FYI 'Nay: Baby, Kids & Family Expo Philippines ngayong September 1-2

lead image

Ngayong Setyembre 1-2, gaganapin ang 8th Baby, Kids & Family Expo Philippines (BKFEP) sa Megatrade Hall 1, SM Megamall. Magkakaroon ng malalaking discounts mula sa iba't ibang exhibitors!

Ngayong darating na Setyembre 1-2, gaganapin ang 8th Baby, Kids & Family Expo Philippines sa Megatrade Hall 1 ng SM Megamall. Magkakaroon ng higit sa 80 brands na mag-e-exhibit ng kanilang mga produkto at services at puwedeng maka-avail ng hanggang 50% sa mga ito.

Narito ang listahan ng mga exhibitors:

Nestle Cerelac Aqualogic Holy Seat Fun Nest Ph
MommyDaddyMe Baby First Caladryl Giant Carrier
Little Treasure Baby Ganics Chicco Gloria’s Goto
Pampers Baby Mama Joie Halo
Active Fun Spectra Orbi Oxo Tot
ACW Distribution Phils, Inc. Wisemom DC Moments Photobooth Hape Toys
Arlo Baby Town Elken International Philippines Co. LTD Hapee Kiddie
Akulaku iFam Enfant Hyla Philippines
Ambucore Bebenuvo Farlin Insular Life
Amiel’s Fashion Boutique Bite Block Baby Joy Jelly Mom

 

Ergo Pouch Blims Party with Jive Tempra
Jungle Caravan MOME Jolly Celebrations SOS Children’s Village
Kalbe Mommy's Den Posh Fairy Pacific Cross
Milna St. Patrick Pro MAMA LaZBoy
Prenagen Moms and Beauty Pru Life UK Smart Steps
Chil School Soya Milk Cimilre PUR Orchard Bear
Kaypee Nursing Wear Nanay At Ako Boutique Rainbow Pacific Kidz on the Go
Kids in Mind Nosh Sandari Batulao

Bukod sa promos at discounts, magkakaroon din ng iba't ibang activities para sa lahat ng miyembro ng pamilya. Mayroong parenting seminars at celebrity talks na tatalakayin ang mga paksa tungkol sa pagbubuntis, panganganak, pag-alaga ng sanggol, development ng bata, at pagpapalaki ng anak. Kabilang ang The Asian Parent Philippines na magbibigay ng talk tungkol sa mga dapat gawin upang maihanda ang sarili sa panganganak.

Para sa mga chikiting, magkakaroon din Wonderland Playground sponsored ng Kidz on the G, arts and crafts station, at stage area kung saan magkakaroon ng mascots, games, at raffle. Para kumportable naman si baby, may breastfeeding station at diaper changing area sponsored ng Pampers.

Gaganapin din ang Golden Baby, Kids & Family Awards 2018 kung saan binibigyang parangal ang mga celebrity moms, dads, at pamilya na ibinoto ng Baby, Kids & Family community. Magkakaroon din ng Baby and Kid Idol 2018 kung saan magkakaroon ng 2 winners na mananalo ng P20,000-worth ng cash at gift prize.

Mag-register online sa www.babyexpo.ph para maka-attend sa pinakamalaking baby fair ng taon!

Para sa karagdagang impormasyon, i-follow ang kanilang Facebook page o ang kanilang Instagram page.