Beke: Sintomas, Paggamot at mga Posibleng Komplikasyon

lead image

Isang virus ang pinagmumulan, na maaaring lumala kung hindi maaagapan—gaano ba ka-seryoso ang sakit na ito?

Naalala ko pa ang sakit na ito na mas karaniwan nung panahon na bata pa ako. Pero dahil sa bakunang napalaganap simula ng 1967, naging bihira na ang “outbreak”  ng beke o mumps. Sanhi ito ng isang virus, at kumakalat sa pamamagitan ng laway (o pagtalsik nito). Oo, mabilis na nakakahawa ang sakit na ito, ayon kay Dr. Arsenio Meru, MD. Ang pagbahing, pagtawa, pagtalsik ng laway habang nagsasalita, at pag-inom sa baso ng may sakit, ay ilan sa mga pinakamabilis na paraan ng pagkahawa.

Kapag nahawa, naiimpeksiyon ang ilang bahagi ng katawan lalo na ang parotid salivary glands— ang glands na pinanggagalingan ng laway ng bibig. Paliwanag ng  MedinePlus Journal, ang parotid salivary glands ay nasa likod ng pisngi, sa gitna ng tenga at panga. Dahil sa impeksiyon sanhi ng virus, namamaga ang bahaging ito ng mukha at malubha ang pagsakit.

11 Bagay na dapat malaman tungkol sa beke

  1. Sa edad 5 hanggang 14 karaniwang nagkakaron ng beke ang mga bata. May mga ilang kaso pa rin ng beke sa mga adults, pero mas karaniwan ito sa mga bata.
  2. Bihira ang mga kaso na magkaro'n ng beke ng pangalawang beses ang isang tao, bagamat hindi ito imposible. Mas karaniwang protektado na ang mga taong nagkaron na ng beke ng isang beses, kaya’t hindi na sila nagkakaron pa ulit, ayon sa Centers for Disease Control and Prevention-USA.
  3. Ilang sintomas ng beke ay mataas na lagnat, sakit ng ulo, sakit ng mga muscles, pakiramdam na pagod na pagod, at walang ganang kumain. Saka pa lang mapapansing namamaga ang salivary glands at makikita sa ilalim ng tenga o sa panga, sa isang side ng mukha o parehong side. Hirap ngumuya, lumunok, o magsalita ang may beke.
  4. Posible ang hindi makaranas o makita ang mga sintomas ng beke, kahit may impeksiyon na.
  5. Karaniwang tumatagal ng 7 hanggang 12 araw lang ang sakit o sintomas ng beke. Bihira ang malalang komplikasyon. Isang linggo inaabot bago tuluyang mawala ang pamamaga.
  6. Pinakanakakahawa ang mga may beke 2 araw bago lumabas ang sintomas, hanggang 6 na araw pagkatapos mawala ito, ayon kay Dr. Meru. Maaari ding  maging “carrier” ang mga taong walang sintomas.
  7. Walang paggamot sa beke, pero may bakuna mula pa sa pagkasanggol: ang measles-mumps-rubella (MMR) vaccine ang mabisang proteksiyon lalo na sa mga bata. Ibinibigay ang unang dose sa edad na 12–15 buwan, at 4-6 taong gulang naman ang second dose. Kailangang makumpleto ang 2 doses ng MMR vaccine para maging lubusang epektibo ito. Dahil sa MMR vaccine, itinuturing nang rare disease ang beke.
  8. Maaaring gamutin ang mga sintomas (lagnat, sakit ng katawan, atbp), habang nagtatrabaho ang immune system para maalis ang impeksiyon sa katawan. At dahil ang beke ay isang virus, hindi magagamot ito ng antibiotics.
  9. Kailangang obserbahan ang temperature ng pasyente, at siguraduhing dalhin sa doktor kung higit sa 39ºC ang lagnat. Maaaring bigyan ang bata ng acetaminophen o ibuprofen, para sa lagnat at sakit. Huwag bigyan ng aspirin dahil ang gamot na ito ay HINDI para sa mga sakit na viral, at ang pag-inom nito ay maaaring maging sanhi ng liver failure at pagkamatay.
  10. Malambot na pagkain o iyong madaling nguyain o kainin ang dapat na ipakain sa may beke. Tandaan na masakit ang pag-nguya at paglunok ng pasyente, kaya’t puro sopas at fluids lang ang mabuti para sa may beke. Mas masakit ang beke kung iinom ang pasyente ng acidic juices tulad ng orange juice at lemonade, kaya’t iwasan ito. that make gland pain worse. Mas makakabuti ang tubig para sa mga bata, at decaffeinated soft drinks at tea (para sa mga matatandang pasyente).
  11. Hindi kailangang pahigain lang ang batang may beke. Hayaan siyang maglaro kung kaya niya, basta’t hindi sa labas ng bahay, at hindi masyadong nakakapagod na laro tulad ng pagtakbo o pagbibisikleta.

May mga komplikasyon nga ba ang beke?

Katulad ng nabanggit, bihira ang mga komplikasyon ng sakit na ito, pero may mga rare cases na naaapektuhan ang utak at membranes, ayon kay Raluca Papadopol, MD ng Mayo Clinic. Kapag may stiff neck, kombulsiyon o seizure, labis na pagkahilo, malalang kaso ng sakit ng ulo, nahimatay, at sumasakit ng labis ang abdomen o tiyan, maaaring senyales ito ng problema sa pancreas sa mga lalaki at obaryo sa mga babae.

Nariyan din ang ilang komplikasyon na dulot ng beke tulad ng Meningitis o pamamaga ng tissue na bumabalots sa utak at spinal cord, pagkabingi, Encephalitis o pamamaga ng utak, Orchitis o pamamaga ng testicles sa lalaki na nasa puberty stage, at Oophoritis o pamamaga ng obaryo at/o mastitis o pamamaga ng suso, sa mga babae na nasa puberty stage.

Ang isang malubhang komplikasyon ay ang miscarriage o pagkalaglag ng bata, kung ang pasyente ay nagbubuntis.

May mga kumalat ding maling balita dati na ang MMR vaccine ay may kinalaman sa mga kaso ng autism sa mga bata. Pinabulaanan ito ng mga scientists mula sa American Academy of Pediatrics, Institute of Medicine, Centers for Disease Control and Prevention at Department of Health, sa Amerika at Pilipinas din, at iba pang mga bansa sa buong mundo na nagkaroon na ng masusing pag-aaral tungkol dito. WALANG kinalaman ang MMR vaccine sa anumang kaso ng autism.

Kumunsulta agad sa doktor kung na-expose ang bata sa taong may beke. Ang doktor ang makakapag-kumpirma kung may beke ang bata. Kailangan din kasing ipaalam ng mga doktor sa mga health authorities ang lahat ng kaso ng beke, para malaman kung may outbreak. Kung may measles outbreak, nirerekumenda ng mga doktor na mabakunahan ng MMR vaccine ang mga batang edad 1 hanggang 4 na taon.

Ang mga indibiwal na nasa kolehiyo na, mga palaging naglalakbay sa ibang bansa o international travelers, at health care workers ay hinihikayat na magpabakuna din.

Itanong din sa doktor kung kailan pwedeng bumalik ang bata sa eskwelahan, kung nag-aaral ito.

 

Basahin: The MMR Vaccine - Hard Facts to the Dangerous Half-Truths