X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Bad breath ba si baby? Narito ang mga sintomas, sanhi at paggamot dito

4 min read
Bad breath ba si baby? Narito ang mga sintomas, sanhi at paggamot dito

Ano nga ba ang sanhi nito? Kahit pa malusog ang bata (o matanda), maaaring magkaroon ng halitosis o mabahong hininga.

Totoo nga bang pwedeng magka-bad breath kahit baby pa lang?

Ayon sa mga doktor, hindi ito karaniwan, nangyayari pa rin. Hindi lang ito simpleng “morning breath” o mabahong hininga dahil sa pagtulog ng matagal.

May mga pagkakataon na may namamahay nang bacteria sa bibig ng bata lalo’t nakakatulog ng dumedede ng gatas. Mas mabuti nang malunasan ang mabahong hininga ng bata, bago pa ito lumala at maging sanhi ng mas delikadong sakit.

Nagtanong ako sa mga dentista, at ito ang kanilang paliwanag.

Ano nga ba ang sanhi nito? Kahit pa malusog ang bata (o matanda), maaaring magkaroon ng halitosis.

Bacteria ang dahilan ng mabahong hininga. Maraming maaaring maging sanhi ng pagkakaron ng bacteria sa bibig, tulad ng:

Tuyong bibig

Minsan may sipon o barado ang ilong ng sanggol o toddler, kaya sa bibig ito humihinga, kaya’t ang bacteria sa bibig ay namumuo at dumadami.

Ang laway kasi ay natural na antibacterial kaya’t ito ang pumapatay sa oral bacteria. Kung walang laway, natutuyo ang bibig, nabubuhay ang bacteria.

Mga “foreign object”, o bagay na nanatili sa bibig

Baka may mga natirang pagkain sa bibig, o maliit na laruan o bagay na hindi napansin, at hindi rin nalulon.

Pamamahayan ito ng bacteria, lalo’t ang hilig magsubo ng kung anu-ano ang mga maliliit na bata. Kung mahilig namang magsubo ng pacifier o mga comfort toy ang bata, maaring ito ang sanhi.

baby teething

Kung mahilig magsubo ng pacifier o mga comfort toy ang bata, maaring ito ang sanhi ng bad breath.

Poor hygiene, kaya pinamamahayan ng bacteria ang bibig

Sumisiksik ito sa ngipin, gums, dila, at maski sa tonsils, kaya bumabaho ang hininga.

Cavities o pamumuo ng tartar, o kaya ay dental abscess o nana

Hindi lang nasisira ang ngipin, bumabaho pa ang hininga.

Pagkaing may mabahong amoy

Kung mahilig kumain ng mga pagkaing malakas ang amoy tulad ng pagkaing may luya, sibuyas o bawang, maaaring makaapekto sa amoy ng hininga.

Sakit o kondisyon

Minsan kapag may sinus infection, tonsillitis, gastroesophageal reflux disease o mga allergies, nagiging sanhi din ng bad breath.

Paano ba ito malulunasan? Narito ang 5 pangunahing lunas sa mabahong hininga ng bata:

Kapag “morning breath”, banlawan o punasan ang bibig o pamumugin ang bata pagkatapos kumain, bago matulog. Kung may ngipin na, pwedeng gamitan na ng malambot o pambatang toothbrush. Kapag hindi pa rin nawala, maaaring may ibang sanhi. Linisin din ang dila pagkatapos kumain o dumedede.

  • Kung kaya nang magsipilyo ng bata, turuan itong magsipilyo ng 2 hanggang 3 beses sa isang araw (kapag labis dito, maaaring masira ang gums), lalo kapag bago matulog.
  • Pamumugin agad pagkagising. Bago mag 2 taong gulang, isang tuldok ng toothpaste lang ang gamitin. Pagkalagpas ng 2 taon, kasinglaki ng pea ay pwede na. Pagdating ng 5 taon, pwede na ang kasinglaki ng isang maliit na bean.
  • Hugasan at linisin (sterilize pa) palagi ang mga laruan at pacifier ni baby, lalo kung alam nang sinusubo niya ito madalas.
  • Kung hinihinalang impeksiyon ang sanhi, dalhin agad sa doktor para matingnan at malunasan.
  • Huwag hayaang dumdede sa bote ng gatas ang bata kung wala na itong laman. Kung kailangan niyang dumedede para makatulog, bigyan ng tubig sa bote.
  • Isang mabisang panlaban sa bad breath ay madalas na pag-inom ng tubig. Kung may gastroesophageal reflux (acid bad breath reflux) ang bata, kumunsulta agad sa doktor para malaman kung ano ang mabisang lunas dito.

Iwasan ang pagpapakain ng matatamis na pagkain lalo ang tsokolate at candy. Ang pagkain ng matatamis o maraming asukal ay nakakasira ng ngipin at nakakapagpabaho din ng hininga, dahil nga sa sirang ngipin o gilagid.

Dalhin ang mga bata sa regular na dental check-ups mula 2 taong gulang. Kung may napapansin nang mabahong hininga at hindi ito nawawala, dalhin sa pediatrician para matingnan kung may mas malalang kondisyon ang bata.

baby dental check-up

Dalhin ang mga bata sa regular na dental check-ups mula 2 taong gulang.

Huwag gagamit ng mouthwash. Hindi ito nakakagamot, kundi tinatago lang niya pansamantala ang bad breath lalo kapag bata. May mga matapang na ingredient din ito na hindi bagay sa mga bata. Pagsisipilyo at pagmumumog ang pangunahing solusyon.

Higit sa lahat, huwag hiyain ang bata tungkol dito. Nakaka-apekto sa kaniyang self-confidence ang pagtatawa o pangungutya, o ang paulit-ulit na pagkukuwento ng kaniyang kondisyon sa ibang tao, lalo kung nakakaintindi na ito.

sources: www.dentalcare.com, Joel Vergel de Dios, DMD, Erwin Martin Cabusas, DMD

BASAHIN: Baby hiccups: Ano ang solusyon?

Partner Stories
Then and Now: How Motherhood has Changed Throughout the Years—and What Has Stayed the Same
Then and Now: How Motherhood has Changed Throughout the Years—and What Has Stayed the Same
A TASTE OF THAI: A culinary jewel, Thai food shines bright even in Philippine shores
A TASTE OF THAI: A culinary jewel, Thai food shines bright even in Philippine shores
Sustainable Wooden Toy brand, Tooky Toy, opens in LazMall
Sustainable Wooden Toy brand, Tooky Toy, opens in LazMall
Experiencing pamamanhid or pangangalay when doing simple, everyday tasks? 
Experiencing pamamanhid or pangangalay when doing simple, everyday tasks? 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Anna Santos Villar

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Bad breath ba si baby? Narito ang mga sintomas, sanhi at paggamot dito
Share:
  • #AskDok: Paano maiwasan ang bad breath kapag naka-pustiso?

    #AskDok: Paano maiwasan ang bad breath kapag naka-pustiso?

  • Toddler Bad Breath: Anong dapat kong gawin?

    Toddler Bad Breath: Anong dapat kong gawin?

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • #AskDok: Paano maiwasan ang bad breath kapag naka-pustiso?

    #AskDok: Paano maiwasan ang bad breath kapag naka-pustiso?

  • Toddler Bad Breath: Anong dapat kong gawin?

    Toddler Bad Breath: Anong dapat kong gawin?

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.