2-linggong gulang na baby, biktima ng sexual assault

lead image

Isang walang kalaban-laban na 2-linggong gulang na baby ang nakaranas diumano ng "rape" mula sa isang 25-taong gulang na lalaki.

Tuwing nakakakita tayo ng bagong silang na sanggol, may hindi maipaliwanag tayong tuwa tuwing nakikita sila. Ang mga newborn ang simbolo ng ka-inosentehan. Ngunit paano na lamang kung sa napaka-murang edad ay may nagnakaw na ng ka-inosentehan na ito? Ito ang nakakabahalang ulat mula sa Northern Ireland, kung saan may isang baby na nakaranas ng sexual abuse.

Baby sexual abuse

Isang dalawang-linggong gulang na sanggol ang nasa intensive care unit ngayon ng pediatric unit ng Royal Belfast Hospital for Sick Children. Nasa kritikal n kundisyon ang baby matapos itong makaranas ng sexual abuse sa kamay ng isang 25-taong gulang na lalaki. Dahil sa nangyari sa bata, hiniling na pamilya na huwag ihayag ang pagkakakilanlan ng bata at ng pamilya nito.

Ayon sa imbestigasyon ng Police Service of Northern Ireland (PSNI), nagtamo ang baby ng ilang seryosong injuries. Humarap ang suspek sa Armagh Magistrates' Court kamakailan upang masampahan ng kaso ng panggagahasa at "grievous bodily harm with intent." Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa kulungan habang hinihintay ang pag-usad ng kaso laban sa kaniya.

Mga senyales ng pang-aabuso

Bilang magulang, hindi natin lubos maisip na mayroong taong kayang gawin ito sa isang bagong silang na sanggol. Ngunit dapat nating tandaan na malamang ay hindi rin inakala ng pamilya ng baby na nakaranas ng sexual abuse na mangyayari ito sa bata. Kaya naman lubos na importante na malaman ang mga senyales ang pang-aabuso—upang masagip agad ang biktima.

  • Hindi angkop na pag-gamit ng mga laruan o ibang mga bagay
  • Hindi makatulog o di kaya'y nagkakaroon ng bangungot
  • Nagtatago ng sikreto
  • Nakaka-ihi sa kama
  • Kapag may bagong mga salita na alam ang bata patungkol sa mga parte ng katawan—ngunit hindi niya masabi kung saan niya ito natutunan
  • Hindi pumapayag na maiwan kasama ang isang specific na tao
  • Sinasaktan ang sarili
  • Hindi maipaliwanag na pagbabago ng ugali o mood

Kapag napapansin ang mga senyales na ito sa bata, mabuting kausapin silang mabuti kung ano ang sanhi nito. Maaari ring kumonsulta sa isang psychiatrist upang maintindihan mabuti ang nangyayari.

 

SOURCES: BBC, The Independent

Basahin:

68-anyos na lalaki, ginahasa ang isang 11-month old baby

4-Year-old girl severely abused by her own father: Child abuse must stop

Inhumane couple found guilty of horrific abuse of 2-year-old boy