X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Basahan cake, handog ng ina sa kanyang anak dahil walang pambili ng totoong cake

4 min read

Kilalanin si Nanay Rosalyn, ang ina ng 7-year old na batang ginawan ng basahan cake dahil wala silang pambili ng totoong cake.

Basahan cake

Ikinuwento ni Nanay Rosalyn Fernandez ang naging selebrasyon ng kanyang 7-year old na anak na si Angel. Banggit niya, wala silang pambili ng cake. At nagkataon na noong araw na iyon ay gumagawa siya ng mga basahan na pangbenta. Dahil daw sa lockdown, walang budget ang kanilang pamilya.

Naisipan niya raw na gawan muna ng basahan cake ang anak upang hindi naman ito malungkot. Gayunpaman, mayroon siyang kaunting handa na mula sa kanilang mga kamag-anak at kapitbahay.

Matapos namang mai-post sa Social Media ito, marami ang nagpaabot ng tulong sa pamilya. Sa katunayan, maraming nagpadala ng cake at iba pang pagkain para sa kanila.

Mayroon pa nga raw na nag-donate mula sa Amerika at ito ay ipinangbili ng pansit at cake.

basahan cake

Birthday message ng ina para kay Angel

Noong tinanong kung ano ang mensahe niya at wish para sa anak, ito ang sagot ni Nanay:

"Ang gusto ko lang ay sana mag-aral siya nang mabuti at maging malakas ang katawan niya, 'wag siyang magkasakit."

Talaga namang selfless ang pagmamahal ng mga ina para sa kanilang mga anak. Kahit pa kapos ay ginawan pa rin ng paraan ni Nanay Rosalyn na mai-celebrate ang birthday ng kanyang anak. Dahil sa kanyang mabuting kalooban, maraming netizens ang na-touch sa kanilang kuwento.

Facebook post ni Nanay Rosalyn

basahan cake

Sa video na naka-post sa Facebook profile niya, ito ang mensahe niya para sa kanyang anak:

"Pag tapos kong mapanuod ang video parang naiiyak ako kase yung binigay ko sakanyang cake ay kunwareng cake lang tinaytay na basahan lang sabi ko imagine muna nya na cake yon dahil wala kaming pambili ng handa hindi padin po kami nag tatanghaliaan ng mga oras nayan, at nung nag wish sya na sana mag karoon sya ng cake naawa ako bigla nalang nahulog yung kandila at napaso ang braso nya iyak sya ng iyak kaso na buwal yung kunwareng cake na hawak nya dinadaan ko nalang sa tawa ang lahat para hindi ako tuluyang maiyak . Sana po may mag share nitong video nya para makita nila ang simpleng hiling ng anak ko Happy 7th birthday angel."

Ayon pa sa kanya, ayos lang na wala sila sa ngayon. Ang mahalaga ay walang may sakit sa kanilang pamilya.

basahan cake

"Happy 7th birthday angel. Kahit wala tayong pera ok lang basta wala tayong sakit nakaraos tayo sa simpleng tinapay at Rc na bigay ng iyong tito, pasensya na kung wala ang hiniling mong cake at dahil wala kang cake ginawa ko nalang ang tinaytay namin na basahan at nilagyan ng candle para kahit papaano ma-imagine mong may cake ka ok lang yan basta mag-aral at magtapos ka makakaraos din tayo. Happy birthday."

Mahalaga bang i-celebrate ang 7th birthday?

Ayon sa mga eksperto, ang unang 6 na taon ng bata, na tinatawag na early childhood years ay pinakamahalagang panahon ng pagkabata. Dito kasi naitataguyod ang pundasyon ng kanilang kaalaman at pagkatuto. Kaya’t paglagpas sa edad na 6 na taon, ipinagdiriwang ang susunod na mahalagang milestone sa buhay ng isang bata—ang ika-7 kaarawan.

Sabi ng iba, ito ay nagmamarka ng simula ng pagiging independent ng isang bata. Pagpasok niya sa elementarya, hindi na siya nakakapit sa kamay ni nanay o tatay, ika nga. Mas accountable na siya sa sarili niyang galaw, nagdedesisyon na siya para sa sarili tungkol sa mga maliliit na bagay. Dito na rin natututong magkaron ng ideya kung ano ang tama at mali, at kung ano ang pipiliing gawin. Malaking pagbabago, kaya nga marami ang nagdiriwang nito, sa pamamagitan ng isang malaking handaan o munting salo-salo, basta mairaos ang mahalagang okasyon na ito.

Gayunpaman, huwag i-pressure ang iyong sarili at gawin lang kung ano ang kaya. Mahalaga lang naman na maiparamdam natin sa mga anak natin na mahalaga sila at masaya tayong makita silang tumatanda. Katulad na lamang ng kuwento ni Angel at ng kanyang nanay na si Rosalyn, magsilbi sanang inspirasyon para sa mga magulang at mga bata ang kuwento na ito.

 

Source:

ABS CBN News

Basahin:

A mother’s sacrifice: Heroic tales of love and care from mom frontliners

Partner Stories
PayMaya gives you your daily dose of good vibes with Feel-Good Deals!
PayMaya gives you your daily dose of good vibes with Feel-Good Deals!
Disinfect to Protect: Lysol donates P36M to Philippine Red Cross to combat COVID-19
Disinfect to Protect: Lysol donates P36M to Philippine Red Cross to combat COVID-19
Craving for some chips? How about healthy snacks!
Craving for some chips? How about healthy snacks!
Over 1,000 marked down items up for grabs at The Metro Stores’ Crazy Sale
Over 1,000 marked down items up for grabs at The Metro Stores’ Crazy Sale

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

mayie

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tunay na kuwento
  • /
  • Basahan cake, handog ng ina sa kanyang anak dahil walang pambili ng totoong cake
Share:
  • Ina na nag-positibo sa COVID-19, napilitang iwanan ang mga anak

    Ina na nag-positibo sa COVID-19, napilitang iwanan ang mga anak

  • Mahilig ka rin ba sa Yakult? Siguradong matatakam ka rin sa Yakult cake na ito

    Mahilig ka rin ba sa Yakult? Siguradong matatakam ka rin sa Yakult cake na ito

  • Maitim na kilikili? 12 iba't ibang natural na paraan pampaputi ng kilikili

    Maitim na kilikili? 12 iba't ibang natural na paraan pampaputi ng kilikili

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • Ina na nag-positibo sa COVID-19, napilitang iwanan ang mga anak

    Ina na nag-positibo sa COVID-19, napilitang iwanan ang mga anak

  • Mahilig ka rin ba sa Yakult? Siguradong matatakam ka rin sa Yakult cake na ito

    Mahilig ka rin ba sa Yakult? Siguradong matatakam ka rin sa Yakult cake na ito

  • Maitim na kilikili? 12 iba't ibang natural na paraan pampaputi ng kilikili

    Maitim na kilikili? 12 iba't ibang natural na paraan pampaputi ng kilikili

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.