LOOK: Baby ni Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap

lead image

Tignan ang mga cute pictures ng unang anak nina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap.

Ipinakilala na ng aktres at dating lider ng grupong Sexbomb Girls na si Rochelle Pangilinan ang bagong panganak na baby girl nila ng kaniyang asawa na si Arthur Solinap at ini-reveal sa publiko ang napili nilang pangalan para rito.

Baby Shiloh Jayne Pangilinan-Solinap ang kanilang ipinangalan sa kanilang panganay.

Narito ang ilan sa mga cute na cute na litrato ng sanggol.

Instagram pictures ni Baby Shiloh Jayne

Sa kaniyang Instagram, ipinost ni Rochelle ang litrato ng kanyang newborn at inilagay sa caption nito ang buong pangalan ng bata. Ang pangalang ibinigay nila ay Baby Shiloh Jayne.

Bago nito, una ng nagpost si Rochelle ng isang 'teaser photo' kung saan magkasama ang kanyang baby at asawa na si Arthur. Makikita sa litrato ang gilid lamang ng mukha ng baby. May caption itong "My life."

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

My life ❤️

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan) on

Sa sumunod na post, inilagay naman ni Rochelle bilang caption ang ilang parte ng kantang "Isn't she lovely?" ng international singer na si Stevie Wonder upang ilarawan ang kanyang anak.

Nagpost rin si Arthur ng litrato ng kanilang baby girl at inilagay bilang caption ang isang bible verse mula sa 1 Samuel 1:27-28 na “I prayed for this child, and the Lord has granted me what I asked of him.”

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Isn’t she lovely isn't she wonderful ... ???

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan) on

Agad namang nakatanggap ng libo-libong hearts at comments ang post ng mag-asawa mula sa kanilang mga fans at mga kaibigan sa showbiz.

baby shiloh jayne

Ikinasal noong August 8, 2017 si Rochelle at Arthur sa Tagaytay City, isa't kalahating taon matapos ang kanilang engagement noong February 2016. Nagkakilala ang dalawa sa set ng noon time show ng Sexbomb Girls na Daisy Siyete at naging magkasintahan ng pitong taon.

Isang taon matapos maikasal ay masayang ibinalita ni Rochelle ang kaniyang pagdadalantao sa kaniyang Instagram account. Nagkaroon rin ng ispesyal na gender reveal ang mag-asawa sa Japan at nagdaos ng baby shower.

Ibinahagi rin noon ng mag-asawa ang maternity photo shoot ni Rochelle na may dance-inspired na tema.

Si Baby Shiloh Jayne ang kanilang unang anak. Isinilang siya noong February 24 sa The Medical City sa Ortigas, Pasig.

Congratulations and welcome to the club, Rochelle and Arthur!

 

Source: GMA News Online, Instagram

Images: Rochelle Pangilinan Instagram, Nice Print Photography

BASAHIN: 7 Pieces of advice from celebrity moms and dads!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!