Bakuna 2018: Importanteng vaccines sa unang taon ni baby

lead image

Alam niyo ba na nagbabago ang listahan ng mga importanteng bakuna na kailangan ni baby? Narito ang updated na gabay para sa vaccines ngayong 2018. PHOTO: Philippine Pediatric Society (PPS), Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP), at Philippine Foundation for Vaccination (PFV)

Nitong nakaraang taon lamang, naging kontrobersyal ang usaping pagbabakuna sa Pilipinas dahil sa dengue vaccination o “Dengvaxia” ng Philippine Department of Health (DOH) na ipinakilala noong 2016. Naglabasan ang mga balita tungkol sa naging pinsala ng bakunang ito sa mga bata.

Kaya naman taon-taon, kinakailangang balikan at pag-aralan ang mga listahan ng bakuna, para masigurong updated at patuloy na ma-protektahan ang mga bata.

Ang pagbakuna sa unang taon ng isang bata ay isa sa pinakaimportanteng bagay na dapat bigyan ng prayoridad ng lahat ng magulang. Ayon kay Dr. Nicky Montoya, presidente ng MediCard Philippines, isang pangunahing HMO provider sa Pilipinas, may itinakdang bakuna ang UNICEF at Department of Health (DOH) ayon sa gulang, bata man o matanda.

Ang pagbabakuna ay importante para mapigil ang onset o pagkalat ng mga highly transmissible diseases sa mga bata, lalo na sa mga sanggol,” paliwanag ni Dr. Red Piedad. “This will consequently decrease healthcare costs in treatment and preventing unneccessary stay or admissions in the hospital,” patuloy niya. May mga regulated at mandatory vaccines sa EPI o Expanded Program of Immunization.

Lahat ng bata ay dapat mabigyan ng lahat ng bakunang nakatala sa EPI, lalo na sa unang dalawang taon ng bata. Ito ang mariing mensahe ng Centers for Disease Control and Prevention (CDCP) sa Amerika at UNICEF, at ng Philippine Pediatric Society at Department of Health.

Dahil sa patuloy na pananaliksik, may mga bagong bakunang itinatalaga, at may mga bakuna naman na para lang sa mga bansa kung saan laganap ang mga partikular na sakit.

Updated na ang Immunization Schedule ngayong 2018

Ngayong 2018, mayroong 13 rekumendadong bakuna sa updated childhood immunization schedule ng mga batang Filipino na nasa edad na 0 hanggang 18 taong gulang. Tinanggal ngayong taong ito ang dengue vaccine. Payo ng World Health Organization (WHO) ng Geneva, Switzerland, at Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP), ang dengue vaccine ay maaari lamang ibigay sa mga batang 9 na taong gulang pataas, na nagkaron na ng dengue o iba pang mosquito-borne diseases.1 Ito ang sagot sa naging makabuluhang pagsasaliksik dala ng kontrobersiya at trahedya ng “dengvaxia” hindi lang sa Pilipinas, kundi sa ibang bahagi ng mundo.

Naglabas ang Senate of the Philippines ng statement noong February 2018 na nagbibigay ng seguro na ang Expanded Program on Immunization o EPI ng Department of Health ay ligtas at pinag-aralang mabuti.

Ayon kay Senator Richard J. Gordon, walang dapat ikatakot ang publiko sa kabila ng mga kontrobersiya sa bakuna. “Vaccines included in the DOH’s EPI are safe. These vaccines have been tried and tested and they must be given to your children so they would not contract the diseases that the department’s programs are trying to prevent. I understand the fear triggered by the Dengvaxia mess but we should not let our fears cloud our better judgement. Avoid Dengvaxia; but let your children be inoculated with the other vaccines,” pahayag niya.2

Umaasa ang DOH at ang gobyerno na sa kabila ng malungkot na nangyari dahil sa dengvaxia controversy, hindi matatabunan ang lahat ng kabutihang dala ng EPI ng DOH dahil higit na marami ang nailigtas ng pagbabakuna sa mga nagdaang panahon.

May chart o table na ibinibigay ang Philippine Pediatric Society (PPS), Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP), at Philippine Foundation for Vaccination (PFV), para maging visual summary guide sa mga magulang at doktor ng mga vaccine recommendations para sa mga high-risk groups at edad.

src=https://ph admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2018/07/07242018 vaccine 1.jpg Bakuna 2018: Importanteng vaccines sa unang taon ni baby
Ang expanded program of immunization o EPI ang nagtatakda ng pagbabakuna sa mga batang 0 hanggang 18 taong gulang, paliwanag ni Dr. Piedad.

Ang mga sumusunod ay ang mga EPI Vaccines:

Pagkapanganak hanggang 4 weeks

  • BCG (Bacillus, calmette Guerrin)
    Pinoprotektahan nito ang mga bata laban sa Tuberculosis at ketong (leprosy).
  • Hepatitis B
    Ang monovalent HPV ay ibinibigay ng intramuscular, at ang unang dose ay sa unang 24 oras pagkapanganak. Ang ikalawang dose ay sa ika-4 na linggo pagkatapos ng unang dose o 1 hanggang 2 buwan pagkatapos ng unang dose/injection. Ang ikatlo at huling dose ay pagkatapos ng 24 na linggo pagkapanganak o 6 na buwang gulang. Iba ang schedule ng bakuna kapag ipinanganak ng pre-term ang bata.
    Ang Hepatitis B ay makakasira sa atay (liver) at maaaring maging sanhi ng kanser sa pagtanda.

6, 10, at 14 weeks

  • DPT
    Ang (diphtheria, pertussis, tetanus) ay ibinibigay ng intramuscular para maprotektahan ang sanggol mula sa 3 uri ng sakit na nabanggit. Ang unang injection ay sa unang 6 na linggo pagkapanganak, at may puwang o interval na 4 na linggo bago ibigay ulit ang ikalawa at ikatlong dose. Maaaring may ika-apat na dose pagdating ng 12 buwan o isang taon ng bata, kung 6 na buwan na ang lumipas mula ng ibigay ang ikatlong dose.
    Lahat ng bata pati ang ina ay kailangang mabakunahan laban sa Tetanus.
  • OPV/ IPV
    Ang oral poliovirus vaccine o inactivated poliovirus vaccine ay ibinibigay kapag 6 na linggo na ang bata. Ayon sa EPI, karaniwang isinasabay ito sa mga bakunang DPT, HIB, Hep B, sa ika-6, ika-10 at ika-14 na linggo, basta’t may interval na 4 na linggo kada dose. Optional ang  booster dose sa ika-4 na taong gulang ng bata at hindi bababa sa 6 na buwan mula sa huling dose.
    Ito ay nagbibigay proteksyon laban sa sakit na polio na nagiging sanhi ng kapansanan dahil sa panghihina ng mga buto at hirap sa paglalakad o paggalaw ng binti.
  • Rotavirus
    Ibinibigay ito sa pamamagitan ng drops sa bibig ng sanggol, laban sa malalang diarrhea. Ito ay nagsisimula nang maging laganap sa ating bansa, at sa mga bansa o lugar na hindi abot ng maayos na health care. Ibinibigay ito sa ika-6 na linggo pagkapanganak, at may interval na 4 linggo matapos ang naunang dose. Ang huling dose ay dapat maibigay ng hindi lalagpas sa 32 linggo o 2 taon at 8 buwang gulang.
    Mayrong 2 uri: ang monovalent (RV1) na ibinibigay sa serye ng 2 doses, at pentavalent (RV5) na lumalaban sa mas maraming strains ng rotavirus, sa serye ng 3 doses.
  • Haemophilus influenzae type B (Hib) at pneumococoal conjugate (PCV) vaccines
    Ang PCV (Pneumococcal Vaccine) ay ibinibigay sa edad na 6 na linggo, at ang primary vaccination nito ay may 3 doses, na may pagitan na hindi bababa sa  4 na linggo, at may booster sa ika-6 na buwan pagkatapos ng ikatlong dose.
    Ang PCV ay hindi rekumendado para sa mga malulusog o walang sakit na batang edad 5 taon pataas, paliwanag ni Dr. Piedad.
    Ang pulmonya ay sanhi ng pneumococcus bacteria or Haemophilus influenzae type B (Hib) bacteria. Ito ay delikado at nakakamatay lalo sa mga malilit na bata. Ang dalawang bakterya na ito ay sanhi din ng meningitis at iba pang impeksiyon.
    *Mayroon nang bakuna na kombinasyon ng 5 bakuna: DPT, hepatits B at Hib vaccines ay karaniwang sabay sabay ibinibigay.

9 months

  • MMR
    Ang MMR (Measles, mumps, rubella) ay iniiniksiyon sa batang edad 12 buwan o isang taong gulang. May 2 doses ito, at ang ikalawa ay ibinibigay sa mga batang 4 hanggang 6 na taong gulang. Puwede rin itong ibigay bago mag-4 na taong gulang, basta’s may pagitan na 4 na linggo matapos ng huling dose. Ito ay ibinibigay sa ika-9 na buwang gulang, pero maaaring ibigay sa ika-6 na buwang gulang kung may outbreak.
    Ang measles o tigdas ay maaaring maging sanhi ng malnutrisyon, poor mental development, at pagkabingi at pagkabulag (hearing and visual impairments) at nakamamatay kung hindi maaagapan, kaya’t mahalagang mabakunahan agad ang bata. Binibigyan din ng Vitamin A ang mga bata para labanan ang sakit na ito.
    Sa EPI, ang 2nd dose ng MMR ay ibinibigay ng mga public schools sa mga mag-aaral nila sa edad na 13 taong gulang, dagdag ni Dr. Piedad.

 

Bawat bakuna ay may takdang edad ng bata upang masiguradong ito ay epektibo. Ang ibang bakuna ay nangangailangan ng higit sa isang dose, o may tinatawag na booster shots. Siguraduhing maibibigay din ito sa bata upang mapanatili ang pagiging epektibo nito, payo ni Dr. Piedad. Marami pang mga bakuna ang available para sa mga bata, pero ang nakatalasa EPI at nakalista sa itaas ay ang mga bakunang regulated at mandatory.

Karagdagang bakuna na makukuha sa pribadong klinika: Chicken Pox, Tetraxim, Flu Vaccine, at ang pinakabagong Japanese Encephalitis (JE) vaccine.

Sa Pilipinas, lahat ng pampublikong Health Center ay nagbibigay ng libreng bakuna (lahat na nasa listahan sa itaas) sa buong taon para sa mga sanggol na 0 hanggang 12 taong gulang. Bukod pa dun, ang DOH ay nagdadala ng mga outreach immunization programs sa mga liblib na lugar at mga malalayong probinsiya at munisipalidad, sa tulong din ng UNICEF. Ang bawat bata ay binibigyan ng isang booklet o listahan ng lahat ng bakunang kanyang natanggap upang makita kaagad ng doktor o pedia, at maalala ng mga magulang kung anong bakuna na nga ba ang naibigay sa bata.

Ang pagbabakuna at pagbibigay ng libreng bakuna sa bawat barangay ay ayon sa batas, o ang Presidential Decree 996, at Republic Act No. 10152. Layon nitong masiguro na lahat ng bata, lalo na ang mga sanggol, at ang mga ina ay may access sa libreng bakuna sa mga government hospital at barangay health centers para sa mga batang 0  hanggang 5 taong gulang.

src=https://assets.rappler.com/612F469A6EA84F6BAE882D2B94A4B421/img/B78CF8B90F5148CBBFD746C5A9EEBAFF/ipv immunization card front B78CF8B90F5148CBBFD746C5A9EEBAFF.jpg Bakuna 2018: Importanteng vaccines sa unang taon ni baby

SOURCE: Rappler

SOURCE: UNICEF-DOH Brochure, Rappler, medicard.com, 1Science Mag

Panayam sa mga inang may anak na wala pang isang taon: Pam Navarro, Gemini Bonilla Maddarag, Maria Lourdes King, Sharon Bangcayao-Matildo