Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

Pinag-usapan sa social media ang muling pagbabangayan nina Baron Geisler at kanyang misis na si Jamie Evangelista.

Viral ngayon sa internet ang pag-aaway ng aktor na si Baron Geisler at Cebuana wife niyang si Jamie Evangelista-Geisler. Narito ang video at naging sagutan nila sa kanilang naging pagtatalo.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Baron Geisler at Jamie Evangelista nag-away
  • Reaksyon ng mga netizen
  • Nakalipas na issue ni Baron Geisler at kanyang wife

Baron Geisler at Jamie Evangelista nag-away

Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: No one wants you here!

Image screenshot from YouTube video

Naging viral agad ang video ng pag-aaway ng aktor na si Baron Geisler at wife niyang si Jamie Evangelista na in-upload kahapon ng aktor sa kaniyang Facebook account. Ang naturang video ay agad ring binura ni Baron ngunit nakakuha agad ng kopya ng ibang netizen.

Sa nasabing video ay maririnig na nagtatalo si Baron at misis niyang si Jamie. Sa unang bahagi maririnig na sinabi ni Jamie sa salitang Cebuano na mababaliw na siya kay Baron at mina-manipulate umano siya ng mister.

Ang sagot sa kaniya ni Baron ay parang ang misis niya raw ang may kailangan ng rehab at hindi siya.

May hamon pa si Jamie kay Baron na kung tatawagin niya ba ang guard at may nabanggit din itong ‘sugar mommy’. Dumepensa naman si Baron at nilahad na parang sinasabing hindi na raw alam ng kanyang misis ang pinagsasabi nito.

“Oh my god. What is this? Sinong kailangang i-rehab.”

Ito ang sagot ni Baron sa mga paratang ng misis.

Sa video ay makikita ring may inihagis si Jamie kay Baron habang ito ay nakahiga. Nabasa ang aktor na nakahiga sa kama.

Ilan pang mga sandali ay tila pinagbabato at pinaghahampas na ni Jamie ang aktor na inalmahan ni Baron.

“You are hurting me”, sabi ni Baron Geisler sa kanyang wife.

Bumwelta naman si Jamie na tila pinapaalis na ang aktor ang Cebu at pinababalik na ito sa Maynila.

“Go to Manila. Di ka naman taga-dire. No one wants you here.”

Hanggang sa dulo ng kanilang pag-uusap ay sinabi ng misis ni Baron na ilang beses niya ng kinausap ng maayos ang aktor. Pero hindi pa ito nagbabago at nanatili paring arogante.

Hamon pa nito ay sumama na lang raw sa ‘sugar mommy’ niya na kayang magbigay ng mga pangangailangan niya.

Ang video ng pag-aaway na ito ni Baron at kaniyang misis ay agad niya ring binura. Kasunod nito ay ang paghingi ng tawad ng aktor sa Facebook. At ang paghiling na kung sana ay maari niya lang ibalik sa simula ang lahat na kung saan maitatama niya ang kaniyang pagkakamali.

 “I am sorry.. know one is perfect… I wish I had a magic book to turn things around.. And I am a terrible person.”

Ito ang post ni Baron sa kaniyang Facebook account na kung saan nag-komento rin siya. Sabi pa ng aktor ay miss niya ang kaniyang ina.

Reaksyon ng mga netizen

Ang post niyang ito nakatanggap ng simpatiya sa mga netizens. May mga nagsabi pa ngang inspirasyon nila ang aktor pagdating sa pagbabago at pagkakaroon ng bagong pag-asa.

Ito ang ilan sa komento ng netizen sa sorry post ni Baron kagabi.

“Baron Geisler Isa ka sa malaking patunay na Patotoo na kahit sino Pwede baguhin ng Diyos. All Praises belong to God alone🙏.”

“I’m a silent fan here..🙂 I’ve been into hell last year and that is the darkest moment of my life.. You are one of my totem for me to keep sane and look for the positive side of life.. Please always remember that anything can’t be done overnight but we are always at your back..🙂”

BASAHIN:

Nadine Lustre pumalag sa intriga: “How TH I’m pregnant every year”

Judy Ann Santos sa paggamit ng gadgets ng mga anak niya: “Ang mga anak namin they don’t have any cellphones, wala silang social media.”

Carlo Aquino kumanta na sa hiwalayan kay Trina Candaza: ‘Nag-separate na kami this year lang’

Nakalipas na issue ni Baron Geisler at kanyang wife

Baron Geisler at Cebuana wife niyang si Jamie Evangelista

Image from Jamie Geisler’s Facebook account

Hindi naman klaro kung anong dahilan ng pag-aaway nina Baron at Jamie. Ngunit matatandaan na minsan na ring nasaksihan ng online world ang pagiging palaban ng misis ng aktor.

Ito ay nang i-call out niya ang isang aktres na rumenta umano ng sasakyan para mapasundo lang si Baron at makipag-inuman sa aktor nito lamang Pebrero.

Sabi pa ni Jamie sinusuportahan niya ang trabaho ng mister niya pero ang ginawa ng naturang aktres ay kawalan ng respeto sa kaniya bilang asawa pati na sa pagsasama nila.

“Booking a car for a married man to go drinking at your place ain’t cool. I support and respect my husband’s craft, but I don’t tolerate such disrespect. So, let’s keep it professional. I don’t intend to humiliate anyone, but I value my mental health and my family.”

Ito ang post noon ni Jamie na agad din niyang binura. Siya rin ay humingi ng paumanhin sa mga nasabi niya.

Si Jamie at Baron ay nakatira na ngayon sa Cebu kung saan pina-practice niya ang kaniyang profession bilang isang psychologist. Sila ay may isang anak na babae na nagngangalang Talitha Cumi o Tali na dalawang taong gulang na.

aron Geisler at Cebuana wife niyang si Jamie Evangelista

Image from Jamie Geisler’s Facebook account

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!