Beauty Gonzales binalikan unang araw na nakilala ang asawa: "Hanggang sa dulo ikaw pa rin at ako!"
Binalikan ni Beauty Gonzales sa unang araw na nakilala niya ang kaniyang asawa, 10 taon na ang nakalipas. Paano nga ba tumagal ang relasyon?
Maraming netizen ang na-inspire sa social media post ni Beauty Gonzales matapos nitong magbalik-tanaw sa unang beses na nakilala ang kaniyang asawa.
Mababasa sa artikulong ito:
- Beauty Gonzales inalala 10 taong nagdaan buhat nang makilala ang asawa
- Tips para tumagal ang relasyon sa kabila ng mga pagsubok
Beauty Gonzales inalala 10 taong nagdaan buhat nang makilala ang asawa
Sa isang social media post, ibinahagi ni Beauty Gonzales ang kwento ng unang pagkikita nila ng kaniyang asawa. 10 taon na umano ang nakalipas nang magtagpo ang kanilang landas sa Esquire Ball.
Kwento ni Beauty Gonzales, “Exactly 10 years ago today we met for the very first time. The Eraserheads unofficially reunited at the Esquire Ball, Soon as we heard the first chords of ALAPAAP, you grabbed my hands, Ran to the dance floor… And since then have never let go.”
Para kay Beauty Gonzales, pang walang hanggan na ang kanilang pagmamahalan.
Aniya, “10 years is long in anyone’s books but especially glorious for us. Multiplied, heightened and extended to last two lifetimes. We shall never fade. Hanggang sa Dulo ng Mundo, Ikaw pa rin, at Ako.”
Tips paano manatiling matatag ang relasyon sa kabila ng mga pagsubok
Bawat relasyon ay magkakaiba. Magkakaiba rin ang mga pagsubok na pinagdaraanan. Pero sa kabila ng pagkakaiba-iba nito, mayroong mga bagay na pangkaraniwan upang tumatag ang mga relasyon.
1. Komunikasyon susi sa matatag na relasyon
Para umano tumagal ang relasyon sa kabila ng mga pagsubok, mahalaga ang bukas na komunikasyon. Ipaalam sa partner ang iyong nararamdaman at maging handa ring makinig sa kanya. Maglaan ng oras para mag-usap at solusyunan ang mga problema nang magkasama.
2. Respeto para tumibay ang pagmamahalan
Mahalaga rin ang respeto—igalang ang pagkakaiba ng opinyon at maghanap ng compromise sa bawat sitwasyon. Maging understanding at huwag basta-bastang susuko sa maliit na bagay. Alamin kung kailan magpapakumbaba at mag-sorry kung may pagkakamali. Pagandahin ang samahan sa pamamagitan ng simple gestures ng pagmamahal, tulad ng paglaan ng quality time o pagpapakita ng appreciation.
3. Bigyan ng chance na umunlad ang bawat isa
Maglaan din ng space para sa isa’t isa—bigyan ng pagkakataon ang bawat isa na mag-grow bilang individual. Sa huli, ang pagtitiis, pasensya, at patuloy na pagpili sa isa’t isa araw-araw ang susi para manatiling matatag ang relasyon sa kabila ng anumang pagsubok.