Paano mo malalaman kung ikaw ay baog, at ano ang sintomas ng pagkabaog?

lead image

Paano nga ba malalaman kung ikaw ay baog? Ating alamin kung anu-ano ang mga sintomas ng pagkabaog at ano ang puwede mong gawin tungkol dito.

Para sa mga mag-asawang nagpaplanong magkaanak, nakakatakot malaman na ang isa sa inyo ay baog. Ngunit, hindi agad-agad na dapat mabahala dahil madalas ay nagagawan naman ito ng paraan.

Pero siyempre, mahalaga munang malaman mo kung ano ang mga sintomas ng pagkabaog. Ating alamin kung anu-ano ang mga ito.

Paano mo malalaman kung ikaw ay baog?

src=https://ph admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2018/09/infertility 1.jpg Paano mo malalaman kung ikaw ay baog, at ano ang sintomas ng pagkabaog?

Siyempre, magkakaiba ang sintomas ng pagkabaog sa mga lalake at babae. At alam niyo ba na pagdating sa pagiging baog, halos pantay lang ang dami ng kaso ng lalake sa mga babae.

Kaya't kung nagkakaroon kayo ng problemang magkaanak, mahalagang alamin ang mga sintomas upang magkaroon kayo ng mas mabuting ideya tungkol sa kung ano ang dapat ninyong gawin.

Anu-ano ang mga sintomas ng pagkabaog?

Heto ang sintomas ng pagiging baog para sa mga babae:

  • Nahihirapang magbuntis. Mas posibleng maging infertile ang isang babae kapag siya ay lagpas na sa 35 na taong gulang at nahihirapang magbuntis.
  • Obesity. Ang mga babaeng may obesity ay mas nahihirapang magbuntis at posibleng magkaroon ng iba't-ibang komplikasyon sa kanilang pagbubuntis.
  • Masakit na pakikipagtalik. Ang tawag sa kondisyon na ito ay dyspareunia at posibleng epekto ito ng infections, endometriosis, at fibroids.
  • Mahabang period na may heavy bleeding. Kapag ang iyong monthly period ay inaabot ng higit sa 7 araw, at nagkakaroon ka ng heavy bleeding, posible itong senyales na mayroon kang endometriosis.
  • Irregular na cycle. Mas mahirap mabuntis ang mga babaeng mayroong irregular cycle dahil posibleng senyales ito na hindi regular ang ovulation, o ang paglabas ng egg cell ng babae. Posibleng epekto ito ng PCOS, obesity, thyroid issues, at pagiging underweight.
  • Pagbabago sa hormones. Ang pabago-bagong level ng mga hormone ay nakakaapekto din sa fertility ng isang babae.

Heto naman ang sintomas ng pagkabaog para sa mga lalake:

  • Imbalance ng hormones. Sa mga lalake, testosterone ang importanteng hormone pagdating sa fertility. Kung mababa ang testosterone levels ng isang lalake, posible nitong maapektuhan ang fertility niya.
  • Erectile dysfunction. Ang erectile dysfunction ay isang kondisyon kung saan nahihirapang magkaroon ng erection ang isang lalake. 
  • Pagbabago sa testicles. Mahalaga sa fertility ng lalake ang pagkakaroon ng malusog na testicles, dahil dito nanggagaling ang sperm cells. Kapag maliit ang testicles ng isang lalake ay puwedeng sintomas ito ng infertility. Ang pamamaga din ng testicles ay isa pang sintomas ng pagkabaog.
  • Obesity. Tulad ng sa mga babae, ang obesity sa lalake ay nakakaapekto ng fertility. Kaya't mahalaga ang pagkakaroon ng tamang timbang pagdating sa fertility.

Anu-ano pa ang nakakaapekto sa fertility?

Maraming mga bagay ang posibleng maging sanhi ng pagkabaog. Kasama na rito ang mga sumusunod na bagay:

  • Pag-inom ng alak.
  • Paninigarilyo.
  • Stress.
  • Hindi pagkain ng tama.
  • Pagkakaroon ng STD.

Kaya't mahalaga sa mga nagpaplanong magkaanak na alagaan ang kanilang mga sarili at siguraduhing malusog ang kanilang pangangatawan. Dahil ang pagkakaroon ng malusog na katawan ay makakatulong upang makaiwas sa mga problema pagdating sa fertility.

 

Source: Medical News Today

Basahin: Nanay: nabaog ako dahil sa caesarean section