag-print siya ng mga photos galing sa internet, at ito ang ginamit para ma-stimulate ang brain ng kaniyang anak.

Nang sinubukan niya ito kay Elijah ay kitang-kita raw na nagkaroon kaagad ng interes ang bata sa mga makulay na cards. Umaasa siyang makakatulong ito para makapaghanda si Elijah sa pagpasok niya sa school paglaki niya.

Tama ba ang homeschooling para sa anak mo?

Sa panahon ngayon, maraming magulang ang pinipili na i-homeschool ang kanilang anak. Bukod sa mas mura ito kumpara sa pagpasok sa paaralan, malaki rin ang naitutulong nito para sa edukasyon ng mga bata, at sa pagiging malapit nila sa kanilang mga magulang.

Ngunit paano mo malalaman kung para sa iyong anak ang homeschooling? Heto ang ilang mga dapat mong malaman tungkol dito:

  • Alamin mo muna kung bakit mo gusto i-homeschool ang iyong anak. Mahalagang magresearch at alamin ang mga pros and cons bago magdesisyon.
  • Mahalaga ring malaman mo kung ano ang mga batas pagdating sa homeschooling, at kung anu-ano ang mga bagay na kailagnan mo bago magsimula.
  • Hindi madali ang homeschooling, kaya't mahalagang prepared ka para tutukan ang edukasyon ng iyong anak, at bantayan ang kanilang development sa pag-aaral.
  • Mabuti ring kausapin ang iyong anak tungkol dito, para maging bahagi siya ng desisyon.
  • Makipag-ugnayan sa ibang mga magulang na nag-homeschool ng kanilang mga anak, upang malaman mo kung paano ito ginagawa at kung anu-ano ang mga expectations dapat pagdating dito.

Source: PEP

Basahin: Homeschooling 101: Para sa iyo ba ang sistemang ito?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!