4-anyos, lumabo ang mata dahil sa sobrang paggamit ng gadget

lead image

Sa panahon ngayon, normal na sa mga bata ang paggamit ng gadget tulad ng smartphone at tablet. Malaki ang naitutulong ng mga ito pagdating sa paglibang ng mga bata, at nakakatulong rin para matuto sila ng iba't-ibang mga bagay sa internet. 

Ngunit mayroon rin palang dalang panganib ang paggamit nito, lalo na kung sumobra. Ito ay dahil kamakailan lang ay nagkaroon ng balita tungkol sa isang 4-anyos na bata galing China na dahil sa sobrang paggamit ng smartphone ay naging malabo ang mga mata. 

Bakit kaya ito nangyari, at ano ang magagawa ng mga magulang para maiwasan itong mangyari sa kanilang anak?

4-anyos, lumabo ang mata dahil sa paggamit ng gadget

Ayon sa ulat, parehas raw na working parents ang magulang ng bata. Dahil dito, madalas raw ay ang lolo at lola ng bata ang nag-aalaga sa kaniya. Ngunit dahil sa pagiging active at energetic ng bata, nahirapan ang mga matanda na bantayan at tutukan siya.

Kaya't naisipan nilang bilhan siya ng smartphone upang siya ay maglibang. Dahil dito, madalas raw na nakaupo lang ang bata at nanonood ng videos at naglalaro ng games sa smartphone.

Ngunit isang araw raw ay nagsabi ang bata sa kaniyang mga magulang na parang lumalabo raw ang kaniyang paningin. Matapos nilang pumunta sa ospital, napag-alaman na naging shortsighted ang bata, at kinakailangan niyang magsalamin. Ayon sa doktor kailangan raw ng bata ng salamin na may grado na 650; napakataas nitong grado kahit na sa mga matatanda.

Dagdag pa ng doktor, posible raw na epekto ito ng paggamit ng bata ng smartphone. Dahil kapag nasobrahan raw sa pagtingin sa screen ng malapitan ay humihina ang mata, at posibleng maging katulad sa paglabo ng mata na nangyayari sa mga matatanda.

Kaya mahalagang huwag hayaang masobrahan sa paggamit ng gadgets ang mga bata. Kung maari nga ay mas mabuting huwag muna silang hayaang gumamit ng mga ito dahil hindi pa naman nila kinakailangan.

Mga tips pagdating sa paggamit ng gadgets:

Heto ang ilang tips para sa magulang pagadating sa screen time at paggamit ng gadgets:

1. I-assume mo na skilled ang anak mo

Lalo na sa mga may content blocking na mga sites, assume mo na skilled ang anak mo. Bakit? Marahil mas marami pa silang alam na tricks sa iyo sa makabagong teknolohiya, o pwede ring natulungan ng mga kaibigan.

2. Mag-spend ng time kasama ang anak

Kung gusto mo ring ma-monitor ang anak mo, mag-spend ka ng time kasama siya gamit ang computer, tablet, o smartphone, o kung ano mang gamit niya para matulungan kang i-establish na hindi lang siya solitary activity. Marahil maglaro ng joint game, manood ng movie magkasama, gumawa ng creative project, kumuha ng new hobby o topic o interes (tulad ng sport, art, game, music, at iba pa), at mag-spend ng time na ginagawa ang mga ito online. Gawin itong masaya at engaging—marahil huwag munang gumamit ng mga eksam or quiz sa mga oras na ito. Ideally, hayaan mong pumili ng topic ang iyong anak pero siyempre ikaw pa rin ang final say.

3. Mag-anticipate

I-anticipate mo na kapag ang iyong anak ay prone sa aggressive behavior o anxiety, ang mga content ng kahit anong bidyo games o kahit anong material online maaaring mas maging worse ang behavior na ito. Tulad na nga lamang na kanyang anxiety at fear na common in early childhood, maaaring lumala lalo na kapag devoted sa screen time sa mga traumatic o events na may mga terrorist acts, violence, death, at kung ano pang hindi magandang behavior.

4. Tandaan na ang pag-explain ay hindi sapat

Usually ang mga parents ini-inform lang ang mga anak tungkol sa mga danger na dulot ng more screen time at nagkakaroon naman ng verbal understanding ang both sides pero mas maganda kung i-explain thouroughly sa anak—hindi lang siguro yung mga danger pati na rin ang mga benefits ng less screen time.

5. I-monitor ang screen time ng iyong toddler o adolescent

Ang pag-monitor sa inyong mga anak ay makakatulong sa kung ano ang pwedeng makuha nilang mga ugali online na ayaw mong makuha nila, pero hindi naman yung sobrang pag-uusisa na. Basta keep track lang kung ano ang ginagawa ng iyong anak at kung sino kasama.

6. Maging magandang halimbawa

Bilang isang nakatatanda, maging magandang halimbawa sa inyong mga anak kung paano gumamit ng mga smartphone o tablet online at siyempre kung maaari limitahan din ang iyong screen time.

Samakatuwid, ang digital media ay talaga nga naman nagdadala sa mga magulang ng mga bagong pag-aalala at concern pero good reason naman. Pero tandaan kung magiging magandang impluwensya at halimbawa ang mga magulang magiging positibo din ang reaksyon ng inyong mga anak sa paggamit ng digital media.

 

Source: World of Buzz

Basahin: Judy Ann Santos sa gadget rules: “Hindi puwedeng mag-games, hindi puwedeng mag-YouTube, nothing.”

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!