Baby na walang bisita sa ospital sa loob ng 5 buwan, inampon ng isang nurse

undefined

Narito ang kwento ng sanggol na inampon ng isang nurse matapos walang bumisita rito sa loob ng limang buwan sa ospital.

Baby inampon ng isang nurse matapos ang limang buwan na walang bisita sa ospital.

Ito ang simula ng pagtupad ng pangarap at kwento ng pagiging ina ni Liz Smith, isang nurse na nagnanais magkaanak.

Baby inampon ng nurse

Image from Simple Most

Baby inampon ng nurse story

Si Gisele Smith ay isang baby na isinilang na premature.

Nang siya ay maipanganak, siya ay may timbang lang na 1 pound at 14 ounces o halos kalahating kilo lamang.

Siya rin ay nadiagnose na may neonatal abstinence syndrome.

Isang kondisyong nakukuha ng isang sanggol matapos maexpose sa opiate drugs habang siya ay pinagbubuntis pa lamang.

Dahil sa kondisyon, si Gisele ay naconfine sa ospital sa loob ng limang buwan mula ng maipanganak. At sa loob ng panahong iyon, ay walang kahit isang bisita ang dumalaw at tumingin sa kalagayan ng kaawa-awang sanggol.

Baby inampon ng nurse story

Image from Simple Most

Mula sa NICU o Neo Intensive Care Unit ay inilipat si Gisele sa Franciscan Children’s Hospital sa Brighton, Massachusetts para mas maalagaan.

Isa itong ospital na nangangalaga sa mga sanggol na may complicated health conditions.

Dito ibinigay ang pinakamagandang medical care kay Gisele para tuluyang umayos ang kondisyon.

Dito niya rin nakilala ang isang babaeng, babaguhin niya ang buhay at tunay na mag-aalaga sa kaniya.

Nurse na nagnanais na maging isang ina

Si Liz Smith ay isang pediatric nurse na Director of Nursing ng Franciscan Children’s Hospital.

Sa loob ng mahabang panahon tanging sa pagiging nurse lang umikot ang buhay ni Liz.

Siya ay hindi nakapag-asawa.

Nang tumungtong ang edad na 40, pumasok sa isip ni Liz na gusto niyang magkaanak at magkaroon ng pamilya.

Ngunit siya ay mag-isa.

Kaya naman sumubok siyang gawing ang ilang paraan gaya ng IVF.

Paraang hindi nagtagumpay dahil hindi siya suitable candidate para dito.

Ito ay matapos ang ilang rounds ng intrauterine insemination o IUi para masimulan ang procedure.

Una ng tinanggap ni Liz na hindi na siya magkakaanak.

Hanggang sa makita niya si Gisele, isang araw habang siya ay nagrorounds sa ospital.

Dito niya nalaman na walang kahit isang bisita ang tumitingin sa kalagayan ng sanggol.

At kailangan nito ng medical foster home na aalalay sa kaniyang kalagayan.

Mula sa puntong iyon ay nagdesisyon si Liz na alagaan si Gisele at ibigay rito ang pagmamahal na kailangan niya.

Sa pangangalaga ni Liz ay nagsimulang umayos ang kalagayan ni Gisele.

Baby inampon ng nurse

Image from Simple Most

Lumaki itong malusog at ngayon sa edad na dalawang taon ay pumapasok siya sa preschool, three days a week.

Sa tulong ng Franciscan’s Hospital ay sinubukan ni Liz na i-reunite si Gisele at ang mga magulang niya.

Bagamat, hindi niya inalis ang posibilidad na gusto niyang tuluyang ampunin ang bata.

Kaya naman idinaan niya ito sa legal na paraan.

Noong una ay binibisita si Gisele ng kaniyang mga magulang linggo-linggo habang siya ay nasa pangangalaga ni Liz.

Ngunit, tuluyang nawala ang karapatan ng mga ito ng lumabas ang desisyon ng korte.

Desisyon ng kung saan sinabing hindi nila kayang ibigay ang pangangalaga na kailangan ni Gisele.

Ang klase ng pangangalagang kay Liz niya lang makukuha.

At noong Oct. 18, 2018, si Liz nga ay naging permanent adoptive mother ni Gisele. Na naging simula rin ng mas marami pang mother and daughter bonding moments para sa kanila.

“The things that made her giggle and laugh randomly, the times that she’ll notice that I’m sad and come up to me and give me a hug just out of the blue, or seeing her running to me from daycare. Those are the moments I love,” kwento ni Liz sa kaniyang pagiging ina ni Gisele.

Bagamat noong una ay nawalan na siya ng pag-asa na magkaanak. Nagpapasalamat naman si Liz na binuksan niya ang kaniyang puso sa posibilidad ng adoption na naging daan sa katuparan ng pangarap niya. At nagbigay rin ng pagkakataon kay Gisele na magkaroon ng ina na tunay na mag-aaruga at magmamahal sa kaniya.

Ano ang Neonatal Abstinence Syndrome o NAS?

Ang Neonatal Abstinence Syndrome o NAS ay isang kondisyon na kung saan nakakaranas ng health problems ang isang bagong silang na sanggol matapos maexpose sa opiate drugs habang pinagbubuntis ng kaniyang ina.

Ilan sa halimbawa ng opiate drugs ay ang heroin, codeine, oxycodone (Oxycontin), methadone, o buprenorphine.

Ang mga substances na ito ay naipapasa ng buntis na ina sa kaniyang sanggol. Kaya naman tulad niya ay nagiging dependent rin ang baby sa mga drugs na ito.

At kung patuloy na gumagamit ang buntis na ina ng mga nasabing drugs ilang linggo bago isilang ang sanggol ay magiging dependent rin ang baby dito hanggang maipanganak.

Kaya naman sa paglabas ng sanggol mula sa kaniyang ina ay makakaranas ito ng withdrawal symptoms mula sa nasabing substances.

Dito niya mararanasan ang kondisyon na Neonatal abstinence syndrome habang unti-unting nawawala ang drug substance sa kaniyang katawan.

Ang mga sintomas ng NAS sa isang sanggol ay ang sumusunod:

  • Tremors (trembling)
  • Irritability (excessive crying)
  • Sleep problems
  • High-pitched crying
  • Tight muscle tone
  • Hyperactive reflexes
  • Seizures
  • Yawning, stuffy nose, and sneezing
  • Poor feeding and suck
  • Vomiting
  • Diarrhea
  • Dehydration
  • Sweating
  • Fever or unstable temperature

Samantala, malulunasan naman ang kondisyon na ito sa sanggol sa pamamagitan ng tamang pag-aalaga.

Nakadepende naman ang treatment sa lala ng kondisyon ng sanggol na maaring madaan sa medication, therapy at iba pang procedures.

 

Source:

Medline Plus, Simple Most, Standford Childrens Org

 

 

 

 

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!