Kadalasan, ang sintomas ng pagkabuntis ay pagkahilo. Bakit kaya may pagkahiluhin ang buntis? May gamot ba sa hilo ng buntis? Pag-usapan natin mga moms sa article na ito ang mga dahilan o sanhi at sintomas kung bakit mahihiluhin ang buntis.
Bakit nahihilo ang buntis?
Larawan mula sa | Freepik
Ang occassional na pagkahilo at lightheadedness karaniwang na nararanasan ng mga nagbubuntis. Dumaraan sa maraming pagbabago ang iyong katawan, mula sa eksternal at internal na pagbabago. Kasama na rito ang hormonal changes na nakakaapekto sa presyon ng dugo at production ng red blood cells.
Dagdag pa rito, ang pagtaas ng volume ng dugo ay nagdudulot ng extra work para sa iyong puso. Hinahanda ng iyong hormones at katawan ang suportang nutrisyon at dugo para sa iyong baby.
Pero, may mga hindi normal na kalagayan ang pwedeng sanhi ng iba pang kondisyon ng pagbubuntis. Gayundin, ang mga komplikasyon na umiiral habang ikaw ay buntis. Dito na posibleng maitanong kung bakit nahihilo ang buntis at kung bakit abnormal ang laging nahihilo ang buntis.
Maaaring sabayan ng iba pang sintomas kung nahihilo ang buntis gaya ng panlalabo ng paningin at nahihirapan sa paghinga, na pwedeng senyales ng mas underlying pa na health condition.
Kapag napapadalas na ang pagkahilo, kailangan na itong ikonsulta sa iyong OB-Gyne o doktor para mabigyan ng solusyon.
Mga dahilan kung bakit laging nahihilo ang buntis
Hindi lamang binabago ng pagbubuntis ang iyong pisikal na anyo. Nagkakaroon din ng pagbabago sa iyong cardiovascular system.
Naaapektuhan ng pagbabagong ito sa cardiovascular system ang pagtaas ng volume ng dugo, at napapababa ang iyong blood pressure.
Hindi naman ito kakaiba o delikado na nararansan ng buntis. Pero kailangang tandaan na bantayan lagi ang iyong blood pressure sapagkat kapag hindi ito nabantayan ay maaari itong makamatay.
Maliban sa pagbabago ng hormones dulot ng pagbubuntis ang kabawasan sa production ng red blood cells ay maaaring sanhi pagkahilo. Dagdag pa rito, ang pagkakaroon ng iron deficiency o anemia ay maaaring sanhi rin kung bakit laging nahihilo ang buntis.
Pagsapit ng 2nd trimester ng pagbubuntis, maaaring asahan ang pagbaba talaga ng iyong blood pressure. Asahan na babalik ang iyong normal na blood pressure pagkatapos ng iyong pagbubuntis.
Iba pang dahilan kung bakit nahihilo ang isang buntis
Maliban sa pagbaba ng low blood pressure, narito ang iba pang dahilan kung bakit maaaring nahihilo ang isang buntis:
Larawan mula sa |Image by Dragana_Gordic on Freepik
Bakit nahihilo ang isang buntis at paano ito i-manage?
Bilang tugon sa tanong at mga dahilan kung bakit nahihilo ang isang buntis, may mga paraan kung paano ito i-manage. Ang kailangan, magpakonsulta muna sa doktor kung ang pagkahilo ay normal pa ba o hindi na.
May mga simpleng paraan bilang solusyon pagkatapos malaman kung bakit nahihilo ang isang buntis. Ito ay ang mga sumusunod:
- Bawasan ang mahabang oras sa pagtayo.
- Sigurahin na gumagalaw galaw pa rin kahit na nakatayo para makadagdag sa sirkulasyon ng dugo.
- Magdahan dahan at huwag biglain ang pagtayo at pag upo.
- Iwasan ang pagtihaya sa loob ng 2nd at 3rd trimester ng pagbubuntis.
- Kumain ng masusustansiyang pagkain na ipinayo ng iyong OB para maiwasan ang mababang blood pressure.
- Uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration.
- Magsuot ng mga damit kung saan mas maluwag na makakahinga at komportable sa pakiramdam.
- Uminom ng mga supplements at gamot na makakaiwas sa hilo ng buntis. Posibleng ang mga gamot na ito sa hilo ay inirekomenda ng iyong doktor.
Gamot sa hilo ng buntis
Larawan mula sa |Image by Racool_studio on Freepik
Maliban sa pag manage ng pagkahilo ng buntis, may mga gamot at supplement na maaaring i-take ng buntis para sa hilo. Narito ang ilan sa mga gamot at supplements na para sa hilo ng buntis.
- vitamin B6 at doxylamine para sa morning sickness
- gamot na antinausea
- lifestyle at pagbago sa diet para maiwasan ang low blood pressure
- insulin para sa gestational diabetes
- antibiotics (kung inirekomenda lamang ng doktor) para sa pagkahilo na dulot ng impeksyon
Bago inumin o bilhin ang mga gamot na ito para sa hilo ng buntis, kumonsulta muna sa inyong health care provider. Laging maging safe at healthy sa inyong pagbubuntis mga moms!
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!