X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Batchoy Tagalog Recipe: Sangkap At Paraan Ng Pagluto

4 min read
Batchoy Tagalog Recipe: Sangkap At Paraan Ng PaglutoBatchoy Tagalog Recipe: Sangkap At Paraan Ng Pagluto

Batchoy Tagalog na swak na swak sa malamig na panahon at kahit hindi malamig ang klima swak din itong pang ihain kasama ang buong pamilya.

Mahilig ka bang humigop ng sabaw? Subukan ang recipe ng Batchoy Tagalog na ituturo namin sa’yo!

Sa pamilya namin, walang duda na mas magaling at mas masarap magluto ang tatay ko sa nanay ko. Pero noong lumalaki na ako, may isang putahe na niluluto ang nanay ko na gustung-gusto ko. Natatandaan ko, ang tawag niya sa ulam na ‘yon na nilalagyan niya ng miswa noodle ay batchoy.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Pagkakaiba ng Batchoy Tagalog sa La Paz Batchoy
  • Sangkap sa pagluluto ng Batchoy Tagalog recipe
  • Paraan ng pagluluto sa Batchoy Tagalog recipe

Kailan ko lang nalaman na ang batchoy pala na niluluto ng nanay ko ay hindi pareho ng mas sikat na La Paz batchoy.

batchoy recipe

La Paz Batchoy o Batchoy Tagalog?

Meron palang iba-ibang klase ng batchoy sa Pilipinas. Ang mas sikat ay ang bersyon ng mga Ilonggo, ang La Paz Batchoy. Dito raw kasi talaga nagsimula ang batchoy.

Paano nila niluluto ang batchoy nila? Nilalagyan nila ito ng guinamos (bagoong na isda) na nagbibigay ng umami o halo-halong lasa ng alat, asim, tamis at pait. Gumagamit rin sila ng makapal na noodles (o miki) na binabanlian ng malapot at mainit na sabaw. Kapag kakainin na, nilalagyan ng nilagang itlog at chicharon sa ibabaw.

Meron ring sariling istilo ng pagluluto ng batchoy ang mga Kapampangan. Tinatawag nila itong Batsui, at ‘di tulad sa dalawang klase ng batchoy, kadalasan walang nilalagay na noodles sa recipe ng batchoy na ito. Pwede rin naman ito lagyan ng maninipis na noodles o bihon. Medyo may pagkakalapit ito sa tinola, pero sa halip na manok, ang sangkap ng batsui ay mga lamang loob (innards) ng baboy.

Napansin na ang tatlong klase ng batchoy ay gumagamit ng baboy at mga lamang loob. Pero mas madaling lutuin ang Batchoy Tagalog. Mas magaan rin ito sa tiyan kaysa sa La Paz batchoy.

Dahil mas pamilyar ako sa lasa at sarap ng niluluto ng nanay ko na taga-Laguna, ang recipe ng batchoy na ituturo ko ngayon sa inyo ay ang Batchoy Tagalog.

BASAHIN:

Chicharon bulaklak recipe: Extra crispy!

Easy to make Beef Mechado recipe na mae-enjoy ng buong pamilya!

Halaan soup o tinolang halaan swak sa mga breastfeeding moms pati na rin sa buong pamilya

batchoy recipe

Photo by Usman Yousaf on Unsplash

Batchoy recipe

*apat na tao ang makakakain sa recipe na ito

Mga sangkap:

  • 1½ tasang tubig
  • 1 kutsarang mantika
  • 6-8 tasang tubig (nakahiwalay sa una)
  • 1 kutsarang pinitpit na luya, tinadtad
  • 1 kutsarang tinadtad na bawang
  • ¼ kilo sariwang dugo ng baboy na binudburan ng konting asin
  • 1 sibuyas na puti (katamtaman ang laki), tinadtad
  • ¼ kilo laman ng baboy, hiniwa ng manipis
  • ¼ kilo puso ng baboy, hiniwa ng manipis
  • 1 pork bouillon cube
  • 1 kutsarang patis
  • ¼ kilo ng lapay (spleen) ng baboy, hiniwa ng maliliit na cubes
  • 3 piraso ng miswa (mga 4 ounces)
  • 2 tali ng sariwang dahon ng sili
batchoy recipe

Photo by Frank Zhang on Unsplash

Sundin ang mga hakbang na ito:

  1. Sa maliit na kaserola, pagsamahin ang dugo ng baboy at isang tasang tubig. Huwag hahaluin. Pakuluin muna ng ilang minuto hanggang mamuo. Salain ang tubig. Hiwain ng maliliit ang namuong dugo.
  2. Sa malaking kaldero, painitin ang mantika at igisa ang luya, bawang, sibuyas. Ihalo ang hiniwang laman at puso ng baboy. Lutuin ng ilang minuto hanggang maging light brown na ang kulay ng baboy.
  3. Lagyan ng 6 hanggang 8 tasa ng tubig at pork buillon cube. Haluin. Pakuluin at lutuin sa loob ng 20 minuto o hanggang lumambot ang baboy.
  4. Ilagay ang dugo, lapay, atay ng baboy at lutuin sa loob ng 5-8 minuto.
  5. Timplahan ng asin at pamintang durog. Ilagay ang miswa. Pakuluin muli. Haluin.
  6. Ilagay ang dahon ng sili at patayin na ang apoy ng kalan.

***Kung hindi ka makahanap ng lapay (spleen), pwedeng mong palitan ng atay ng baboy.

Tulad ng lahat ng ulam na may sabaw, pinakamasarap itong kainin kapag bagong luto.

Nasundan mo ba ang recipe ng Batchoy Tagalog na ito? Subukan mong lutuin kapag maulan!

Partner Stories
Ibinahagi ng Isang Nanay ang Kanyang Trick Kung Paano Niya Pinapainom ng Supplements Ang Kanyang Anak, At Magugulat Kayo!
Ibinahagi ng Isang Nanay ang Kanyang Trick Kung Paano Niya Pinapainom ng Supplements Ang Kanyang Anak, At Magugulat Kayo!
Sisimulan mo na bang pakainin si baby ng solid foods? Subukan siyang pakainin ng 'Organic baby food'
Sisimulan mo na bang pakainin si baby ng solid foods? Subukan siyang pakainin ng 'Organic baby food'
Nagsasawa ka na ba sa paulit-ulit na Noche Buena desserts? Iba naman!
Nagsasawa ka na ba sa paulit-ulit na Noche Buena desserts? Iba naman!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Divine Enya Mesina

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagkain at nutrisyon
  • /
  • Batchoy Tagalog Recipe: Sangkap At Paraan Ng Pagluto
Share:
  • Beef Bulalo Recipe: Mainit na sabaw para sa malamig na panahon

    Beef Bulalo Recipe: Mainit na sabaw para sa malamig na panahon

  • Baka naman: Easy Bistek Tagalog recipe

    Baka naman: Easy Bistek Tagalog recipe

  • Anne Clutz sa resulta ng Congenital Anomaly Scan: "Ipagdasal ninyo kami, lalo na si baby"

    Anne Clutz sa resulta ng Congenital Anomaly Scan: "Ipagdasal ninyo kami, lalo na si baby"

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

app info
get app banner
  • Beef Bulalo Recipe: Mainit na sabaw para sa malamig na panahon

    Beef Bulalo Recipe: Mainit na sabaw para sa malamig na panahon

  • Baka naman: Easy Bistek Tagalog recipe

    Baka naman: Easy Bistek Tagalog recipe

  • Anne Clutz sa resulta ng Congenital Anomaly Scan: "Ipagdasal ninyo kami, lalo na si baby"

    Anne Clutz sa resulta ng Congenital Anomaly Scan: "Ipagdasal ninyo kami, lalo na si baby"

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.